MNGO-22.2
Natulos ako sa aking kinatatayuan. Nakatitig parin ako sa pintuan kung saan lumabas sa Yuo. My heart is still beating so fast. Kinakabahan ako at nasasaktan. I'm hurting because I know I hurt someone. I'm hurting someone.
"Andrea..."
Napukaw ang diwa ko dahil sa tawag ni Trivy. Tumingin ako sa kanya. He's looking at me with softness in his eyes. Nasa mga braso ko kanyang mga kamay at maluwang at mahigpit ang pagkakawak niya dito. Umawang ang labi ako at kumurap ako.
"I—I have to go...", I whispered. Marahil ay gulat parin ako sa biglang pagsulpot ni Yuo. And he saw us hugging! Shit!
Agad bumakas ang takot sa mga mata ni Trivy. Marahas siyang umiling. "N-No. No! No, please.", panic niyang sabi. Bigla niya akong dinamba ng yakap. He caged me in his arms. "No. Please, Andrea. Huwag mo na akong iwan. Dito ka na lang. Akin ka na lang. Please...", nagsusumamong sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Agad namuo ang bukol sa aking lalamunan. My heart aches. Nasasaktan ako para kay Trivy. Nasasaktan ako para kay Yuo. Hindi ko alam na mangyayari ito. Na mangyayari ulit ito. Lumunoka ko para iwala ang bukol sa aking lalamunan. Dahan-dahan akong lumayo kay Trivy pero mas lalo niyang hinihigpitan ang yapos niya sa akin.
"Trivy..."
"Let her go, Tri."
Kapwa kami ni Trivy napatingin sa pintuan. Tarra is standing there while looking at us. Walang emosyon ang mukha niya.
"Ate...", usal ni Trivy at dahan-dahang bumitaw sa akin. I breathe.
"Let her go. Kung gusto niyang habulin si Yuo hayaan mo siya.". matigas na sabi ni Tarra habang nakatingin sa akin.
"Pero—"
"She's not yours to begin with, Tri. So learn to accept what she can only give to you."
Natahimik si Trivy sa sinabi ng ate niya. Ako naman ay napaiwas ng tingin. Nahihiya ako. Nakakahiya ako.
Pumikit ako ng mariin. Pagmulat ko ay agad kong hinanap ang mukha ni Trivy. I slowly cupped his face using my hand and smiled at him. He just stared at me with his pleading eyes. Kinailangan kong mag-iwas ng tingin kaagad.
"I have to go...", mahinang sabi ko bago ako umalis sa kwarto.
Mabibigat ang bawat hakbang na ginawa ko pababa ng hagdan. Nasa main door na ako ng bahay ng may humablot sa braso ko.
"Tarra...", I said under my breath.
Tarra gave me a cold stare before she let go of my arm. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Andrea?", nagtatagis ang kanyang mga panga na wika niya. Kung gaano ka walang emosyon ang mukha niya kanina ay kabaliktaran naman ngayon. Puno ng galit at paghihimutok ang kanyang ekspresyon. Napalunok ako. "Even Elena Gilbert had to choose between the two Salvatore brothers. Why can't you do the same? Bakit pinipilit mo parin na pagsabayin silang dalawa?", biglang taas ng boses ni Tarra.
Umawang ang labi ko. "No...", umiling ako. "Hindi ko sila pinagsasabay."
Pumalaktak si Tarra. "Anong hindi? Kagabi lang, when Trivy pleaded you to stay, you stayed. And now, when you saw Yuo, siya na naman ang hahabulin mo, leaving my brother alone. Hindi ba iyon pinagsasabay sayo? Diba matalino ka? Can't you understand what you are doing?"
Napasinghap ako sa sinabi ni Tarra. Nag-iwas ako ng tingin. I feel like crying pero wala naman akong karapatan na umiyak.
"I...I just don't want to hurt the two of them.", I whispered.
