Short Story

10 0 0
                                    

Andrew's POV

"Hello iho? Napatawag ka?" Sagot ni Tita Emily sa tawag ko.

"Ti-tita. Wag... po sa-sana kayong ma-magalit" na uutal kong sabi.

"Bakit? Anong problema?" nag-aalalang sagot ni Tita.

"dito ko... na lang ho.. ipapaliwanag. Nandito ako sa ********* Hospital." Sabi kong umiiyak.

"cge papunta na kami." Sabi niya halatang nagmamadali.

Pagkadating nila tita ay sinalubong ko na sila.

"Iho. Bat may sugat ka? Nasan si Ellah?" Sabi niya na nag-aalala.

"Tita sorry. Sorry po talaga. I tried to control the car and nag brake ako ng nagbrake pero the car loose its control. And.. and Ellah's in.. critical stage. Sabi ng doctor kailangan daw ng eye surgery. Sa madaling panahon. Kung di mabubulag siya panghabangbuhay.

"Kailangan daw natin ng eye donor in 2 - 4 weeks para maoperahan na siya sa lalong madaling panahon. For now she's still in comma." Explain ko kay tita. "Sorry po talaga tita. Ginawa ko lahat para lang mailigtas siya pero.... wala eh palpak.. gago ko.. ahhh" dagdag ko habang sinasabunutan ang sarili ko.

"Wag mong sisihin sarili mo. May dahilan bakit nangyari to.." mahinahong sabi niya pero mangiyak ngiyak.

Wala na akong masabi kaya niyakap ko na lang si tita.

"Bukas tita promise ihahanap ko si Ella ng donor." Sabi ko habang yakap parin siya.

"Salamat Andrew. Tutulungan kita maghanap." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya...

Pagkagising ko kanina'y nagsimula na naman akong maghanap ng donor. Its been 2 weeks since the car accident. Pero wala parin. Minsan na isip kong gumive up.

Pero di pwede kasi nangako ako sa sarili ko at sa kanyang gagawin ko lahat gaano man ito ka hirap o kadilikado.

Nandito ako ngayon sa ***** ***** Hospital. At naghahanap ng donor.

"ahh excuse me pwede pong magtanong?" tanong ko sa nurse.

"ahh yes sir ano po kailangan niyo?"

"may donor ba dito ng mata?" deritso kong sabi.

"ayyy sorry po sir pero wala po kasing donor ng mata ngayon. Mahirap maghanap ng eye donor sir.."

"ahh ganon po ba sige salamat po."

Lumabas na ako at napaupo sa hagdan ng hospital. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa halos lahat na ng hospital dito sa Bulacan nalibot ko na. Pero wala parin.

Alam ko na. Sana compatible sa kanya ang mga mata. Kaya walang pag-aalangang dumiretso ako sa hospital.

Emily's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ellah at nagbabantay sa kanya. Ng biglang pumasok ang doctor.

"Misis good news po." Sabi ng doctor na nakangiti.

"may donor na po ba?"

"opo, misis"

Naiiyak na ako. Hay salamat naman. Di na ako makapaghintay na tawagan si Andrew.

Pero di niya sinasagot.

"Misis dadalhin na po namin siya sa operating room." Pagpapaalam ng doctor

"sige po." Sabi ko na lang.

Nangmakalabas sila ay sumunod na din ako para tignan ang operation. I really can't wait.

Ellah's POV

Nagising ako sa isang puti na kwarto na nasagilid ang mama ko. Kaya ginalaw ko siya para gumising.

"M-Ma" sabi ko medyo nanunuyo na ang lalamunan.

"hmmm" sabi niya at bumangon. "E-Ellah." Dagdag niya at niyakap ako.

"What Happened?" pilit kong sabi kaya binigyan niya ako ng tubig para makapagsalita ng maayos.

"Nagkacar accident kayo. Wait tawag lang ako ng doctor."

"Mom. Wait. Where's Andrew?" tanong ko bigla.

"After your operation, di na siya nag paramdam. Pero sabi ng doctor siya daw ang nakahanap ng donor ng mata mo kasi napasukan ng mga bubug ng salamin ang mata mo kaya nag under go surgery ka." Papa labas na sana siya ng biglang lumingon siya muli.

"Siya nga pala anak may mga pagkain diyan. And the doctor said before Andrew left he left a letter for you. Di ko na ginalaw kasi alam kong para sayo yan. Na sa drawer lang yun."

"Thanks, Mom." Pagkalabas ni mom hinanap ko agad ang letter na sinasabi niya na nasa drawer lang katabi ng bed ko.

I found an envelop kaya kinuha ko ito. And yes I was right it was the letter. Binuksan ko ang envelop at binasa ang letter

Dear Ellah,

Unang una I wish you will read this letter. And once you read this you wont probably see me at your side that time or ever again. I wish you're safe now. Lumayo na ako para di na kita madisgrasya pa. Dahil sa 'kin muntikan kanang mabulag. Kaya nong di ako makahanap ng eyes donor nawawalan na ako ng pag-asa. At ginawa ang last choice ko.

Sana maging masaya ka sa bagong pares ng mata. Punong puno yan ng pagmamahal ko. Kaya sana alagaan mo. Di mo man ako makita maaalala mo na man ako dahil sa mata. Sana sa ginawa ko mapapasaya kita ng sobra sobra. Gaya ng pagpapasaya mo sa 'kin.

Alam mo namang mahal na mahal kita. Pero lalayo ako dahil di ko kayang harapin ka. Wag mo na sana akong hanapin pa pagpakasaya ka. Wag mong sayangin ang oras mo para sa akin tulad nuoon. Buksan mo muli ang puso mo. Magmahal ka ng iba na mas deserving pa kay sa sa akin. Alam kong mahirap ang pjnapagawa ko pero dapat kakayanin mo para mapaligawa mo muli ang sarili mo.

Thank you sa memories sa kabaitan mo sa mga lambingan natin. Sa lahat lahat na ginawa mo para sa akin. Sa lahat ng sakripisyo mo. Sa pasensyang binigay mo. Sa pag iintindi mo kahit sakit ako sa ulo. Sorry din sa lahat na ginawa kong mali sa pagpappasakit ng puso at utak mo. Sorry din sa lahat na maling disiyon ko sa buhay. Pero alam mo? Sa kabila ng lahat pinatawad at minahal mo parin ako ng sobra sobra. Kahit alam ko namang di ko deserve.

Kung magtatanong ka bakit ko to nagawa ang sulat na to. It's because the doctor gave me time. And kung magtatanong ka kung bakit nagawa ko to lahat. Ito sagot walang halong bola..

DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA, ELLAH GAYLE SANCHEZ.

Yan ha walang halong bola yan. Hahaha totoo na tong nararamdaman ko before I only liked you that's why di ko maipakita ang gusto mong ipakita ko but now that I loved you, di naman pwede kasi nga bulag na ako. Mas mapapahirapan pa kita. Kaya ako nang lumayo.

Sana maging okay ka at maging compatible ang eyes ko sayo.. ayy syempre maging compatible yan gaya nalang ng natin compatible na compatible sa isa't isa. Kaya nga lang, sabi ko nga kanina bulag na ako. Kaya live life to the fullest Cause YOLO.

Laging tatandaan mahal na mahal kita at wala nang ipapalit pa.

Nagmamahal,
Andrew Gabriel Mendoza. ❤❤💋

To be Continued

Perfect Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon