Cardo's POV
Napakamot nalang ako ng batok sa paglabas ng bahay ni Glen. Nagiguilty ako kasi kamuntik na pala siyang hindi makapagLong quiz dahil hindi ko siya nasundo sa kanila. Naiinis naman ako sa sarili ko kasi nawala sa isip ko na Wednesday pala ngayon. Nalibang kasi ako ng sobra kanina sa pagchachat kay Carmen. Di ko kasi akalain na ganun sya kafriendly na magrereply siya sa lahat ng messages ko. Pagkatapos kong maligo kanina, binuksan ko uli ang messenger ko. At nakita ko na nagreply pa siya.
Salamat. Ingat. :)
Naengganyo naman tuloy ako na ichat siya uli. Ayun. Nalaman ko na wala pala siya gaanong subjects. 2 nalang tas PT. Kaya pala di ko siya gaanong nakikita sa room nina Glen. Same pala sila ni Glen ng school kung saan sila nagpi-PT. Sa San Agustin Academy din sya. Ibang building nga lang daw. Napakabait nya at ang sarap kausap kaya talagang nalibang alko. Sobrang saya ko kasi akala ko suplada siya pero ang bait niya. Kung anu-ano pa ang napag-usapan namin. Naiimagine ko nga na kausap ko sya sa personal. Talagang nalibang ako. At tuluyan ng nawala sa isip ko na may pasok nga pala ako.
Pumasok ako ng kwarto. At chineck ang phone ko. May message uli si Carmen. Pero mas naagaw ang atensyon ko ng text message na galing kay Pards. Binuksan ko.
From: Pards
Sige. Carmen pa more. Sana maipasa ka nyan sa Phil Lit. Tandaan mo, second take mo na to. At pag di mo pa to ipinasa, di ka makakagraduate! Kamuntik pa ako madamay dahil hinintay kita kanina. Akala ko susunduin mo ko, mabuti na lang napagisip ko na mauna na. Sige lang. Tuloy mo lang yan. Pumasa ka sana sa gawa mo. Wag kang magrereply kung ayaw mong tamaan ka sakin! Mainit ang ulo ko sayo!
Napahawak nalang tuloy ako sa batok ko. Tuluyan ng nawala ang interes ko sa laman ng message ni Carmen. Nabahala ako sa text ni Pards. Sobrang concerned kasi nito sa akin kasi second take ko na ang Phil Lit. Ayoko kasi yung subject na yun! Nakakatamad! Basa ng basa. Saka di ako interesado sa mga kwento-kwento na ganun kaya nakiusap ako kay Glen na iwan muna nya ang Phil Lit nya last sem para magkaklase kami. Buti nga malakas ako dun kaya pumayag siya. Tinutulungan nya ako o kaya minsan sya na gumagawa ng assignment ko.
Kainis! Gustuhin ko man magreply pero alam ko mainit ang ulo ni Glen. Makakarinig lang ako sa kanya. Isa pa, hindi ko rin alam kung papano magpapaliwanag. E naiinis pa man din yun pag di ako pumapasok sa klase dahil sa babae. Naihilamos ko nalang kamay ko sa mukha ko.
Kinagabihan habang kumakain kami.
"Cardo, bakit bigla nalang umalis si Glen? May nangyari ba? Nagaway ba kayo?" Tanong sakin ni Lola Flora.
"A. Hindi ho. Sumama lang ho ang pakiramdam ni Glen." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Naku. Wag kayong aawayin si Glen, apo ha? Napakamatiisin at napakahaba ng pasensya nun sayo."
Tumango lang ako.Nakahiga na kami ni Onyok nang bigla kong maalala ang message ni Carmen. Pinuntahan ko ang messenger ko. Ang dami na nyang message!
Hmmm. Half day ako every MWF. Till 2pm lang ako nun. Bakit mo tinatanong?
Uy, di mo na ko nireplyan.
Mr. Dalisay.
