Prologue

5 0 0
                                    


Mainit na sinag ng araw ang bumungad sa aking mga mata pagkagising ko. Masakit rin ang ulo ko, siguro ay dahil sa hangover.


*Tok tok tok*

"Ate, dinalhan kita ng agahan." Narinig ko ang boses ng kapatid ko mula sa labas. Aish. Ako dapat ang nag-aasikaso sa kanya, pero baliktad ang nangyayari.

"Pasok Melay, bukas yan." Sagot ko sa kanya at narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ate naman, nag-inom ka na naman. Ano bang problema? Nag-away ba kayo ni kuya Vlad? Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita ah. Andito naman ako para sa'yo kung may problema ka." Tuloy-tuloy niyang litanya habang papalapit sa akin.

"Wala kaming problema. Pasensya ka na bunso ha, napapasarap sa gimik si ate kaya napapadalas ang inom, hayaan mo, hindi na mauulit." Dahilan ko para hindi na siya mag-alala. Gimik? Hindi naman ako pala-gimik, pero mas gugustuhin ko nang yun ang isipin niya kesa ang malaman niya ang totoo kong problema.

"Sigurado ka ba ate na nagsasabi ka ng totoo? Basta, lagi mong tandaan na andito lang ako ha? Kahit naman boto ako kay kuya Vladimir, ayoko pa din na masasaktan ka niya." Nakita ko ang bahagyang pagsimangot ng kanyang mukha sa sinabi niya.

"Ano ka ba, wag mong sisihin ang kuya Vlad mo. Busy lang yun kaya hindi na nakakadalaw dito, sabi ko nga sa'yo, napapagimik lang talaga ako sa mga katrabaho ko. Sus, namimiss mo lang siguro ang kuya mo. Hayaan mo, sasabihin ko sa kanya na dumalaw na ulit dito." Ngumiti ako na bagamat pilit ay hindi ko na lamang pinahalata para hindi na siya mag-alala.

"O sige na. Maiwan na kita ate. Aalis ka ba ngayon? Bat di ka na lang muna magpahinga?"

"Kailangan bunso, alam mo na. Sige na. Mag-ayos ka na rin para sa eskwela. Salamat sa almusal bunso. I love you." Nais ko mang maluha ay pinigil ko na lang. Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na siya ng kwarto.

"Kailangan, kailangan kong gawin ang lahat para bumalik sa akin si Vladimir. Hindi ako naniniwalang hindi na niya ako mahal. Alam kong may dahilan lang siya. Maaayos pa namin to."Pagkausap ko sa sarili. Kinain ko na ang pagkain at mabilis na naligo at nagbihis. Hindi ko alam kung anong mangyayari s araw na ito ngunit ayaw kong sumuko. Ayokong tumigil sa pag-asang maaayos pa namin angaming relasyon.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang sinabi niya sa akin na gusto na niyang tapusin ang lahat sa amin. Labis akong nagtataka sa biglang pagbabago niya at ang kanyang pakikipaghiwalay ang pinakahindi ko inaasahan sa lahat.



*Kring Kring*

Uh, si Vlad? Napangiti ako ng makita ang pangalan niya sa screen. Excited kong sinagot ang phone.

"Hi babe!Napatawag ka? Missed me already?" Masigla kong bungad sa kanya.

"Let's meet. Harbor Plaza, 7pm."Seryoso niyang sabi.

"Oh? Why so serious babe? Nahihiya ka pang aminin na miss mo ko. O sige po mahal ko. Mag-aayos na ako. See you!" Napangiti ako kahit pa hindi niya naman yun makikita. Napakamahiyain talaga ng fiancé ko minsan. Yes, fiancé ko si Vladimir San Joaquin, he proposed to me on our third year anniversary two months ago. Haaay! Ako na ang pinakamaswerteng babae dahil papakasalan niya ako.

"Sige, take care."Hmm? Nagtaka ako sa lamig ng pagsasalita niya. May problema ba? Tatanungin ko na lang siya mamaya kapag nagkita na kami.

"Okay babe. Bye, I love—tut tut tut" You. Binaba na niya ang telepono. Nagtataka na talaga ako sa pakikitungo niya. Nanlalamig na ba siya sakin? Tsk. Ano ba itong pinag-iiisip ko. Inalis ko ang alinlangan sa isip at mabilis nang naghanda. Miss na miss ko na din siya, kahit pa nga magkasama lang kami kahapon. Hihihi.

Desperate OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon