Chapter 1

4 1 0
                                    

Habang nakasakay na kami sa van. Ang ingay-ingay nanaman nila habang kumakain. Haay, sanay na ako. Ganito na kaming magkakaklase noon pa.
"Ahh. Aira, kaano-ano mo nga pala yung pupuntahan natin?"tanong ni Peter habang nagmamaneho.
"Ano ba Peter? Lagi ka nalang ganyan. Diba paulit-ulit na sinabi ni jessica satin na lolo at lola nga nya"inis na sagot ko kay peter.
"Oh sige, magsimula nanaman kayong dalawa. Mag away nanaman kayo. Dali."sarkastikong sagot ni jessica.
"Haha, ayan ka nanaman Aira. Ang bilis mo talagang mainis." sabay tawa.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating narin kami sa simbahan.
"Ahhh, Jessica pang-ilang wedding anniversary na ba ng lolo at lola mo ito?" pabulong kong tanong kay jessica.
"Tignan mo naman ang mga bisita nila"sabay tingin namin sa mga papasok sa simbahan.
"Siguro 50th anniversarry nila." hula ko naman.
"Hindi lang basta 50th."buong galak nyang sagot sakin.
"Pang ilan nga kase?"pangungulit ko sa kanya.
Hindi nya muna ako sinagot at naglakad hanggang sa entrance ng simabahan. At doon nakita ko ang tarpaulin na parang nag-iimbita sa lahat na makita ang pagdidiwang na gaganapin. Tinignan ko ang litrato doon, nakita ko ang dalawang magkasintahan. Makikita mo talaga sa litrato ang saya sa kanilang dalawa, ang pagmamahalan.
"Jessica, pang-ilan ba?"nagtatakang tanong ko.
"65th anniversary nila ngayon!" tuwa tuwa na sagot ni jessica.
Haaay, gusto kong magdrama akala ko handa na ako. Buti pa sila umabot sa ganitong oras ng buhay nila.
"Nanjan na ba yung mga kailangan natin?" tanong ni patricia-ang leader namin.
"Oo, dala ko na yung camera para sa interview mamaya."sagot ko naman.
"Ayy naiwan ko sa van yung envelope. Dun nakalagay yung mga questions natin para sa kanila eh."sagot ni Peter. Peter namaaaaaan, ulyanin ka talaga. Gusto kong sabihin kay Peter pero alam kong kapag kinausap ko nanaman sya mag-aaway pang kami. Hinintay namin sya dahil kukunin nya daw yung envelope. Maya-maya pa ay bumalik na sya.
"Pasok na po tayo lahat. Magsisimula na po." sabi nung isang babae na halatang organizer ng event.
Pumasok kami lahat at naghintay sa pagpasok ng lolo at lola ni jessica. Habang naghihintay, tumabi nanaman sakin ang mokong.
"Ano nanaman gagawin mo? Aasarin mo nanaman ako?"
"Hala toh! Wala pa 'kong ginagawa naiinis ka na agad sakin."
"Mukha mo palang kase nakaka-highblood na."
"Ayy, grabe ka naman Aira. Below the belt ka na ata. Ang gwapo ko kaya. Ahh. Kaya ka naiinis sakin dahil ang gwapo ko. Sabi na nga ba crush mo ako."
"Huy! Tumahimik ka nga. Napaka-assumero mo talaga. Hinding-hinding kita magugustuhan Peter. Naiintindihan mo ba yon?"
"Sus, ang sabihin mo naiilang ka nanaman kase ang gwapo ko."
"Bahala ka nga jan."
Napatahimik ang lahat ng maaninag namin ang liwanag nang mabuksan ang pintuan ng simbahan... Nanjan na sila. Naiiyak ako. Ang bilis ko talaga maapektuhan sa mga ganitong bagay. Habang naglalakd sila, nakita namin ang pagluha ng mga mata nila. At ako naman tong nakiki-emote din. Ang saya nila tignan, parang maniniwala na ata ako sa forever ah. Nakita ko nalang ang sarili ko na umiiyak, ewan ko ba kung dahil natutuwa ako o dahil naaalala ko nanaman ang nakaraan kung paano sya nangako saakin. Parang sa lolo at lola din ni jessica, pareho lang kami. Ang pagkakaiba lang, nung nangako sila natupad yung saamin kase bumitaw sya. Umiiyak na talaga ako yung tipong kulang na yung tissue na dala ko.
"Oh tissue, kailangan mo pa ata."tawang tawang alok ni peter.
"Salamat nalang. Pero hindi ko talaga kayang tanggapin ang mga bagay na galing sa isang unggoy." pang-aasar ko sa kanya.
"Grabe ka na talaga ha. Ako na nga 'tong nagmamagandang-loob. Kunin mo na alam kong kulang na yang tissue mo." inabot nya sakin ang tissue at tinanggap ko naman.
Ano ba? Dba sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako iiyak. Haha. Pasaway lang talaga ako. Sa sobrang dami ng sinasabi ko sa sarili ko, hindi ko namalayan na nagsasalita na pala yung mag-asawa sa harap. Inuulit nila yung wedding vow nila noon.
~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·
5/5/16

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon