~Thomas' POV
"Hi Thomas! Aga natin ah?" Pambungad sa akin ni Mika na kakababa lang mula sa kwarto nila. Nandito ako ngayon sa dorm nila Ara. Susunduin ko sya, may pictorial kasi sya ngayon para sa UAAP magazine. Ayaw nya nga akong pasamahin eh kaso nagpumilit talaga ako lalo na nung malaman kong kasama nya si Rex sa pictorial. Kahit naman sabihin nating nalinaw na ni Ara ang lahat kay Rex, hindi pa rin natin maipagkakaila na may gusto pa talaga yun kay Ara.
"I'll be aaccompanying Ara kasi on her pictorial sa UAAP mag. Speaking of, gising na ba sya?" Tanong ko kay Mika na kasalukyang kumakain ng breakfast.
"Akyatin mo na lang dun sa taas, Thom!" Biglang singit naman ni Cienne na kakababa lang din. Kasama nya ang iba pang mga bullies.
"Masyadong namiss ang higaan nyang ilang araw rin nyang hindi nagamit. Kaya ayun, ayaw paawat sa pagha-hibernate" Sabi naman ni Carol.
"Sige, akyat na ako sa taas ha? Thank you girls. By the way, may dala akong cake for you guys, Jeron baked it, sobrang dami ng ginawa nyang cake kaya dinala ko na lang dito yung dalawang boxes" I said. Napansin ko namang natigilan si Mika sa pag-kain, pati na rin ang mga bullies. Opsss! Siguro hindi ko na dapat sinabi na kay Jeron galing, nawala bigla sa utak ko na nagkakalabuan pala sila ni Mika as of now.
"Ibalik nyo na lang yan sa dorm nyo, Thom. May diabetes ang mga tao dito" Seryosong sabi ni Mika saka isinubo ang pagkain nya.
"Wag ka namang selfish, Mika! Nagcacrave pa naman ako ng cake ngayon! Tsaka isa pa, di naman ipinapabigay sayo diba, masyado ka ring ambisyosa eh!" Sabi naman ni Kim sabay kinuha ang cake na nakalagay sa center table ng sala nila.
"Palibhasa kasi hampaslupa ka at di mo ma-afford yang cake na yan! Pagbabatuhin kaya kita ng diamante nang matauhan ka dyan sa kadukhaan mo!" Mika said na ikinatawa naman ni Cams, Carol at Cienne.
"Bitter ka lang!" Sigaw ni Kim sabay binuksan yung cake at isinlice sa harap ni Mika. Hindi nya lang pinansin si Kim at nagpatuloy lang sa pag-kain.
I know the story behind Mika and Jeron's break up. Nagulat nga ako eh. The only reason lang naman kung bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon is hindi nila pinakinggan muna ang isa't isa. Kaya ngayon, halatang they're still aching pa rin kasi mahal na mahal pa nila ang isa't isa.
"Girls, akyat na ko ha?" I said, tumango-tango naman sila kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Sa mag-dadalawang taong naging girlfriend ko si Ara, pamilyar na ako sa dorm nila kaya alam ko na kung saan ang room nila Ara, mahahalata mo rin naman kasi may malaking picture ni Kim na nakadikit sa pintuan. Nakakatawa nga kasi sabi sa akin ni Ara, nilagay daw nila yun sa door, panakot sa mga masasamang loob.
I opened the door slowly and agad kong nakita si Ara sa bed nya nakatalukbong ng kumot nyang batman. She's so cute. Kahit nakatalikod sya sa akin at hindi ko nakikita mukha nya, I still find her cute.
I walked towards her bed at nung makarating ako, umupo ako sa gilid ng higaan nya.
"Baby?" I said habang niyayakap sya sa likod.
"Hmmmm?" She mumbled.
"Wake up, 11 am you will have your pictorial and it's already 8, magpeprepare ka pa" I said habang inaayos yung buhok nyang naka-cover sa face nya. I just wanna see my pretty angel.
"Tagal pa" Tipid nyang sagot. She's not even opening her eyes.
"Wake up, baby. Wag tamad" I said tapos tumayo ako't hinila yung kumot nya.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.