Sleeping ka na? Goodnight. Thanks for your time. :)
Nakakahiya naman! Di ko na siya nareplyan. Nagpunta ako sa messages at binasa ang text ni Glen. Gusto ko na talaga magreply kaso di ko alam papano. Baka maginit lalo ang ulo nya pag nagtext ako. Tsk!
X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-
Glen's POV
Thursday, 8AM
Kainis! Nanaginip ako na nagdedate daw kami ni Pards sa isang resto. Tapos may dumaan na babae tapos nagexcuse siya tapos di na ko binalikan! Bwiseeeeeeeet! Hanggang panaginip ba naman, bwiset pa rin si Cardo!
Padabog kong inalis ang kumot na nakataklob sa mukha ko saka na bumangon.
"O, Glenda! Bat ang aga-aga, nakasimangot ka?" Tanong ni Nanay.
Kinwento ko sa kanya.
"Naku. Di ba sa panaginip, kabaliktaran ang nangyayari sa totoong buhay?" Komento ni Tatay.
Umaliwalas ang mukha ko. "So ibig sabihin Tay, pag nangyari sa totoong buhay, di ako iiwan ni Cardo sa resto?" Nakangiti kong tanong.
Sumingit naman si Ate Brenda. "Hindi, bunso. Ang ibig sabihin ni Tatay, di kayo magdedate sa totoong buhay!"
Tas tumawa silang tatlo. Napasimangot nalang ako at naligo na. Kainis talaga tong si ate. Tsk.9:30AM
Nasa school na ko, pero 12PM pa naman ang pasok ko. Umalis na ako ng bahay dahil pinagtitripan na naman ako dun. Kainis! Pumasok ako sa Faculty Room, at inilapag ko ang gamit ko nang may mapansin akong nakapatong sa lamesa ko.
Lunchbox? Kanino to?
Nag-alangan akong buksan syempre kasi baka hindi sa akin. Kaya lang nung inangat ko yung lunchbox, may note. Ms. Corpuz, I made these for you. Enjoy. - Sir Billy
Sir Billy? Hala. Bakit? At paano?
Tinignan ko ang laman ng lunchbox. 1 tupperware ng kanin. Sinilip ko yung isa pang tupperware, Kare-kare! Paborito ko! Tapos may Coke in Can atsaka tatlong Flat Tops. Ang galing naman ni sir Billy magprepare! Paborito ko lahat! Tinikman ko yung kare-kare. Teka... bat parang pamilyar yung lasa? Parang kapareho ng lasa ng luto ni.... Lola Flora?
Saktong pagbukas ng pinto ng Faculty, pumasok si sir Billy. "Good morning, Ms. Corpuz. Ang aga mo yata?"
"Ano, sir. Nainip po ako sa bahay kaya pumasok na po ako. Kadarating nyo lang po?" So imposibleng sa kanya to nanggaling!
"Well, yes. As you can see. Muntik na nga akong malate."
Hindi nga sa kanya galing!
Lumapit sya sa lamesa ko. "Nagbaon ka pala. Anong ulam mo?" At sinipat nya ang laman ng lunchbox.
Agad ko namang hinila ang note at itinago. "Ho? Ah.. eh.. Kare-kare po, sir. Hindi po ba kayo nagbabaon?"
"No. Wala kasi kaming time magluto sa bahay. Ano yang tinatago mo sa likod mo?"
Napalunok ako. "Ho? Ah. Resibo ho ito, sir." Pagsisinungaling ko.
Ngumiti siya. "Miss Corpuz, it seems na may nagpadala sayo ng mga yan. A secret admirer perhaps?"
Ngumiti na lang ako.
"O, 10:00 na. May klase na ako. Mauna na ako sayo, Ms. Corpuz ha?" At lumabas na sya ng Faculty Room.
Hayup na lalaki! Kamuntik na naman akong ilagay sa kahihiyan! Talaga naman! Humanda ka sakin mamaya.Feel free to comment.
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fanfiction*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...