"Tommy gawaan mo nga ako ng cheese cake." utos ko dito sa lalaking asa tabi ko habang nakataas ang paa ko sa mesa at minamasahe ni Lane ang treasurer ng council.
"Alam mo Ronnie para kang gangster kung umasta ang takaw mo pa" saka siya tumayo at pumunta sa kusina.
Well you see ang student council headquarters ay isang buong bahay. Kaya gaya ng isang normal na bahay meron tong mga kwarto. Tig-isa bawat member. Meron ding banyo sa loob ng bawat kwarto at siyempre may sala, kusina at ang pinakaimportante sa lahat meeting room at andito kami ngayong lahat.
Habang ako ay humihigop ng masarap na ice cold coffee na gawa ng aking masunuring secretary tahimik namang nakaupo ang council members sa kani kanilang upuan habang tahimik akong pinapanood.
"Kim report" utos ko sa secretary ko at saka ibinaba na yung paa ko para magmukha naman akong kagalang galang sa harapan nilang lahat.
"Well Prez yung student ball malapit na po sa makalawa na po yun" sagot niya habang nakatingin sa clipboard niya at finiflip ang bawat page nun
"Student ball na naman?! Kelan ba yan tatanggalin sa curriculum natin? Ipatanggal mo yan madali!"
Hindi ko maintindihan kung bakit pa kelangan ng student ball na yan. We are already college students geez!
"Prez hindi yun pwede tradisyon na yun dito sa St. Celestine na dapat every year nagkakaroon tayo ng Students' Ball" sagot nung lalaki na asa far left ko. Si Greg na kilala bilang mahilig sa babae at siya ring liaison nitong council. Talk about mahilig sa m.u. Psshh..
"Okay, since gustooong gusto mo naman yang mga ganyang event, why don't you arrange the program yourself? Isama mo na rin yang si Danna?" sabay turo ko dun sa babaeng hanggang ngayon hindi pa rin pinagsasawaan ang pananalamin at sa tingin ko kung may mata man yung salamin niya kanina pa yun nagsawa sa kakatingin sa mukha niya. Baka nga nahihilo na yan ngayon kasi kung makabaliktad at pose si Danna akala mo nagiiba iba yung mukha niya.
"What! Ayoko nga no! Pagpapawisan lang ako dun! Saka you're the president! You should do it" at salamat at natigil ang pag iilusyon niya sa sarili niya sa harap ng salamin.
"That's why I'm giving you the job stupid! I'm the president and what do presidents do?"
"To give orders and eat cheese cakes" they all said in unison. Siyempre hindi kasali si Danna
"Alam niyo pala eh. So stop complaining and just obey my orders. Speaking of which? Where's my cheese cake? Tommy!"
"Coming prez!" at pagkasabi niya nun nag-ala waiter ang entrance niya complete with apron, a towel on one arm and the other hand holding the tray with its aluminum cover.
"Be careful Prez its sizzling hot!" and as if on cue binuksan niya yung takip at nalasap ko ang amoy ng langit.
"Hoy VP! Hindi mo man lang ba kami bibigyan?" nakalimutan kong sabihin vice president ko pala tong si Tommy. Full name Tommy Garcia. Sounds familiar? Eh kasi
"Hey bro! Same old thing eh. Nililigawan mo pa rin si Ronnie namin?" hayun na nga pumasok na ang buong b-ball team ng wala man lang pasabi. -___-
Well they're just four. So in short kami ang laging first liners sa lahat ng laro.
"Sis wag mo naman ibuking! Ahaha!" sabay tawa pa ng malakas ni Tommy
Yung nagsalita kanina si Timmi yun kambal ni Tommy. Parehas silang baliw. =_____=
"Timmi hindi yan yung pinunta natin dito sabihin mo na kay captain." sabi ni Red na kasalukuyang may akap akap na bola ng basketball
"Ang alin? Huwag niyong sabihing nakipagpustahan na naman kayo?"