The Dancing Princess Meets the Singing Prince
FINALE ( Part 1)
Ilang araw na ang lumipas simula nung makita ko ang eksenang kinaiinisan ko. Hindi parin maalis sa isip ko kung gaano at paano ba ako tinaksil ng kaibigan ko at ng boyfriend ko dati. Bakit nga ba ako nasasaktan? Nasasaktan ako ngayon hindi dahil mahal ko pa ang lalaking yun kundi naiisip ko yung kataksilang ginawa ng bestfriend ko na sa ngayo'y hindi ko na alam kung ano pa ang lugar niya sa buhay ko.
Kaya andito ako ngayon sa ilalim ng puno at nakaupo ako dito. Dinaramdam ko ang sakit. Kung nandito lang sana si King ay may karamay sana ako ngayon. Nami-miss ko na siya. Bakit ko nga ba siya nami-miss? Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita. Sinubukan kong hanapin siya pero hindi ko siya makita. Dumoble na ngayon ang kirot dito sa puso ko dahil hindi ko siya kasama. Ang lungkot nang buhay ko. Gusto ko nang sumuko. Hindi man lang siya nagpaalam kung siguro may pinuntahan siya. Ang daya niya.
"I hate you King!" sigaw ko at tuluyan akong napahikbi. Di ko mapigilan ang mga luha ko. Akala ko magiging okay na ang lahat dahil dumating siya pero parang mas lalo pang mas masakit ang nangyayari sa akin ngayon. Siguro dito na magsisimulang masira ang buhay ko.
Pagkatapos kong maglabas ng emosyon ko, naisipan kong maglakad-lakad muna dito sa loob ng buong campus. Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang may nakita akong poster. Naisipan kong lumapit dun at basahin ito.
DANCE&SING COMPETITION!!
WHEN : March 16, 2016 @ exactly 8:00 pmWHERE : HALL OF FAME Gymnasium
Habang binabasa ko yun ay hindi ko mapigilang maglabas ng luha. Bukas na pala ang kompetisyon pero hindi ko kasama ang perfect partner ko. Pano na to? Napayuko ako dahil di ko talaga kayang pigilan ang mga luha ko nang biglang may lumapit sa akin at humawak siya sa balikat ko kaya napalingon ako upang malaman kung sino. Si Teacher Mark lang pala.
"Maari ba kitang makausap Queen?" tanong niya sa akin.
Pinahid ko muna ang luha ko gamit ang pinahiram na panyo ni Teacher Mark bago ako sumagot.
"Opo." Pagsang-ayon ko.
Andito kami ngayon sa office ni Teacher Mark. May inabot siya sa akin at napagtanto ko na card pala yun. Nakita ko na failed lahat ng grades ko. Kaya napatingin naman ako sa kanya dahil nagulat ako rito.
"Queen, okay ka lang ba?" nag-aalang tanong niya. Nakita niya siguro na nagsisimula namang maging mangiyak-ngiyak ang mga mata ko.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Nasabi rin ni Lyza sa akin na minsan nakikita ka niyang nag-uusap ng mag-isa dun sa DanSing room. Kailangan mo na sigurong magpatingin sa psychotherapist."
Dahil sa nagulat na naman ako sa narinig ko, nagawa kong sigawan si Teacher Mark.
"Anong pinagsasabi niyo Sir? Matino ang pag-iisip ko at hindi ako BALIW!!!!" pagkatapos ng sumbat kung yun sa kanya ay lumabas na agad ako sa office niya.
Ngayon naglalakad ako papunta sa Room nila Lyza para masabunutan ko siya dahil sa kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya. Ngunit wala na raw sya dun ,almost 1 week na raw siyang absent pati narin yung ex-boyfriend ko na sa kanya na ngayon. Nagawa ko na lamang sipain ang upuan. Wala akong pakialam kung mapapahiya ako sa harap nila. Ang akin lang ay gusto kong mailabas ang galit ko ngayon.
Pagkatapos kung mag-eskandalo dun, ay pumunta agad ako sa CR para ayusin ang sarili ko. Nakikita ko ngayon sa reflection ng salamin ang namamaga kong mga mata. Matapos kong ayusin ang sarili ko naisipan kong pumunta dun sa Department B kung saan nandun ang room ni King.
"Wait, excuse me po." pigil ko dun sa isang babae at kinuha ko naman agad yung cellphone ko at hinanap ang picture ni King.
"Kilala niyo po ba 'to?" pinakita ko sa kanya ang image pero parang hindi niya namumukhaan ito. "Dito po ang room niya sa Department na 'to." dagdag ko pa. "King Dae po ang pangalan niya." huli kong saad.
"King Dae? Pamilyar siya. Ah tama , yun yung usap-usapan na matagal na siyang patay at nagpapakita pa raw siya hanggang ngayon dito sa campus."
"Patay?" nabitawan ko ang celphone na hawak-hawak ko nang marinig yun. Mukhang hindi ko na kayang tumayo sa kintatayuan ko. Nagsimulang manginig ang tuhod ko at ang kaba ay bumabalot sa katawan ko ngayon. Sa di katagalan ay napaluhod na ako at nagawa kong hawakan ang dibdib ko. Hindi ko na talaga kaya.
A/N : Ano sa tingin niyo? Abangan po ang last part..Comment po..
-CozeeyJ
BINABASA MO ANG
The Dancing Princess Meets His Singing Prince
Short StoryLove deals with the heart and soul. When the music heard by your heart, you can feel also the real love.