makhuletnabruha
This story is for you ... I hope you like it!! 😘😘Mabibigat na hakbang ko sa hagdan.. Nasa pangatlong hagdan pa lang ako
"Hay nakakapagod..! " sambit ko sabay punas sa pawis ko sa mukha
"Ano ba Lara.. Anong petsa na at andyan ka pa kupadkupad mo" sigaw ng tita ko na nakatayo sa dulo ng hagdan sa taas
"Tita naman eh bat kasi naman 2 storeys tong bahay nyo di tuloy ako makaakyat" reklamo ko
"Aba at marunong ka ng manumbat. Hoy Lara pasalamat ka at pinapatira pa kita dito.. Magdiet ka kasi para naman bumilis ang pagkilos mo bwiset.. Umalis. Ka na nga lang" sabi nito saka pumasok sa loob
Inuutusan lang naman nya kasi akong ayusin ang damitan nya bago daw ako pumasok sa school
Pambihira hirap umakyat tapos pababain din lang pala agad makababa na nga lang
"Nakakapagod talaga yang hagdan na yan" saka ako lumakoad papunta sa silid ko..
Well dun ako sa maids quarter nagkwakwarto
By the way I'm Denny Lara Codes..
Chochalen apelyido ko no..
Mag isa na ako sa buhay este may tita pa pala ako at mga pinsan pero they treat me na as if hindi kadugo so parang mag isa na nga talaga ako sa buhay
I'm 19 years old
College student
Taking Bachelor of Secondary Education major in Mathematics..My height??
My weight?? NevermindWag na wag kayong magkakamaling magtanong kundi lagot kayo sa akin..
Peace???
Binilisan ko ng magpalit ng uniform. Saka lumabas
Nagpara ng taxi
At ng may humintoPambihira ang hirap pumasok sa sasakyan
"Ineng hanap ka na lang ng iba mong masasakyan di ka na kasya oh" sabi ni manong driver
" ha eh kuya malalate na ako oh" sabi ko
Napangiwi naman ito saka dali daling umalis
Ay ganern???
Sige tricycle na lang nga
Pumara ako
Sumakay na ako..
Pero feeling ko ang kupad nitong tricy.."Kuya pakibilisan nga po" sabi ko
"Pambihira papabilisin mo ako buti sana kung kasing bigat mo lang ung isang sakong bigas eh hindi naman..."
"Awtts kuya ha manlait"
" eh nagrereklamo ka eh"
"Oo na hindi po magrereklamo" & kainis na driver sarap pisakin..
Pagkadating ko sa school as usual nagtatawanan. Ang mga taong nadadaanan ko
"Goodmorning Denny! Bat everyday tumataba ka? Siguro inaagawan mo yung alagang baboy sa bahay nyo no? " sabi ni Tracy
"Ay alam mo tracy wrong ka jan.. Patunay kasi to na may kinakain ako.. Eh ikaw may kinakain ka pa sa lagay mong yan? " sarap sabunutan tong patpating kawayan na to buti sana kung may curve eh in can naman...
Nagflip ako ng hair saka nag umpisang maglakad..
Ng napadaan ako sa hallway nakita ko si Raymundo nasa Education building na naman sya at as usual inihatid nya yung GF nya na si Pepper..
Kailan nya kaya malalaman na nag eexist din ako sa mundo..
Yeah may gusto ako sa kanya pero dedma ang lolo nyo..
Pagpasok ko sa room.. Kaklase ko kasi si Pepper..
Naupo sya sa harapan ..
"Hi Denny .. Nalaman ko na inaaway mo ang bestfriend ko na si tracy" sabay sabunot ng isang kamay nya sa buhok ko
"Sa oras na malaman ko na inaway mo ulit sya.. Di lang ito ang gagawin ko sayo" saka nya ako tinulak... At syempre napaupo ako sa sahig eh kasi nga mataba ako.. Oo na mataba na ako..
Pinagtawanan ako ng buong klase..
Pi ilit kong tumayo saka umupo na sa upuan ko..
Pinunasan ko ang nangingilid kong luha...
Everyday namang ganito eh .. Binubully nila ako kesyo mataba ako at nerd pa daw ako..
Ano ba ang kasalanan ng pagiging mataba at nerd??
.....
👉please leave your comment below and your vote.. Salamat!! 😁😁
BINABASA MO ANG
The Voice Of The Fat Nerd
Teen FictionYes I am Fat! Yes I am Nerd! Oo na nasa akin na lahat ng nakakaturn off ... But I have a voice! Wanna hear it out?? everybody can hear but nobody can see me.. Do I have a chance?? Do i have choice ? What if I have a secret?? Do past haunt m...