akala ko ikaw na hindi pa pala kasi sabi ko nun nung nakilala kita siguro ikaw na yung happy ending ko pero hindi pala nagkamali ako...
"Uy mag-isa ka nanaman dito wala ka bang kasama?"
ayan ka nanaman nakakairita kasi lagi ka na lang sumusulpot na parang kabuti pero nagpapasalamat naman ako kasi kahit wala akong kasama andyan ka para samahan ako. At sa totoo lang hindi pa kita kilala nagulat nga ako kasi pinipilit mo pa ring makipagkaibigan sakin kahit halata namang pinapakita ko sayo na hindi ako interesado sayo makulit ka pa din ... hindi ka ba nagsasawa sa araw araw na pagsama sakin dito sa park...
" wala ka bang kasama at andito ka nanaman? at pati ako ginugulo mo dito."
hindi na ako makatiis at tinanong na kita kasi nakakainis ka na gusto ko lang naman mapag-isa pero lagi mo na lang akong ginugulo...hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo ako si Kim Paula K. Cruz
" sa tingin mo kung may kasama ba ako, guguluhin kita dito? tsaka gusto ko lang naman makilala ka at maging kaibigan ka, pwede ba tayong maging magkaibigan?"
bakit naman nya ko gustong makilala eh ako nga hindi interesadong makilala sya eh...
" bakit gusto mo kong makilala at maging kaibigan?"
teka kung hindi ako interesado makilala sya eh bakit pa ako sumasagot sa mga tanong nya aaisssh... bahala na nga si batman ginugulo ko lang utak ko eh ...
" wala kasi sa tingin ko naman mabait ka eh. tsaka sa tingin ko naman hindi ka nangangain ng tao diba? hahaha ako nga pala si joseph, ikaw anong pangalan mo?"
aba loko to ah nakuha pa akong biruin pero tama naman sya mabait nga ako pero hindi nga lang ako pala kaibigan hahaha mahirap na kasi eh... hay nako sinabi na nya pangalan nya hindi ko naman tinatanong tapos ngayon tinatanong na nya kung anong pangalan ko... hmm sabagay muka naman syang mabait eh... tsaka pang isang linggo na to na pangungulit nya sa pangalan ko, wala naman sigurong mangyayari pag sinabi ko yung pangalan ko eh nakikipag kaibigan lang naman sya sakin eh...
" kim, kim ang pangalan ko. tandaan mo tong araw na to dahil ito yung araw na magkaibigan na tayo."
at nakita ko naman sa muka mo yung pagkagulat at sabay ngiti
" talaga pumapayag ka na? wala nang bawian yan ah..."
at yun na nga ang umpisa ng araw na naging magkaibigan na tayo tinandaan ko din ang araw na yon kasi yun ang unang unang pagkakataon na nakipagkaibigan ako. nasanay kasi ako na mag-isa at hindi nakikipag kaibigan ...
"oo wala ng bawian sige uwi na ako. baka hinahanap na ako nila mommy at daddy. uwi ka na din baka hinahanap ka na sa bahay nyo. "
pagkatapos kong magpaalam sakanya umuwi na din ako ng bahay. pagkauwi ko ng bahay sinalubong ako agad nila mommy at daddy ng yakap kasi kakauwi lang nila galing sa trabaho nila kaya inakap ko din sila ng mahigpit. tsaka ko nagkwento about sa bago kong kaibigan na si joseph hindi naman sila tumutol, natuwa pa nga sila kasi nagkaroon na din ako ng kaibigan. tsaka tiwala naman kasi sila sakin. pagkatapos namin kumain ng dinner umakyat na ako agad sa kwarto ko at natulog na dahil alam kong bagong umaga nanaman ang mangyayari bukas. mabilis naman akong inantok.
dumaan ang maraming araw, linggo, buwan, 10 months na tayong magkakilala at ganon pa din ang ginagawa mo araw araw, kukulitin ako sa park minsan naman may dala kang foods, game board, o kaya naman magkwekwento at nasasanay naman na ako sayo at hindi na din ako naiilang
isang araw kinaumagahan nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ko kaya tumayo na ako para pagbuksan kung sinuman yung kumakatok. pagbukas ko si daddy ang bumungad saakin.
BINABASA MO ANG
Masakit Pala!
Short Storyhindi lahat ng tao may happy ending ... mas madalas kasi ang nangyayari sa tao ngayon bihira ng makahanap ng happy ending katulad ng mga napapanood nating fairytale...