Hi, siguro nagtataka ka kung sino ako no? Ako si Sumer, pwede mo rin akong tawaging S kung nahahabaan ka sa Sumer. Pero bakit ka mahahabaan dalawang syllables lang naman yun.
Wow totoo nga sabi nila mama nandito ka raw, nandito ka para makinig sakin, para malaman ang kwento ko, namin. Gusto ko sanang matakot sayo dahil medyo creepy diba, isang totoong tao ka at ako isa lamang parte ng libro pero hindi eh natutuwa pa nga ako kasi makakasama kita.
Kahit magisa ako lagi kong iisipin na anjan naman ikaw para suportahan ako, hindi man kita naririnig o nakikita alam ko anjan ka. Ang sabi rin nila mama hindi mo raw ako nakikita o makikita sayang hindi mo makikita ang mga muscles ko, pero joke lang syempre. Payatot kaya ako. Paano ko nga ba malalarawan ang aking sarili? Well sabi nila ate at mama na matangkad daw ako para sa edad ko 17 years old lang daw ako pero 6 ft na ako, uhh ang awkward ipaliwanag ang sarili mo sa iba no?
Wag ka mag alala hindi mo naman kailangan malaman ang itsura ko nasa iyo na yan kung paano mo ako gustong makita, tutal ikaw naman ang totoo saatin dalawa diba? Ako, dito lang ako sa libro hangang sa huli pahina lang ako.
BINABASA MO ANG
This is how I fell for you
Teen FictionA love story where the fictional character falls inlove with his reader.