CHAPTER 21
August 13, 2011
Hindi pa handa si Yasmine na pumasok sa isang seryosong relasyon. Gusto n'yang ipaliwanag kay Ulysses ang kanyang damdaming sumasalungat pa sa kanyang nararamdaman dahil sa kanyang pinagdaanang trahedya na s'yang humahadlang para muling buksan ang pusong matagal na nakakulong sa kawalan. Pusong nag-iwan ng puwang at humihiling na sana'y humilom na rin ang sugat nang mabawasan na rin ang bigat na kanyang pinapasang dalamhati... dalamhating nakagapos pa sa nakaraan. Kung sakaling si Ulysses ang tanging makakapagpalaya ayon sa kung sino man ang sa kanya'y nakatadhana, malugot n'ya itong tatanggapin sa tamang panahon.
Naiintindihan naman ito ni Ulysses kahit hindi pa man ito sinasabi o pinaparamdam ni Yasmine sa kanya. Alam din kasi n'ya ang mga pinagdaanan nito kaya't wala s'yang balak na biglain ito at lalo namang hindi siya nagmamadali dahil gaya ng kanyang ginagawang Project at sabi na rin ni Leo Tolstoy na 'The strongest of all warriors are these two - Time and Patience, kaya't handa naman s'yang maghintay kahit abutan pa ng pagkagunaw ng mundo.
Sa unang pagkakataon, niyaya ni Ulysses si Yasmine na mamasyal at kumain sa labas. Dahil Sabado, walang pasok, pumayag naman ito. Four-o'clock ng hapon, sinundo nito si Yasmine sa kanilang bahay. At dahil bukas ang gate, dumiretso na siya sa pinto. Bago kumatok, inalala muna ang mga sandali nang una n'yang masilayan si Yasmine. Ang classic na Yasmine, simple pero may angking ganda. Napangiti s'ya at nang akma na n'yang kakatukin ang pinto, bumukas ito at nalusaw ang kanina sanang nakakahalinang imahinasyon.
Bumungad sa kanya ang... isang weird na Yasmine in black tight jeans na may punit sa magkabilaang tuhod at naka-itim na blouse. Medyo ok na sana kung hindi lang sa itim nitong lipstick at eyeshadow. Pinagtalunan ito nina Yasmine at Queeny nang ipaalam sa kaibigan ang plano ni Ulysses. Mas excited pa si Queeny kaya ang recommendation nito, mag-semi formal s'ya. Pero sa kalaunan, si Yasmine pa rin ang nasunod. Buti na lang din nagdalawang isip si Ulysses na mag-long -sleeve kung hindi, sabog sana ang getup nila. Pero kahit ganun ang ayos nito, sapaw pa rin ang ganda nang bumitaw ito ng isang matamis na ngiti.
"Hi, Uls," bati ni Yasmine. Nasa kanyang likuran si Beatrice, nakasilip at abot tenga ang ngiti.
"H-hello, Yas. Hi, La good afternoon po." Pagbati n'ya kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Pasok ka muna hijo at.." nabiting sabi ni Beatrice.
"Wag na po La, at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Baka gabihin kami n'yan at... diba 8 ang curfew ko?"
"Anong curfew? Wala ka namang curfew noh. Sa edad mong yan..."
"Bye La, alis na po kami." Napangiti na lang si Ulysses sa suplahan ng dalawa.
"Ayaw mo bang i-interrogate ko muna si..."
"Bye.. Bye. Tara na Uls at baka maabutan pa tayo ng traffic." at sinusubukang hilain nito si Ulysses.
"La, alis na po muna kami," paalam ni Ulysses.
"Oki sige. Ingatan mo ang apo ko, ha. Cinderella time, ayos pa 'yan sa'kin," sabay ngiti at kindat sa binata.
"Opo..." at tuluyan na s'yang nakaladkad ni Yasmine palayo sa matanda. Matapos makasakay ang dalawa, muling sinulyapan ni Yasmine ang kanyang Lola. Bumelat at kumaway. Isang flying-kiss naman ang isinagot nito tsaka kumaway.
Umarangkada ang sasakyan at habang binabagtas ang daan, unang nagsalita si Ulysses.
"Sobrang close kayo ng Lola mo, ano?"
"Oo.. pero parati ko yun sinusupla."
"Mas maganda nga pagganyan dahil bukas kayo sa isa't-isa. Close kayo dahil open kayo... hehe."
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Misteri / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...