chapter 10:

10K 156 5
                                    


Venus

Nagising ako dahil may naramdaman akong may humahalik sa batok ko.

"Ice"-saway ko sa kanya. "Good Morning."-bati niya sakin sabay halik sa mga labi ko. Napatakip ako ng bibig ko hindi pa kasi ako nag-totoothbrush. Tumayong tumatawa si Ice. "Mauna na kong maligo."-paalam niya sakin kaya tumango lang ako.

Nanatili lang akong nakahiga ng may maramdaman akong nagvivibrate. Napalingon ako sa side table ko,phone lang pala ni Ice kinuha ko ito habang nakakunot ang aking mga noo.

Ouch. Pag-on ko pa lang nasaktan agad ako, ang ganda nilang tingnan ni Mars at Ice sa wallpaper ni Ice. Magkayakap silang dalawa. wow ang cute naman...tsk!

Muntik ko ng mabitawan ang phone ni Ice ng bigla ulit itong ng vibrate.

Nagtext pala si Mars, at ang dami.

'Babe nasan ka na?'

'Babe sagutin mo ang tawag ko!'

'Ice nasan ka na...'

'Babe galit ka pa rin ba sakin...'

'Babe'

Agad kong binalik ang phone ni Ice ng narinig ko ng tumigil na ang gripo sa cr ko. Tapos na siguro siya at tama nga ako.

Napalunok ako ng makitang lumabas sa banyo si Ice na may tuwalya sa mga bewang nito.

"Enjoying the view?"-lokong tanong nito. "H-hindi hah! Asa ka!"-palusot ko sabay pasok sa banyo. Narinig kong tumawa pa si ice sa labas...aarrgghh nakakainis!

Maliligo na sana ako ng maramdaman kong masusuka ako. Kaya dumerecho agad ako sa inodoro.

Nagulat ako ng may humahaplos na sa likod ko. "Are you okay?"-tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Epekto lang siguro ito ng pagbubuntis ko."- sagot ko kay Ice at hinaplos naman niya ang tyan ko atsaka ngumiti.

Matapos ang kadramahang yun naligo na ko. At matapos akong maligo, nagbihis na ako tsaka lumabas sa kwarto ko at naabutan kong nagluluto si Ice.

Lumapit ako sa kanya sabay yakap sa likod niya. "Ve, umupo ka na at baka mapaso ka pa dito."- ngumuso ako at padabog na umupo. Nilapag ni ang niluto niya." Sorry kung nasunog."-ani ni Ice habang kumakamot sa ulo niya. Nakakain pa ba ito??sunog na itlog, sunog na hotdog.

No choice, kumuha ako ng sunog na itlog sabay subo dito..teka??ang sarap.

"Ice paki abot nga ng patis."-kumunot naman ang noo niya habang kinukuha ang patis.

"Ve ano ginagawa mo!"-habang kinukuha ang platong kinakainan ko. Napatigil lang kami ng may biglang kumatok.

"Ako na."-ani ko sabay punta at bukas ng pinto. Napalunok ako sa aking nakita. Anong ginagawa niya dito?

"Anong mukha yan? Para ka nakakita ng mul---"-di natapos ang pagsasalita niya dahil biglang yumakap sa likuran ko si Ice.

"Baby--"-Napatigil si Ice dahil sa nakitang nakatayong tao sa harap ng bahay ko.

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon