Coffee Break

6 0 0
                                    


Keana's POV

Grabe..Nakakapagod magbilang nang magbilang...

"Keana! Sabay tayo magkape mamaya ah.." sabi ng katrabaho kong si Lany

"Sige.." sagot ko

Cashier ako sa isang store at syempre ang gawain ko ay ang magbilang.Kaya nga puro number na ang laman ng utak ko.

Pagkalipas ng isang oras na pagbibilang ay sa wakas ay coffee break na.Sa wakas mapapahinga ng 30 minutes ang utak ko

Habang nagkakape syempre hindi mawawala ang kwentuhan.

"Keana nakita mo na ba yung bagong poging manager natin?" ay nagkamali ako,chismisan pala..

"Hindi pa, bakit?" sagot ko

"Ano kayang itsura niya noh?" sabi niya pa.

"Anong itsura?Ibig sabihin hindi mo pa nakita yung bagong manager?" tanong ko

"Hindi pa." mabilis niyang sagot

"Pano mo nasabing pogi?"

"Ano ka ba naman Keana,parang naman hindi mo kilala yung mga katrabaho natin..mga dakilang chismosa..tsk.tsk.tsk." sabi niya sabay inom ng kape

"Keana,CR lang muna ako..May 15 minutes pa naman..Sige jan ka muna."sabi niya sabay tungga ng huling lagok ng kape niya sabay layas..

"Ang galing talaga.. Wala manlang babye bago umalis.." sabi ko sabay inom ng kape..

"Dito ka ba nagwowork?" sabi ng kararating lang na lalaki.

"Oo?" patanong kasi hindi ko siya kilala.

"Patrik nga pala,bago pa lang ako dito." pagpapakilala niya at sabay lahad niya ng kamay niya kaya hindi ko naman pinagdamot.

"Keana" pagpapakilala ko rin.

Nag-uusap lang kami ng nag-uusap hanggang sa tawagin siya ng isang katrabaho namin.

"Ahh.. sige Keana ah..see you around.." sabi niya.

"Sige..bye.."pagpapaalam ko

"Bye." sabi niya sabay alis

Pagkaalis ni Patrick ay ang pagdating naman ni Lany.

"Sino yun?" tanong niya pagdating.

"Patrick.Bago lang daw siya." pagpapaliwanag ko kay Lany

"Ahh..Tara na.Tapos na yung break."

Kinabukasan

Syempre ganun pa rin.. Bilang dito,bilang doon..Nakakapagod..Pero okay lang kasi atleast may coffee break..

Oo.Tama kayo.Coffee break lang ayos na ako.Kasi parang kapag nagkakape ako narerelax yung utak ko.

At nang mag 4 pm na ay ang saya-saya ko kasi Coffee break na.

Habang nagkakape kami ni Lany syempre ganun pa rin, kwentuhan.. Tapos pagkatapos ng 15 minutes ay magc-cr si Lany.At ang papalit naman ay si Patrick.

"Keana ano nga pala yung position mo?" bigla niyang tanong habang nagkakape kami.

"Cashier.Ikaw,anong position mo?" tanong ko rin

"Manager." mabilis niyang sagot.

Pagkasabi nun ni Patrick ay bigla kong nabuga yung iniinom ko at napatingin sa kaniya..

"Ikaw yung bagong Manager?"

"Oo.Bakit?" pagpapanic niyang tanong.

"Wala.Nagulat lang ako....Sir."
Grabe.. Magkasama kami kahapon ni hindi ko manlang napansin na Manager pala siya.

Coffee BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon