MARGO
Hinanda ko na lahat ng gagamitin ko para sa getaway at handa na akong umalis. 7am daw ang alis namin at 6:30 na. Baka malate pa ako kaya binilisan ko na ang pagbaba.
I end up wearing black tank top and high-waisted shorts plus all black converse. Mabuti nang eto ang suot ko para komportable kesa naman pabebe tas hirap na hirap gumalaw mamaya.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa school. Nakapila na ang mga sasama per course. Kinuha ko ang maleta ko at naglakad patungo sa pila ng Business Ad. Mukang ako nalang ang hinihintay nila.
"Hi Margo, may katabi kana sa bus?" Tanong ng kaklase ko sa Business Communication na si Ria.
"Wala pa." Ngumiti ako ng bahagya.
"Tabi nalang tayo. Wala pa kasi akong katabi eh."
"Sure."
Saktong 7am ay sumampa kaming lahat sa bus. Katabi ko si Ria at nasa harapan namin si Dylan at Rocco. Si Rocco ay kakambal ni Ria. Nagtataka nga ako kung bakit di silang dalawa ang nagtabi.
"Ako sa bintana, Margo. Mahihiluhin ako eh."
"Hay nako, Margo. Kaya ayokong katabi yan si Ria. Baka sukahan pa ako nyan. Kaya magingat ka." Sabat ni Rocco.
"Kuya kasi pumayag kana tayong dalawa na ang magtabi nakakahiya kay Margo." Angal ni Ria.
"Osya sige pigilan mong sumuka ah. Dylan palit na kayo ni Ria tutal diba gusto mo naman katabi si Margo." Natatawang saad ni Rocco. Gusto akong makatabi ni Dylan??! Erase. Erase. For sure ay part yan ng plano niya na gawin akong fake gf.
"Shut up, dude." Binatukan ni Dylan si Rocco bago tumayo at naupo sa tabi ko. Ngayon ay ako na ang nasa bintana.
Hindi ko siya pinansin. Nagsuot ako ng cardigan saka humarap sa bintana. Mahirap na bosohan pa ako nito.
I put my headphones on and listen to my favorite song Same Old Love by Selena Gomez.
-----
"Hey wake up." Nagising ako nang may sumampal sakin ng mahina.
Dinilat ko ang mata ko. Nandito na kami.
O_______O
Bakit ako nakasandal sa balikat ni Dylan? Inangat ko ang ulo ko.
"Hoy lalaki! Sinadya mo bang isandal ang ulo ko sa balikat mo, ha?!" Bulyaw ko sa kanya.
"What? Ikaw na nga lang nakikisandal, nambibintang ka pa. Tsk."
Tumayo siya at bumaba na ng bus. Ako naman ay naiwang nakaupo. Teka, bakit ako nangingiti? No,no. Wala lang to. Relax ka lang Margo.
Tumayo narin ako dahil ako nalang ang naiwan dito. Dumiretso kami sa tapat ng maraming bahay kubo.
"Okay students, this will be your room. Each room will have 10 person. This time, hindi ito by course. Bahala kayong pumili ng roommates niyo." Sabi ng dean namin.
Naalala ko agad si Peyton. Gusto ko magsorry sa kanya. Nilibot ko ang tingin ko at nakita si Peyton kasama si Grace. Agad akong lumapit.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fell For Me
Teen FictionMargo B. Ferrer was just a simple girl, she was NBSB not until the bad boy, Dylan Clarkson came into her life. Can Margo handle to break the bad boy's heart? Or will she fall in love with the bad boy too?