The Rain

3 0 0
                                    

*bsksndksidndldndod*

Umuulan na naman. Hahaha wala pa naman akong dalang payong. Pwede din nating sabihin na hindi talaga ako nagdala haha. Nitatamad ako eeeh haha.

"Camille yung crush mong masungit at mukhang bakla oh."sabi ni Donna

Nilingon ko naman yung sinasabi ni Donna at dadaan nga si Doc Aronn na crush ko bwehehe.

"Gwapo no? Yun bang ang tangkad niya tap--sandali ngaaa! Anong mga pinagsasasabi mo na masungit at mukhang bakla si Aronn? Ang gwapo kayaaaa. Porket di ka pinapansin ng crush mo na si Mark. "

"Sige, sige ipamukha mo pa. Ipamukha mo pa na hindi ako pinapansin. Anyway,may dala kang payong? Umuulan oh. "

"Bwehehe wala eh, nitatamad akong magdala kanina. Yae mo na, masarap kaya magpaulan. "

"Tsk tsk ang kulit mo din eh no? Paano kung magkasakit ka? Eh di hindi mo nakita crush mo? "

"Anla hayaan mo na. As if he cares naman kung magkasakit ako. "

Tumahimik muna kami ni Donna. Syempre naman no, matatapos ba kaming kumain kung magdadaldalan lang kami? Syempre hindi kaya tumahimik muna kami hahaha. Habang nakain nga kami, nakita ko na pabalik na si Aronn. Mukhang tapos na siyang bisitahin yung patient niya, meaning baka tapos na din duty niya.

Pero dumaan muna siya sa station namin at kinausap si Donna. May sasabihin or ihahabilin ata. Ayaw ko namang maging chismosa kaya di na ako nakinig haha.

Pagkatapos kong kumain, inayos ko na yung gamit ko. Tapos na kasi ang shift ko.

"Camille, aalis ka na?"tanong ni Donna nang mapansin niya na paalis na ako.

"Oo eh, baka kasi mas lumakas pa ang ulan."

"Nga pala, mag-ayos ka naman bago ka umalis. "

"Huh? Bakit naman? "

"Wala lang, malay mo magkita ka ng boylet diyan haha. "

"Hahaha baliw mo. Sige na alis na ako."

Naglakad na ako palabas ng hospital. Napadaan pa nga ako sa office niya. Nag aayos pa lang siya ng gamit niya.

Nakalabas na ako. Nagpunta ako dun sa may tabi ng daan para mag-abang ng sasakyan. Dahil wala akong dalang payong,medyo nababasa na ako.

"Uhmmm, miss nababasa ka na oh." Napalingon ako. May lalaki na yeah may itsura siya, may dalang payong at medho sinukob niya ako."Gusto mo sumukob?"

"Uhmmm sige--------"

"Sa akin siya susukob so pwede ka ng umalis. Tsk."

⊙_⊙ S-si Aronn. Ang cold ng pagkakasabi niya nun dun sa lalaki kaya napaatras siya at nagpaalam na sa akin.

"Ano bang kabaliwan yan? Gusto mo bang magkasakit? Tsk. Nurse ka pa naman."sabi niya.

Wala pa rin akong sagot. Nasa state of shock pa rin kasi ako. Napansin ko lang na nakasukob na ako sa payong niya pero naiilang ako kaya medyo naipod ako. Nababasa tuloy ako.

"Lumapit lapit ka nga dito. Nababasa ka na oh. D naman kasi waterproof yang balat at gamit mo eh. Bakit ba wala kang dalang payong?"

"Nakalimutan ko eh. Hehe."

"Aish! Buti na lang natanong ko kay Donna. Eh bakit ba kasi kinalimutan mo? Paano na lang kung magkasakit ka? Eh di hindi kita makikita dito? Bakit ba ang baliw mo. Pati ako nababaliw na din. Bakit ba kasi ganto ako? Bakit ba tinamaan na ako sayo? "

**************
Yey! Hahaha pagtyagaan niyo na po. Kaway kaway kay Ate Camille na nag-asikaso kay Tito Aronn. Saka kay Ate Donnalyn Bartolome bwehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon