Caught In The Act

1.2K 44 23
                                    

Hello! Another one-shot story. Hindi ko alam kung ano magiging reaction niyo dito pero naisipan ko talaga 'to isulat. VOTE AND COMMENT! :)  

Title credits to New Found Glory's song Caugh In The Act :)

[Note: This story's plot is adopted from a story I've read though I added and changed some parts. :) Want to thank and give credits as well to that foreign author anyways. :)]
--

*click*  

I locked the door saka dumiretso na 'ko ng higa pagtapos kong iwan sa couch lahat ng mga bagahe ko. Tapos na ang UAAP season 77 kaya binigyan kami ng isang linggong bakasyon. Sakto naman at sembreak din ng university.  

Ang lungkot pala ng walang kasama dito. Share kami dati ni Kimy dito pati mga bills bukod sa rent. Kumuha kasi siya ng unit around taft lang din   Sinubsob ko naman ang mukha ko sa napakalambot na unan ko. Nagpagulong gulong saka inabot ang remote ng aircon and pressed 3. Binalik ko naman sa mesa saka kinuha ang phone ko sa bulsa. Hay ang sarap humiga lang maghapon. Feeling ko malapit na ko maglaho sa sobrang pagod ko. Ikaw ba naman puro training tapos thesis pa? Aba goodluck.  

Narinig ko naman na tumutunog ang doorbell at exagge na kung exagge, pero tuloy tuloy. Kahit ilang beses ko nang sinabing papunta na hindi pa rin tumitigil ang pagtunog. Irita naman akong pumunta sa pintuan at binuksan.  

Hindi ko inaasahan na hindi isang batang nangtrtrip lang sa doorbell ang maaabutan ko. "ANO BA Y--Ara! Bakit?! Ano nangyari?!" I was shocked when she tackled me with a hug while crying. Sobrang higpit naman ng kapit niya sa shirt ko pero it doesn't matter. Hinagod ko naman ang likod niya para mapakalma siya ng kaunti.  

Mayroon na agad akong idea kung anong problema dahil ilang beses na 'tong nangyari. Pupunta siya sa bahay ng iyak nang iyak, at pare-pareho ding dahilan. I started to walk and guide her papasok ng unit ko saka literal na pinagtatapon kung saan ang mga bagahe ko na nakapatong sa couch saka naupo.  

Pagkatapos niyang humagulgol ng humagulgol ay unti-unti na ring bumabalik sa normal. Umalis naman siya sa pagkakayakap sa 'kin saka siya yumuko't mahina pa ring umiiyak. I held her chin up and brushed my thumb on her tear-stained cheek. "What happened?"  

"P-pag uwi k-ko. N-nakita ko s-siya..S-sila." Halos hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil sa paghikbi niya. Agad ko naman ulit siyang niyakap and kissed her on her temple. "Stop crying, okay na yan. Nandito na 'ko. Hindi mo dapat siya iniiyakan, Daks."  

I hate seeing her like this. I hate to see her crying over someone. I hate seeing her suffer. Laging nakadepende ang mood ko sa kanya. When she's happy, I'm happy. When she's upset, I also am. I want to tell her that I can make her genuinely happy, that I'll never think of hurting her.  

Sa wakas ay tumigil na siyang umiyak at konting paghikbi nalang ang maririning sa kanya. Halatang pagod siya kakaiyak isama pa ang last training na ginawa namin kanina bago magsi-uwian. "Bakit ba lagi nalang niya kong niloloko? What pleasure can she get by cheating behind my back? Ano bang ginawa kong masama?" sabi niya, head still leaning on my shoulder.  

I rubbed my hand up and down her back, and answered "Ewan ko, pero ikaw hinahabol mo pa rin siya kahit na alam mong masasaktan ka lang ulit. Hindi mo deserve ang isang taong ituturing ka na parang laruan. You're better than that."  

"Bakit ba ang bait mo sa'kin?" umayos naman siya ng upo saka humarap sakin. "Ang iyakin ko, reklamador dapat naiinis ka na sakin." dagdag naman niya.  

Napabuntong hininga naman ako saka ngumiti sa kanya. "Because I love you and you don't deserve to be treated like shit by Bang. She cheated on you for how many times so please wake up."  

Caught In The ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon