"I don't have time for that," sagot ko tapos shot ulit. B*tch Day ngayon! Mag-inuman tayo! Pinagbubuksan na din namin yung mga pulutan naming junk foods.
"You don't have time or you just really want to avoid me?" tanong n'ya.
"Both," maiksi kong sagot. Honest ako eh. Pag nakakainom talaga nagiging honest eh, lumalakas yung loob.
"Look, kung yung tungkol toh sa nangyari kanina sa--"
"It has nothing to do with anything," putol ko, medyo napalakas yung boses ko kaya napatingin sa'kin yung tatlo naming roommates pero nginitian ko sila kaya hindi na nila ako pinansin, kwentuhan ulit.. "And why the hell do you need to explain?"
"Because you're mad," sagot naman n'ya, truthfully. So kapag hindi ako galit hindi s'ya mag-i-explain?
"Yes, I am mad. But then I guess I have no right to feel this way. I'm not your--"
"Yes, you are," sabi n'ya. Nafi-feel ko na mapuputol na yung pasensya n'ya sa'kin. Eh bakit, sinabi ko bang tawagan n'ya ako?
"Shut up, okay?" sabi ko, kung naiinis na s'ya, mas lalo naman ako.
"Let. Me. Explain," sabi n'ya, slowly. Madiin.
"I'm tired of this game we appeared to be playing," sabi ko. Anung ie-explain n'ya? Na sinasakyan n'ya lang yung pambubuyo sa kanya ng mga co-professors n'ya? Ano sila? Highschool?
"We're not playing anything," sabi n'ya. Ayan na, malapit na s'yang sumabog. Mauuna pa yata toh sa Taal na sumabog eh. Ano, sisigawan mo ko?
"Eh ano palang ginagawa natin?" tanong ko pero statement talaga yun. Curious lang ako kung anung isasagot n'ya.
"I love you and you know that," sabi n'ya. Eh, ang lapit naman pala ng sagot mo sa tanong ko eh.
"No. I don't know that," sabi ko. "You love fooling around with me. You love throwing me sweet words and then when I fall in your trap you suddenly leave me hanging--"
"Bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin?" tanong n'ya.
"May dapat pa ba 'kong paniwalaan sayo?" balik-tanong ko naman. Alfred, kung makakaligtas ka sa pagputok ng bulkang Taal, hindi sa pagputok ng galit ko. Ibahin mo ko, beybe.
"Get out of your room and meet me at the diner, yung kinainan natin kanina," utos n'ya. Boss?
"I'm not going anywhere with you," sabi ko.
"Lalabas ka dyan sa kwarto n'yo o pupuntahan pa kita?" pangba-black mail n'ya.
"Do you always boss around like--"
"I'll be waiting for you," sabi n'ya tapos in-off n'ya na yung phone. Hindi pa ko tapos magsalita di ba? Tapos magha-hung up agad-agad?
Nakatitig ako sa cellphone ko nung magsalita si Jen. "Anung sabi?"
Nakatingin silang lahat sa'kin. Alam ni Jen na si Sir yung kausap ko pero yung tatlo naming ka-roommate, walang kaalam-alam at diretso lang ang inuman. "Kakausapin n'ya daw ako sa labas."
"O? Eh, ano pang hinihintay mo? Eh di lumabas ka na," sabi ni Jen tapos tinulak-tulak pa ko sa upuan.
"Sira ka ba?" sabi ko.
"Bakit? Natatakot kang makipag-usap?" tanong n'ya.
"Ako? Takot? Duhh," sabi ko. Nakakaraming shot na ko. "Hindi ako takot na makipag-usap. Takot akong maamoy n'ya na amoy alak ako. Yari tayo."
"Eh di wag kang magpaamoy," bulong ni Jen.
"Ewan ko sayo. Basta ayaw kong lumabas," sabi ko.
"Magtoothbrush ka na! Sigurado akong hindi ka makakabalik sa kwartong toh ngayong gabi ng hindi ka n'ya naki-kiss," sabi ni Jen. Nagbubulungan lang kami.

BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...