Chapter 32: Sleeping Beauty
Chapter Song: How you get a Girl by Taylor Swift
Exo's Side
D. O Kyungsoo's POV
Oh diba, nabitin ako sa pagkwekwento kung ano ang nangyari sa nakaraang chapter. Kaya naman itutuloy ko na. Nga pla, nandito kami sa LR namin at kasalukuyang ginagamot si Tao.
Kasama ko si Suho, Chen at Baekhyun ngayon. Yung iba ay nagliwaliw, yung iba naman ay nanliligaw, at yung iba ay di ko alam. Ang hirap sa maraming magkakaibigan ay di mo mamonitor kung nasan ang iba. Anyway, nandito nga kami sa LR. Si Baekhyun yung nagkabit ng benda sa tuhod ni Tao. Kalaking tao naman kasi tapos ang clumsy.
"Ang tanga tanga ko. ..." Isa pa tong may sapi na si Chen. "May iba na siya... Ang tanga tanga ko." Pagmononologue niya. Kaharap niya si Tao ngayon kaya naman napasimangot si Tao.
Binato naman siya ni Suho ng unan pero nakailag ang mokong. "Tumahimik ka nga Chen." Bawal niya. Eh asa namang makinig si Chen diyan. Kahit siya leader ng Exo-K ay walang nakikinig diyan kasi nga maliit.
"May sinasabi ka ba DYO?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Suho. Tiningnan niya ako ng masama. Pati nga sila Baekhyun ay nakatingin sa akin. "Sinabi mo bang maliit ako kaya walang nakikinig sakin?" Ulit niya sa iniisip ko.
"Oy di ah. Wala naman akong sinasabing ganyan." Pagkakaila ko pero tumawa lang sila Chen.
"Anong problem mo Tao?" Tanong ni sungit Baekhyun.
"Wala. Wala naman tayong magagawa eh." Paliwanag niya sa amin. Grabe, ang linaw ng sinabi niya.
"Sino ba kasi yang kalaban mo sa puso ng girlalou mo?" Chen said. "Ipapatumba ko na ba?"
Tumawa naman si Tao. "Di mo kaya yun. Malaking tao."
Nagkatinginan naman kaming lahat. "Si San Goku ba yun?" Tanong ni Suhong liit.
"What the?" Baekhyun said. "Seryoso ka ba dyan?" Tanong niya kay Suho. Ako rin naman nagulat. Saan kaya kinuha ni Suho yung IQ niya?
"Si Kris no?" Pagtatanong ko naman. Umiling naman si Tao.
"Hindi si Kris yun. Di naman niya sinabi na mahaba baba eh." Paliwanag ni Chen.
"Wait, sino ba gusto mo sa SNSD?" Tanong ko naman sa kanya. Umiwas lang ng tingin ang mokong.
"Ikaw ba Dyo, sino crush mo dun?" Tanong ni Suho sa akin. Napaisip naman ako bigla. Lahat naman sila magaganda, matataray rin.
"Silang lahat?" Di ko saguradong sagot. "Maganda at mabait naman kasi sila."
"Pero sino ang nagstand out sa kanila?" Pag interrogate nila sa akin.
Ngumiti lang ako. "Si ...."
----
Choi Sooyoung's POV
"Yoongie...huwag ka namang ganyan." Isang batok ang binigay namin kay Jessica na kasalukuyang dinadasalan si Yoona.
"What?" Daing niya sabay himas sa ulo niya. Hinila naman siya ni Kris. "Bitawan mo nga ako. Please ayoko ng germs." Pag-iinarte niya.
"Sige na. Pakialis muna nga yang girlfriend mo Kris." Pakiusap ni Taeyeon kaya naman napatawa kaming lahat.
"Hindi ko siy--Hmp!!!" Di na naituloy ni Jessica ng takpan ni Kris ang bibig niya.
"Alis muna me." Paalam ni Fany. Pinatawag kasi siya sa office dahil sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
WASMTB || ExoShidae
FanfictionStatus: Complete Updating for Special Chapters A group of Gorgeous Girls and A group of Drop Dead Hotheaded Guys collide. An Exo and Girls Generation fanfiction. Thank you @aennamorata for the awesome cover. Sneak A Peak: Yoona: In another life I...