Chapter 49: Fate

2.5K 59 9
                                    

BEA

Noong matapos kami ni Sohe sa pamimili, naabutan namin si Jaz na paalis na. Nagsusuot siya ng sapatos sa tapat ng pinto. Kamuntikan pa namin siyang matamaan kung hindi lang siya umiwas kaagad,

"Aalis na ko."

Bago pa siya makalagpas sa amin, hinawakan ko ang palapulsuhan niya. "Sandali," She turned to look at me. Napansin ko na parang namamaga ang mga mata niya. Did she cry?

"Hindi ka kakain?" Tanong ni Sohe.

Umiling siya, hindi lingid sa kaalaman ko ang pagtanggal ni Jaz ng kamay ko sa pagkakahawak sa pulso niya. Parang may kumurot sa puso ko sa ginawa niya.

"I have plans."

Nagkatinginan kami ni Sohe. "Like what?"

"Ganyan niyo ba 'ko ka-miss at ayaw niyo 'kong paalisin?" Tumaas baba ang kanyang kilay.

I rolled my eyes, then mumbled, "You wish." Lie. I know very well that I missed her so damn much.

I saw hurt flash in her eyes, but it was quickly masked by her expressionless face.

Ngumiti siya pero hindi ito umabot sa kanyang mata. "Of course."

Binuksan niya ang pinto at kumaway, "Bye!" Naalala ko, hindi niya sinagot ang tanong ni Sohe. Damn it. Naisahan niya kami doon ah.

Dumeretso kami sa kitchen at nilapag sa counter ang mga grocery bags na dala namin; four bags in total. Nilapitan ko si Chris na nanonood sa TV. Pabagsak akong humiga sa tabi niya. Ipinatong ko ang paa ko sa lap niya.

Nakatulala lang siya sa telebisyon at mukhang lumilipad ang utak.

I poked her sides using my foot. "Hoy!"

I was expectig her to glare at me, instead, gulat niya akong nilingon. I raised my right brow. Anong meron dito?

"Magluto ka na."

Tumango siya at naglakad papunta sa kitchen. Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. Sakto naman na lumabas si Sohe mula sa banyo. Nagtataka niya akong tinignan.

"What's wrong?" Nginuso ko yung kitchen.

"Chris is acting weird."

Umupo siya banda sa paa ko. Dunukot siya ng candy sa glass jar na nakapatong sa coffee table.

"Maybe it has something to do with Jaz," sinilip ko siya mula sa pagkakahiga ko. "Sa tingin mo?" She shrugged.

Lunch time. Nagluto si Chris ng Beef Steak. We all ate, with the music from the stereo in our background.

Pagkatapos kong kumain, nilingon ko si Chris na nilalaro lang ang kanyang pagkain. Hindi yata lumagpas ng tatlo ang subo niya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." Kanina pa kasi siya tahimik. Although tahimik naman siya talaga, nagk-kwento rin naman siya paminsan-minsan pero ngayon wala talaga siyang sinasabi. Puro 'huh' at 'ano?' lang ang sagot niya pag tinatanong namin siya. It was irritating me.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon