Twelve

14.8K 285 11
                                    

How would I continue with the plan if my fucking hormones were raging on? Gusto kong magpagulong gulong sa pamimilipit sa sakit.

Dysmenorrhia, layuan mo 'ko! Minsan nga naiisip ko ipatanggal ko na lang kaya 'yung uterus ko? Kaso... kawawa naman sila mommy. Hindi sila magkakaroon ng apo mula sa pinakamaganda nilang anak. Syempre second lang si Jean. Makakaangal pa ba siya eh, wala naman siya dito?

I sighed. My God... I was going crazy with pain.

"I wanted to die. As in now." Bulong ko habang sakay kami ni Julian pabalik. It was only four in the afternoon. Julian raised his brow. "Gusto mong pumunta sa heaven?" He pursed his lips teasingly.

"Yuck. Ang corny."

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa labi niya. Hindi ko sinasadya! I gritted my teeth. Inirapan ko siya.

"Oh, what have I done again?" He sighed impatiently.

Hindi ko siya pinansin. May excuse ako para magkaganito. Meron—argh, buntis ako. Hinimas himas ko ulit 'yung puson ko. Ipinikit ko 'yung mata ko. Then I heard my phone ringing.

"H-hello?"

"Jeannie!"

"Ano?!"

"Shopping tayo."

"Ayoko. Full moon."

Narinig kong bumuntunghininga si CM.

"Who's that?"

"No one." Ingos ko kay Julian na nagtanong.

"I said..."

"Sige na Jeannie... shopping na tayo." Si CM.

"Naintindihan mo ba ayoko ngan—" My eyes grew wide. Stupid. Bakit ba ako nagsuot ng palda? 'Yung hanggang kalahating hita ko pa. Badtrip. I saw red! "No..." Naiiyak na bulong ko. Nag-iisa na nga lang ang sanitary pad ko sa bag ko. I need to buy a nine-month package. Ugh, wait! Nine months? Kelangan malaki na tyan ko nun. I mean... kelangan manganak na 'ko—

"Don't worry Jeannie. I called Dr. Lee yesterday. I asked her kung pwede kang i-ceasarian." Julian spoke out of the blue.

Ceasarian? As in... hiwa. Seryoso ba ito? I looked at his face. Seryoso nga! Napahawak agad ako sa stain sa bandang crotch ko. I gulped. He would submit me to the knife. "Eh... Julian," He raised one brow and read the newspaper. "T-takot ako sa... karayom. At sa... kutsilyo."

"Hello Jeannie!" sigaw ni CM sa kabilang mundo este sa kabilang linya.

"I'll go shopping with you later." Nanghihinang sabi ko na ikinalingon ni Julian. After CM gave me the details, the line went disconnected. "Who's that?"

"CM."

"Didn't I tell you not to talk to him again?"

"Manong... punta po tayo sa S. Mall." Sumandal ulit ako.

"No. We go home."

"Manong, bababa na po ako."

"Jeannie!" He shouted authoritatively. The hell I care. His bark was always worse than his bite.

"Kung sa mga ganong klase ka ng tao sasama baka kung ano ano mapulot mong kalokohan. Who on earth would give con—contraceptives as a gift?" Nakikita kong lalong paniningkit ng mga mata nito. Pano kung sabihin ko sa kanyang nag-suggest si CM na i-french kiss ko siya. Matuwa kaya siya?

"In the states it is very common!" Sigaw ko.

"So? Nasa Pilipinas tayo Jeannie!"

Time ko naman para sumingkit sa kanya. "So, who in the Philippines would kiss a friend on the lips?"

Splitting HairsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon