Ito ay kwento ng bestfriend ko na si Sabrina
Magkasing edad lang kami ni Sabrina simula pagkabata ay magkaibigan na kaming dalawa sabay kaming umuuwi at nilalakad lang namin mula school hanggang bahay. Mayo 16 2014 noon ng nakatanggap ako ng balita na naaksidente daw ang kanyang asawa, may lakad ako noon pero bago ako umalis ay pumunta ako sa bahay ng magulang niya para ikamusta ang lagay ng asawa niya. Ayon sa mama niya nakakapagsalita naman daw ito at medyo maayos naman ang lagay. Nang marinig ko iyon nagpaalam na ako at pumunta sa lakad ko,. Tinext ko ang aming kabarkadang bakla na bisitahin namin ang asawa niya mamaya sa hospital.
Pagdating ko sa bahay agad din akong pumunta sa bahay ng kaibigan naming bakla, at umalis din kami,. Super laught trip kami dahil nakakatawa talaga iyong kasama ko na ala vice ganda kung bumanat.
Pagdating namin sa hospital doon namin nalamang na 50/50 na pala ang asawa nito todo iyak siya at syempre kami halos tumulo ang uhog sa kakapigil ng iyak at inaalo namin si Sabrina., pababa ng pababa ang heart rate niya kaya pigil hininga kami at umaasa ng magmiracle at tumaas ang heart rate niya., tatlong doctor ang nag aasist sa kanya habang pinipilit pa nilang irevive ang asawa ni Sabrina bandang 3 ng hapon ng ideklarang patay na talaga ang ito. Tahimik na tumutulo ang luha namin at si Sabrina ay naglulupasay sa kakaiyak sa emergency room. Tumulong muna kaming maasikaso ang lahat lahat sa hopital at punerarya bago sabay sabay na umuwi.
Kinabukasan pumunta ako sa bahay nina Sabrina para makipaglamay, dito na umiiyak na nagkukwento si si Sabrina na isang bago pa daw naaksidente ang asawa ay simula na ito tila namama alam sa kanya at nagbibilin., una tinanong daw siya palagi"kung mamatay ba ako gaano mo ako kadalas dadalawin?" "Pagnamatay ako gusto ko ng cremation" at bago daw ito umalis ng naaksidente ito sa motor hindi siya pinasama ng asawa, ngunit bago ito umalis ay humingi ito ng kiss at sinabi pa niya na "sige halikan mo na ako,.hindi natin alam kung makakabalik pa ako,.at Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala .
Bago pa man nakapagsalita si Sabrina ay nakaalis na ang kanyang asawa at naiwan siya na kinakabahan. Hindi pa lumipas ang 30 minutes ay nakatanggap pa siya ng tawag na naaksidente ang asaw nito.,Doon ko rin naalala na minsang nag sleep over ako sa bahay nila at nakipaglaro ng tong its tinanong ako ng asawa niya ng " sa tingin mo bakit ko ipinangalan at ipinundar ito mga property na ito kay Sabrina? Sagot ko sa kanya dahil mahal mo siya?? Sabi niya naman hindi dahil may tiwala ako sa kanya., pagkatapos sinabi niya na "alam kung close na close kayo ng kaibigan mo kaya sana pakitingnan mo sya at huwag konsentihin" natigil ang usapan namin ng bumalik si Sabrina sa sala.
Sabi ng iba baka daw nararamdaman ng asawa ni Sabrina na malapit na siyang mamatay kaya ngpapahiwatig ito,. Nasa inyo na ang pasya kung ito ay nagkataon lang o talagang isa itong uri ng kababalaghaghan. ,
BINABASA MO ANG
Philippines Horror Stories
HorreurIto ay mga kwento na aking narinig mula sa aking mga kakilala, kaibigan at kamag anak,, Ito ay totoong nangyari sa kanila at kayo na ang bahalang humusga sa kwento nila,.