Torpe eh. [ One-Shot ]

1.1K 23 15
                                    

VIERA'S POV 

Pumunta ako sa locker ko at may nahulog na note don.Lagi namang ganto eh pero kahit halos lagi ng nangyayari iniipon ko parin sya at binabasa , kanino kaya 'to galing ? Kasi di naman pwedeng kay Julian kasi alam ko namang kahit may boyfriend na si Annie , si Annie parin ang tipo nyang babae.Ipinasok ko muna yung mga libro ko bago binuklat yung note.

Dear Viera , 

Alam mo matagal na kitang mahal eh , di pa ako pumapasok sa school na ito.Pasensya na natotorpe kasi ako pag kaharap na kita kaya sa note ko nalang napaparating ang mga gusto kong sabihin sayo.Pero wag kang matakot at mag-alala sigurado naman kasi akong kilala mo ako.Kaso manhid ka kaya di mo maramdaman ma mahal kita at wala ng iba , wag mo ng sabihin na iba ang mahal ko.Masakit sakin yon. </3 

Loves you to infinity and beyond , 

Your secret admirer na kilala mo naman >.> XD 

Parang loko - loko lang 'to pero di naman masama kung paniniwalaan ko 'to diba? Dumiretso na ako sa pinupwestuhan namin tuwing lunch at syempre nandoon na si Julian , adik yon eh.Ginulo nya nanaman ang buhok ko syempre nagkunwari akong naiinis ako , kahit kinikilig na ako.Nakakainis kasi sya eh , nandito naman ako pero parang lagi sa iba parin sya nakatingin.Ng dumating na si Annie ay napasimangot ako , alam kong sya nanaman ang kukulitin ni Julian , wala eh mahal nya talaga eh.Idinukdok ko na lang sa mesa yung ulo ko at sinasabing masama ang pakiramdam ko kaya sinamahan ako ni Julian doon.

"Uyyyyy~ magkita tayo sa park mamaya ng 3 ah ? Don sa may abandunadong park malapit sa subdivision , may sasabihin akong napakaimportante sayo." sabi nya tsaka akbay sakin , biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumango na lang ako at umupo na sa kama sa clinic at nagtalukbong ng kumot , inilabas ko rin yung notebook sa bag ko at nagsulat ng kung  anu-ano.Ng dalawin ako ng boredom ay lumabas na ako ng clinic at pumunta sa may locker , ilalagay ko lang yung mga nakalagay pa na libro sa bag ko.Ewan ko kung anong sumapi sakin kanina at di ko inubos lahat ng ilalagay ko sa locker , pagbukas ko ay may nalaglag na note naman.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng pinulot ko iyon.Isinalpak ko na yung mga libro sa locke ko at tumakbo palabas habang binubuklat yung note.

Dear Viera , 

Sa tingin ko ngayon lang ako magkakaroon ng lakas na loob para magpakilala sayo , well excited ako sa magiging reaksyon mo kaya sasabihin ko na rito sa note kung sino ako.Ako nga pala yung lalaking laging gumugulo ng buhok mo at nang-iinis sayo ako rin yung naghatid sayo kanina sa clinic , at paniguradong pinagseselosan mo si Annie pero sasabihin ko sayo di kami talo nun.Tsaka pasensya na kung ngayon lang ako nagtapat sayo ah ? Halos tatlong taon ko ring inipon 'tong lakas ng loob na sabihin sayo 'to.Viera Delos Reyes mahal na mahal ka ng isang Julian Espinosa kaya please lang pumunta ka sa park ng 3 , sana di ka pa mahuli.

Love , 

ang love mo ♥ 

Kinikilig akong natatarantang ewan eh kaya nagmamadali akong tumakbo at tinignan yung relo ko , huli na ako.Wala na sya kaya nalulungkot akong naupo sa swing  pero may nakita na naman akong note doon kaya binuklat ko , alam kong galing yun kay Julian , napakalakas ng kutob ko.

Dear Viera , 

Sorry kung kelan nakilala mo na yung Prince Charming tsaka ka iniwanan eh noh? Lilipad na ko sa States and will stay there for good.Pasensya na mo ko inabutan ah ? Sorry mahal na mahal pa rin naman kita eh Viera. ♥ 

Love ,

Julian 

Imbes na magmukmok  ay tumawag ako ng taxi. "Manong sa airport po tayo , please lang po pakibilisan nyo po manong ah? Kasi po yung taong mahal ko may posibilidad na malayo na sakin ng pangmatagalan." sabi kong mangiyak ngiyak.Nginitian ako ni kuyang nag-da-drive at parang gumaan yung kargo ko sa dibdib ko. "Hija buti ka pa mahahabol mo yung mahal mo at mapapanindigan nyo ang inyo , akin kasi hindi na nangyari yon eh." at nagkwentuhan kami ni kuya at bigla kaming nadaan sa traffic pero malapit - lapit na din naman yon sa airport kaya binayaran ko na sya at hinubad yung sapatos ko at nag-ala runner sa pagtakbo pero isa lang ang nagpatigil sa pagtakbo ko , ang pag-iyak ni Julian sa harapan ko at isinisigaw nya ang pangalan ko habang ginagawa iyon.

"F*ck Julian dalhin na natin si Viera bago pa sya maubusan ng dugo." natawa ako sa sinabing yon ni Tristan at akmang babatukan sya ng bigla kong makita ang sarili ko na nakahiga sa sahig duguan at inaaway na ng mommy ni Julian yung driver ng truck , di ko nga alam kung bakit may truck don eh.Sinadya ba yun ? O malas lang talaga ako.Pero unti-unti akong nanghina at nawalan ng malay miski ang sub-conscious ko na lang. 

JULIAN'S POV 

Tahimik ko syang pinagmamasdan habang dala-dala ko yung paborito nyang bulaklak at chocolate.

"Uy diba gustong - gusto mo 'to?" sabi ko habang inilalapag yung bulaklak , pero wala parin syang imik.Nag-unahan ng tumulo ang luha ko , di ko na kaya masakit eh. "Sorry kung bakla tignan ang boyfriend mo ah?" mas tumulo ang luha ko ng tapikin ako sa braso ni Tristan. "Bye Viera , maauna na kami." pero bago umalis ay hinalikan ko ang puntod nya.Oo , puntod namatay kasi sya sa aksidente.

Isang buwan syang na-coma at binawian rin ng buhay dahil 30 % lang daw ang chance nyang mabuhay pero hindi yon nangyari kaya galit na galit si Tito.Pero wala akong magagawa , araw-araw akong bumibisita sa kanya pero mas lumalalim yung sugat na naiwanan nya sa puso ko.Iniwanan ko rin ang note na madalas kong ibigay sa kanya.

To my girlfriend Viera , 

Okay kahit di mo pako nasasagot or di pa kita naliligawan gusto na kitang ituring na girlfriend , oo nga pala pasensya na kung huli ko ng nasabi sayo ah ? Torpe eh.Pasensya kung bakit ako ang naging dahilan ng kamatayan mo , pero pangako kong aayusin ko ang buhay ko hanggang sa makasama kita.

Love ,

Ang nag-iisang Julian ng buhay mo. 

The End. 

Torpe eh (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon