Kalaro

115 2 0
                                    

Ito ay sarili kong karanasan noong namamasukan akong bilang yaya.

Tatlong bata ang binabantayan ko noon puro mga lalaki ang panganay ay 6 ang pangalawa ay lima at ang bunso ay tatlong na buwan.

Noong una wala naman akong napapansing kakaiba sa bahay nila, ngunit ng tumungting na sa isang taon ng bunso ay simula na akong makaramdam ng takot lalo na kapag naiiwan kaming dalawa sa bahay.

Sobrang malapit ako sa alaga kong ito kaya parang anak ang turing ko sa kanya alagang alaga ko siya at kasama ko kahit saan pumunta,.

Noong una ay napapansin ko na tatawa siya ng tatawa kahit mag isa siya sa kanyang duyan habang nakatayo doon. Isina walang kibo ko iyon inisip kong baka nakita niya lang ang laruan na nakasabit at natuwa siya dito.,

Mahilig akong manuod ng horror kaya minsang nagising ang alaga ko ng dis oras ng gabi ginising ako ng amo ko para mag alaga sa anak niya dahil may pasok siya sa umaga at di maaring magpuyat.
Nasa sala kami noon, habang naghahanap ako ng pwede naming mapanuod sa tv ay nakita ko na Mama(yung horror movie) ang palabas pinanuod ko muna saglit at nabigla ako ng tawa ng tawa ang bata kapag nagpapakita si mama at kapag inilipat ko ay umiiyak siya kaya hinayaan ko na lang na matapos ito at saka ililipat.,

Lumipas ang ilang buwan at nanuod kami ng amo kong babae ng horror ulit biglang nagising ang alaga kong bunso at gustong pumunta sa sala,. Nanunuod na naman siya ng nakatakot tuwang tuwa habang kami naman ng amo ko ay medyo natatakot kapag biglang lumitaw ang multo,.

Isang araw ng linggo dumalo sa birthday ang amo kung lalaki at kaming lima lang ang natira sa bahay, . Ang tatlong bata at kami ng amo kong babae. Natutulog noon ang bunso habang nanunuod kami ng tv sa sala. Bigla itong umiyak iyung iyak na takot na takot pagpasok ko sa kwarto kinarga ko siya palabas at hinile,. Nang tumahan na ay naglaro siya ng bola at paikot ikot sa sofa maya maya pa ay parang magtatago siya at sisigaw ng bulaga!! Tapos tatawa ng tatawa nagkatinginan kamibng amo ko, kinilabutan talaga ako non pati ang dalawang kuya ay sumiksik sa gitna namin ng mommy nila. May sampung minuto siguro ginawa iyong ng bunso kung alaga.,

Maya maya pa ay pumasok ang bola sa loob ng kwarto ng magulang niya., pumasok siya para kuhain ang bola na nasa ilalim ng kama ng bigla siya umiyak at nanginginig na lumabas sa sala., noong gabing iyon hindi natulog ang bata sa kwarto na iyon dahil kahit antok na antok ay umiiyak pa din pag ipinasok ko sa sa kwarto.

Kinaumagahan nilagnat siya ng mataas matapos na ipasuri sa doctor at hindi nila mawari kong ano ang sakit ng bata.Pinatingnan ko sa nagtatawas ang bata,.noong tinawas sya ay lumabas na tinakot daw siya ng kalaro niya na isa ring bata dahil gusto nito na siya lang ang maglalaro ng bola kaya tinakot nya ang bata., pagkatapos sundin ang pinagawa ng magtatawas ay naglaho ang lagnat ni bunso at simula ng nilalagyan ko sya ng luya ng isang linggo sa damit ay hindi na naulit ang pangyayari.

Sa ngayon pitong taon na siya at noong maglilimang taon siya ay umalis ako sa kanila dahil pintigil ako ng napangasawa ko sa pagtatrabaho.

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon