One

169 3 2
                                    

Di ko alam kung paano ko sisimulan ang istoryang ito. Common lang to para sa karamihan pero para sakin ito ay espesyal na pangyayari na naging parte ng buhay ko. Sana pakinggan nyo at basahin nyo to. Sana mabuksan ang isipan nyo na kahit kailan, ang pag-ibig, hindi mamamatay sa puso nating mga umiibig.

Minsan akong nahulog, na-inlove, nagmahal ng isang lalaki na hindi ko alam kung bakit.

Sya yung una kong boyfriend. Una kong minahal. Pero di ko inaasahan lahat ng nangyari sa relasyon namin.

Mahal ko sya, mahal nya ako, mahal namin ang isa't isa. Nag-aaral kaming parehas sa iisang unibersidad minsan lang kaming nagkikita at nag-uusap. Dumating yung mga pagkakataong nasusubok kami ng tadhana. May iba't ibang dahilan lahat ng pag-aaway namin. Siguro nagtiwala lang kami sa makabagong panahon para mapanatili ang tibay ng relasyon namin.

Kulang kami sa komunikasyon, kulang sa oras, at kulang sa pagtitiwala. Siguro sapat na yung sa mga dahilan kung bakit kami naghiwalay.

-Hazel Bethanie G. Casinao.

Complicated RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon