Chapter 8

21.4K 389 11
                                    

Chris pov

*FLASHBACK*

First day ng klase ngaun, tanghali na ko nagising kaya naman nagmamadali akong nagayos at nagabang ng bus sa may terminal, pambihirang buhay oo! Inaantok pa ako. nung dumating na kaagad ung bus agad na kong sumakay, kaso medyo masikip.

Tss.

Siksikan dre! Nakakainis ang haggard ko na ha! Nakakabanas. At sa wakas may nakita akong bakanteng upuan. Pinuntahan ko un at agad na umupo

Waaah. Inaantok ako, tapos malalate na ko nakakainis naman oo!

Huminto sa terminal 3 tapos may sumakay na matandang lalaki. Madami syang dala sa bulsa nya, wala nadin upuan. Kaya nagsigulungan sa bus ung mga dala nyang orange. Naku kawawa naman.

“ahm. Lolo. Dito na po kayo umupo, ako na po ang magpupulot ng mga orange nyo.” Sabi ko sabay smile.

“talaga hija? Salamat ha?”

“wala pong anu man.” So ayun na nga umupo na sya, ako naman pinulot na ung mga orange.

Walanghiyang bus to, pazigzag pala ung daan ang hirap habulin ng mga orange na to ah. Matigas ang ulo,

Gulong sa kanan.

Gulong sa kaliwa.

Gulong sa harap.

Gulong sa likod.

Bwisit kang orange ka! Mahuli lang talaga kita kakainin kita ng di pa nababalatan! Grr. Pinagtatawanan na ko ng mga tao dito sa bus. Walanghiya! Kung tumulong kaya sila noh? Tss. Paglingon ko sa matanda.

O__O

Walanghiyang kalbo to! Pati sya tumatawa? baka nakakalimutan nya sa kanya tong orange na to na matigas ang ulo at ayaw magpahuli?

Tss. Naiinis na ko ha? Tinakbo ko ung orange at ayun! Sa wakas nakuha ko na din. Lumapit ako dun sa matanda.

“lolo, ito na po ung mga orange nyo.”

 

“naku, hija, salamat ang bait-bait mo naman, san kaba nagaaral ha?”

“ahh. Sa Fuentes international university po.”

 

“ahh. Akalain mo un? Alam mo bang dun nadin nagtratransfer ang apo ko? Gusto kitang maging girlfriend nya.”

O_O

What the?

May sayad ata tong matandang to eh.

“ah eh. Lolo anu po bang sinasabi nyo? Wala po kasi sa isip ko yang mga ganyang bagay e.”

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon