Rain's POV
Ang lamig ng ihip ng hangin. Pati ako nanlalamig. Ang daming tanong sa isip ko, pero hindi ko kayang itanong sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko na pwedeng sabihin sa kanya.
"Stop ang ano?" tanong ko na kunwari hindi ko naiintindihan yung sinabi niya. Rain, wag kang iiyak please. Wag kang iiyak.
"Stupid. Alam mo kung ano ang sinasabi ko," seryoso niyang sabi habang hindi pa rin nakatingin sa akin.
"B-bakit?" nangangarag na yung boses ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. Please Ethan...wag mong hayaan na magalit ako sa'yo. Hulog na hulog na ako sa'yo eh, bakit hindi mo ko kayang saluhin? Bakit mo pinuputol agad yung pagkakataon ko?
"Anong bakit? This is all fake, Rain! Pwede akong bumitaw kahit kailan ko gusto," natatawa niyang sabi sa akin. Naiinsulto ako. Nasasaktan ako. Kinukurot yung puso ko. Ganun ba 'yon? Hindi kita maintindihan, Ethan! Anak ka naman ng pating eh. Please, wag mo akong bitawan.
"P-paano kung ayoko?" matapang kong tanong.
"What? You're impossible! Kung natatakot ka sa sasabihin nila, face the consequence Rain. After all, this is all your fault!"
"PERO SABI MO MASAYA KA! SABI MO SA AKIN MASAYA KA NAMAN! Akala ko masaya ka...." nanghihina na yung boses ko. Gusto kong sapakin si Ethan. Hindi kasi ganito yung ipinaramdam niya sa akin eh! Sana kung ayaw niya akong mahulog sa kanya, sana binasura na lang niya ako. Sana pinabayaan na lang niya ako! Sana di na lang siya pumayag! Sana... ANG TANGA MO, RAIN!
"Fvck! Haha. Hindi ko naman alam na maniniwala ka," sabi niya pa. Nakatingin siya sa malayo habang nakikipag-usap sa akin.
"Sabihin mo...bakit ka pumayag? Bakit ka pumayag sa umpisa pa lang?"
"I'm damn bored, Rain. Wala si Nathalia eh.." sagot niya sa akin.
"Pampalipas oras lang ako?" mahina kong tanong.
"Kung yun ang tawag mo doon, then...oo"
Halos manlambot yung tuhod ko sa sinabi niya. Ang tanga ko para maniwala sa mga sinabi niya. Ang tanga tanga ko para maniwala sa mga kalokohan niya! Crap, hindi ko na alam ang gagawin. Sana noon niya pa sinabi! Sana noon pa. Bakit ngayon?! Bakit ngayon niya lang sinabi?!
Taena naman oh! Hulog na hulog na ako Ethan. So ganun na lang 'yon? Dahil bumalik na si Nathalia, tapos na siya sa akin? Tapos na siyang paglaruan ako? Tapos na siyang linlangin ako? Sobra akong nasasaktan ngayon. Hindi ko matanggap! Nasaan na yung Ethan na nakilala ko? Nasaan na yung Ethan na pinaparamdam sa akin na mahalaga ako? Oo nga pala, pampalipas oras lang ako. Ikaw na ang pinakatangang nakilala ko, Rain.
"K-kaya ba hindi ako pwedeng mahulog sa'yo?" tanong ko.
"Oo,"
"Pero sabi mo kapag nahulog ako sa'yo baka mahirapan kang palayain ako?!"
"I don't remember saying such things like that,"
"Liar!"
"I am,"
"Manggagamit ka!"
"You're the one who used me,"
Hindi ko na kinaya. Napatakip na lang ako ng dalawa kong kamay sa mukha ko. Hindi ko napigilan ang luha ko. Oo, ginamit ko siya pero kahit kailan hindi ko pinaglaruan ang damdamin niya! Totoo ang pinapakita ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang pinaglaruan niya lang ako. Ang tagal niya akong ginamit para punan yung pagkakabagot niya! This is all so rude. Gusto ko siyang murahin! Gusto ko siyang bugbugin!
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...