One Last Moment (One-Shot)

3K 104 56
                                    

KRIZELLE'S POV 

Ayan na...

Ayan na naman...

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha kong kanina ko pang pinipigil, nakakapagod na siguro mamaya dugo na ang lumalabas sa mata ko pero imposible namang mangyari iyon.

Hinayaan ko na lang pumatak ang mga luha  para naman kahit papano, mabawasan itong sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko pa kasi kaya eh.

Matapos ang ilang minuto ay pinunasan ko na ang pisngi ko at umalis sa kinauupuan ko.

Kailangan kong maging matibay. Kailangan kong maging masaya. Kailangan kong ibaon sa utak ko na hindi na pwede pang balikan ang nangyari.

Para sayo... at para sa akin...

Nandito ako ngayon sa school natin at pinagmamasdan ka sa malayo. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko ng makita ko kayo. Ang saya-saya mo pala kahit wala na ako sayo.  Ang saya mo kasi, ngayon kasama mo na siya at nagmamahalan kayo. Kasalanan ko rin naman eh...

Ako kasi yung nang-iwan. 

Pero wala naman akong magagawa eh, wala din akong choice dahil talagang mapaglaro ang tadhana.

Hindi ko na namalayan na muling tumulo ang mga luha ko. Iyak na lang ako ng iyak, parang ako itong iniwan ah. 

Naglakad na kayo palayo. Papunta yata kayo sa canteen. Sinundan ko pa rin kayo kahit na masakit pagmasdan na masaya ka sa piling ni Rizzah. 

Matutuwa ka pa ba kung pinagmamasdan mo ang mahal mong may mahal ng iba? 

Gusto ko lang makita ka. Mayakap at makapagpaalam sayo. Gusto kong sa bibig mo mismo manggaling na.. Kaya mo na.. Kahit wala na ako sayo.. Magiging masaya ka... pero parang imposible yatang mangyari iyon.

Naabutan ko kayong nagsusubuan ng ice cream. Ang sweet niyo naman. Kumirot na naman ang puso ko sa naisip ko.

Nakapagmove-on ka na siguro ano?

Tanda mo ba, ganyan din tayo ka-sweet noon. At ganyan ka din kalambing sa akin.

*FLASHBACK*

"Krizelle, upo ka muna dito ha. Ako ng bibili ng pagkain natin." sabi ni Christian sa akin ng makahanap kami ng bakanteng upuan.

"Ahhh. Sige! Ano! gusto ko nggg---!" sabi ko sayo ng nakangiti pero agad mo na akong pinutol.

"Oo. Alam ko na.. Ice Cream. hahaha. May iba ka pa bang gustong ipabili, mahal ko?" 

"Walaaa na! Chocolate flavor ha!" Hayyy. kinikilig pa rin talaga ako tuwing tinatawag mo akong 'mahal' kahit limang taon na tayong mag-boyfriend at girlfriend. 

Umalis ka na at pumila sa cafeteria. Pinagmasdan kita habang ikaw ay naglakad papalayo sa akin, ang gwapo mo pala kahit nakatalikod. HAHAHAHA.

Hayyy. Paano kaya kung mawala ka sa akin ano? Kakayanin ko kaya?

Agad kong pinilit na burahin ang naisip ko. Ano ba yan! Masaya kami ngayon ni Christian! At wala ng makakasira at makakapaghiwalay sa amin.

Naniniwala ako sa 'true love' kasi, si Christian mismo ang nagpatunay sa akin nito.  

"Krizelle, eto naaa!" sabi mo sa akin ng makarating ka sa table natin.

"Woww! salamat mahal ko! Kilalang kilala mo na talaga ako no! Talagang may 10 marshmallows sa ice cream tulad ng gusto ko!" agad akong tumayo at lumapit sa tabi mo. 

One Last Moment (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon