Dear You [[One Shot Story]]

14 1 9
                                    

Dear You,

Titingin sa kaliwa...

Titingin sa kanan...

Sa kabila ng mataong lugar bigla na lang napako sayo ang paningin ko

At nagslow-mo ang lahat ng nasa paligid.

Nakakatawa mang isipin pero ganun talaga eh. Parang na love-at-first-sight yata ako sayo.

Nung panahong tinanong mo ang pangalan ko.

Parang natali ang dila ko at di alam kung ano ang sasabihin sayo.

Natatawa nga ako sa sarili ko pagnaalala ko yun eh.


Di nagtagal, naging close tayo sa isa't isa. Halos lahat ng bagay nagkakasundo tayo. Sa sobra ngang close natin sa isa't isa, ang tingin na nila sa atin ay magjowa eh. Pero ang sinasabi mo noon ay 'No, we're just friends.' sabay ngiti ng marahan.

Pero morethan friends ang tingin ko sayo. Morethan bestfriends or ultra mega bestfriends o kahit ano mang friendzone na kataga jan.. Basta feelings ko talaga ang parating tutol sa friendship natin.

Hanggang isang araw. Nadatnan mo akong sinisigawan at pinagpapalo ng madrasta ko samantalang walang pake saakin ang tatay ko.

Hinding-hindi mo ako basta-bastang tinignan lang nun. Tumatak sa isip ko ang ginawa mo. Pinagtanggol mo ako sakanya at yinakap ng mahigpit. Pinapatahan mo ako habang humahagulgul ako sa pag-iyak ako sa braso mo habang may mga pasa ako sa katawan.

Di mo ako pinabayaan lang nun. Dun ko lang naramdaman na may taong pomoprotekta pa pala saakin. Tumatak ang araw na yun sa puso't isipan ko. Lalong-lalo na't sinabi mo sa akin na andiyan ka lang sa tabi ko ke-magkaroon man ng magnitude 8 na lindol sa Pinas. Hinding hindi mo ako iiwan.

Karamihanman sa iba ay di pinapaniwalaan ang linyang yan kasi sabi nila. Iiwan at iiwan karin nila balang araw. Wala rawng forever eh, pero ewan ko ba. Bigla kasing naramdaman kong hindi mo ako iiwan at andiyan ka lang sa tabi ko parati.

Lumalalim at lumalalim ang panahon. Lumalalim at lumalim na rin ang feelings ko sayo.

Minsan pa napapaisip ako na. 'Hanggang ganito na nga lang ba?'

At mapapabuntong-hininga na lang at iisipin kung...

Paano ako aamin sayo?

Baka kasi sakaling-

Iiwasan mo ako...

Iiwanan mo ako...

At mas lalong...

Sayang ang mga panahong pinagsamahan natin.

Kaya ang ginawa ko, binalewala ko na lang ang lahat.

Bahala na. Bahala na si Batman.

Basta andiyan ka lang sa tabi ko. Okay na yun :)

Lumilipas ang panahon. Naging succesful tayo sa buhay.

Nakapagtapos tayo ng kolehiyo at nakahanap ng magandang trabaho.

Dear You [[One Shot Story]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon