Rain's POV
Today is such a great day! Gusto ko lang maging masaya. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag inamin mo sa sarili mo na gusto mo ang isang tao. Kahit na hindi alam ng taong gusto mo, atleast ikaw sa sarili mo alam mo, yung tipong hindi ka nagsisinungaling sa sarili mo.
Kahapon dumiretso ako sa cafe. Wala lang, ang gaan ng pakiramdam ko habang nagtatrabaho dahil sobrang light lang ng feeling namin ni Ethan. Nag-aasaran kami, oo. Pero ganun naman kami palagi diba? Sana ganun na lang talaga palagi. Ewan ko ba! Basta ang saya saya ko ngayon!
"Ilista niyo lahat ng kailangan natin para sa Youth Summit," sabi ni Denise. Nandito kami ngayon sa office ng org ni Denise. Nagmemeeting kaming Psych representatives. Friday na kasi ngayon, and sa Monday..yun yung araw ng Youth Summit. Meron pa kaming weekends para magprepare.
"Damit para sa apat na araw, undergarments, gamit panligo, lahat ng ginagamit niyo para sa hygiene rituals niyo! Flashlight, pagkain..yung magtatagal ng apat na araw ha!" sabi ni Denise. Natatawa ako sa kanya hahaha. Ang sungit niya magsalita pero nakakatawa ang mga pinagsasabi niya.
"Pwede magdala ng pizza?" tanong ni Michael. Yung kaklase naming medyo weird. Huwag niyo ako isusumbong ha!
"PIZZA?!" sigaw ni Denise.
"Hehehe, Michael. Bakit naman pizza?" mahinahon kong tanong.
"Bakit? Kinakain ko yun kahit apat na araw na mi---"
"YUUUUCCCKKKK!" sigaw ng iba pa naming mga kasama. Kahit ako, muntik na akong masuka sa sinabi ni Michael. Jusko guys, pagpasensyahan na lang natin.
"Minsan nga lima or anim pa hehehe tapo--"
"Okay na, Michael. Shut up na," naiiritang sabi ni Denise. Mukhang natakot si Michael kaya tumahimik na siya. Ibang klase talaga 'tong aura ni Denise eh. Hahahaha!
"Paano pala yung seat plan natin sa bus?" tanong ni Cindy, kaklase ko. Maganda si Cindy, matalino din kaso hindi ko siya masyadong nakakausap.
"Ah oo nga pala! Regarding that..." sabi ni Denise.
"I heard kasama natin sa bus ang Math Majors?" singit naman ni Kaizer, kaklase ko din. Sobrang daldal niya at laging pinagtitripan si Michael. Buti nga behave siya ngayon. Takot lang niya kay Denise, hahaha.
Pero wait? Kasama namin sa bus ang Math majors?! Ibig sabihin? WAAAAH! KASAMA KO SI ETHAN SA BUS? MAGKASAMA KAMI SA IISANG BUS? YEHEY! Mababantayan ko sila ni Nathalia! Salamat naman at umayon sa akin ang tadhana. Sobrang saya ko!
"Oo, kasama natin sila" sabi ni Denise at napatingin kay Drake na nasa tabi ko.
Bakit? Anong meron?
"Hehehe. Sana may spaceship doon hehehe" biglang sabi ni Michael. Napasapo na lang ako sa noo. Mukhang pahihirapan kami ni Michael sa Youth Summit.
"Psh. Keep everything in mind, okay?" paalala sa amin ni Denise.
"Okaaay!"
"Yes, boss!"
"Opo, leader"
"Hehe spaceship. Hehehe, spaceship. Opo hehe" biglang sabi ni Michael. Juskopo! Sana lang hindi si Michael ang maging buddy ko. Hindi ko kakayanin ang lalaking 'to. Baka mamaya pagbalik ko, ganyan na rin ako. Wag naman. Hoy! Di ko inaaway si Michael ha!
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...