"Ha! You don't want to hurt the two of them? E ano sa palagay mo ang ginagawa mo ngayon?", bigla niyang hinablot ulit ang aking braso. "Hangga't hindi ka nakakapili sa pagitan nilang dalawa, patuloy at patuloy silang masasaktan. Don't be a selfish bitch like you were. Leave the other boy so that you can be with the other.", marahas niya akong binitawan. "If you're going to choose Yuo, let me know first. Para mailayo ko si Trivy mula sayo para hindi na siya masaktan ulit katulad ng ginawa mo noon."
Nanatili ako ng ilang sandali doon nakatayo kahit wala na si Tia. Nakatitig lang ako sa sahig habang kinakagat-kagat ang aking labi. Nalilito ako sa mga pangyayari at ang sarili ko lang ang dapat kong sisihin. Kung sana hindi ulit ako nakipaglapit ulit kay Trivy hindi sana ulit ito mangyayari. Kung sana ipinagpatuloy ko na lang ang pagmuhi sa kanya noon e di sana hinid ito nangyayari ngayon. Kung sana naging marunong ako sa pagtanggap ng kahinaan ko e di sana wala ulit ako dito sa ganitong sitwasyon.
Being torn is the most tiring and aching job in the world.
Hapon na ng makauwi sa boarding house ko. Ang balak na sundan si Yuo ay di ko nagawa dahil sa sobrang hina ng nararamdaman ko. Agad akong humiga sa aking kama at pumikit. The darkness pulled me and when I opened my eyes again it's already nine in the evening. Agad akong nakadama ng gutom kaya tumayo ako. Lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa bukas pang Convenience Store. Bumili ako ng murang cup noodle at agad na bumalik sa boarding house.
Papasok na ako sa bahay ng biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa aking likod. I froze in my feet. Ilang sandali lang ay dahan-dahan akong humarap sa taong iyon. My mouth went ajar when I saw Yuo standing just meters away from me. His head was bowed down and he was swaying. My eyes landed to his hand and I saw a bottle of alcohol.
"Yuo!", agad akong dumalo sa kanya na akmang matutumba siya. His head landed on my shoulder. Napayakap ako sa kanya. "Oh my God, Yuo! Ba't ka naglasing!"
"Andrea...", he uttered my name.
Nag-ipon ako ng lakas para tulungan siyang maglakad papasok ng bahay. Kahit mabigat ay nagawa ko siyang ipasok sa kwarto ko at pinahiga sa aking higaan. I stared at him while he's lying on my bed with his eyes close. Wala na ang bote sa kanyang kamay marahil ay nahulog habang inaakyat ko siya.
"Andrea...", paos ang kanyang boses na tawag sa aking pangalan. Hindi ako sumagot. I just stared at him and waiting for his next words. "Andrea. Ginawa ko naman lahat ng gusto mo, ah. I went away because you told me to get lost because seeing me will hurt you. So I did. I went away even though it kills me not being with you. I went away even though I know Trivy is still there beside you. I went away because I love you.", his words were slurry pero naiintindihan ko parin lahat ng sinasabi niya. He was saying those words, too, while his eyes were close. At nang makita ko ang mabagal na pag-agos ng luha mula nakapikit niyang mata ay doon ko na hindi napigilan ang sarili ko.
My mouth quivered and the next thing I knew, I was sobbing like a baby. Pero ang pinagkaiba lang ay wala iyong tunog. Napaupo ako sa sobrang sakit. I cupped my mouth to stop the sound from coming. Tama nga sabi nila, ang pag-iyak na walang tonog ang siyang pinakamasakit sa lahat. It hurts so much like there's a dagger plunging in your heart. At di pa nakuntento at inikot iyon. Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang umiiyak ang taong minahal ka dahil sa pagiging makasarili mo.
Tarra was right. I'm a selfish bitch. I deserve all this pain. I deserve all these tears. I deserve this punishment.
"Pero kahit ganon, Andrea...mahal na mahal parin kita. Sana ganoon parin ang nararamdaman mo para sa akin. Sana di nagbago. Sana...walang nagbago."
That was Yuo's last words before he fell asleep.
**
#YuoRea or #TriRea
Pero mas bet ko si Yuo.
Comments. Comments. Comments.
Vote. Vote. Vote.
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
General FictionWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.