GHOST FRIEND
15 years old ako ngayon at last year lang to nangyari saken. First, may pinsan akong 7 years old palang. Kapitbahay lang po kami kaya isang gabi, pumunta siya sa bahay namen dahil mag isa lang kasi siya nun, nasa work yung mga parents niya at gabi na ang uwi. Kaya nung pumunta siya sa bahay namen, sinabi niya saken, "Ate samahan mo naman ako dun sa bahay, natatakot ako eh." Sabi ko naman, "Oh dito ka nalang. Nanunuod pa ako ng tv eh." Tas sabi niya "Sige na ate may tv naman dun samen eh." So ayun pumayag nalang ako. Nagpasama daw siya saken dahil may naririnig siyang boses ng batang babae na kinukulit siya. Di ako naniwala dun pero binawela ko nalang.
*fastfoward*
Nung dumating na parents niya, umuwi na din ako samen. Eksaktong 10pm na yun pagdating sa bahay at humiga na agad ako sa bed. Naka pikit na mata ko nun ng biglang may bumulong "Waaaah." Parang boses ng batang babae. Naalala ko sabi ng pinsan ko at napaisip ako, baka sinundan ako dito sa bahay. Kaya pumunta ako sa room ng parents ko na umiiyak (kasi first time maka experience ng ganun) Kinuwento ko sakanila pero di sila naniwala
*after 1 week*
May isa pa kaming pinsan na kaedad ko. Bumisita sila sa bahay namin pero dun kami nag stay sa isa kong pinsan na 7yrs. old.. Nag overnight kami dun. The next day pag uwi ng pinsan kong kaedad ko lang, pag gabi nun nakaranas din siya ng may bumubulong sa kanya. At ikinuwento niya samen yun the next day through phone. Napaisip ako baka sinundan din siya dun. Kahit nga sa school eh bumubulong din siya either sakin or sa pinsan (schoolmates lang kase kame) Kaya sinabi nanamin yun sa family namin kase parang iba eh. Kaya we decided na ipakonsulta kame sa kakilala nilang psychic (o ganun ba tawag nun). Sabi niya ipablessing lang daw namin yung bahay namin. Ginawa namin yung sinabi niya at yun, Hindi na naulit yun. Geh yun lang po.sa ayaw maniwala di naman kayo yung binulungan eh,so shut up nalang😂
ps. di po sa aking story yan copy an paste yan