24 - Knight and Shining Armor

2.6K 67 0
                                    

~ NICA ~

"Papa!" pasigaw kong tawag sa tunay kong knight and shining armor - si Papa. Simula pa noong bata pa ako, siya na talaga ang super hero ko. Tinutulungan niya ako pag ako'y nadapa; pinapatahan pag ako'y umiiyak; at nililigtas ako pag nasa peligro. Proud akong maging anak niya at proud din akong sabihin na isang ako prinsesa dahil hari ang papa ko.

"Huwag ka na matakot Trix, nandito na sa Papa." sabi niya. Naalala ko tuloy yung mga moments na nagagalit ako kay Mama pero laging nandyan si Papa para itama ang lahat. "Okay Pa! Ako pa." sabi ko.

Pumasok ang apat na pulis sa bodega, lahat sila nakatutukot ng baril. Si Yvonne naman, di na gumalaw. "Search niyo yung area." utos ni Papa sa mga kasama niya. Binaba ni Papa ang baril niya at binalik sa lalagyan. In-untie niya yung mga lupid sa kaliwa kong braso, agad agad niyakap ko siya.

Haaay ang sarap ng feeling - si Papa nasa kaliwa ko, kayakap, at si Dustin nasa kanan ko naka holding hands. Kami lang yata ni Dustin ang nakaranas ng HHWK o ang Holding Hands While Kidnapped. "Okay lang ako Pa. Napa-okay." sabi ko.

Sunod niya in-untie yung nasa gitna. "Trix, wala na yung tali, alis ka na diyan." utos ni Papa. Ay! My bad, nakahawak pa rin pala kamay ko sa kanya. Pagputol ni Papa sa tali sa kanan ni Dustin ay agad siya tumumba, kaya agad namin siyang sinalo.

"Hoy!" rinig kong sigaw ng isang mamà na sa pagkakita ko ay may dalang bakal na pahampas sa ulo ni Papa. At bang, may bumaril kay Dodong - si officer Ramon na kasama ni Papa. "Salamat ah. Sige na Ramon, tulungan mo ako dito, dalhin natin sila sa ambulansya." utos ni Papa. Lumapit si Ugok at bigla akong binuhat. "Hoy!" hampas ko sa kanya "Okay lang ako." sabi ko. "Tulungan mo nalang si Papa sa babe ko." utos ko kay Ramon. "Babe mo?" gulat niya. "Oo, bakit? Selos ka?" tanong ko. Parang na asar yata at di na ako sinagot, tinulungan nalang niya si Papa.

Sa labas ng bahay, pinasok nila si Dustin sa ambulansya. "Pa, sama ako kay Dustin." sabi ko. "Oh, akala ko bang okay ka lang... Napaka-okay?" tanong niya. "Ahh ehhh hindi, joke lang yun. Masakit tiyan ko, need ko ng ICU." sabi ko. Ay teka! Ano ba yun, grabe yung ICU. "Sige." payag ni Papa. "Ramon, samahan mo sila sa ambulansya hanggang sa ospital, huwag mo silang iwan hanggang sa di ako bumabalik. Tutulungan ko pa yung kasama nating nasa loob." utos ni Papa. WHAT KASAMA SI RAMON. PANIRA MOMENT TONG SI PAPA. "Papa, okay lang pala ako. Maglalakad lang ako pauwi." sabi ko. "Huwag na Nic, samahan na kita sa ospital." sabi ni Ramon. May pa Nic Nic pang nalalaman. "Sige na, sasamahan kayo ni Ramon." sabi ni Papa tas nagkiss. UGHHHH.

Sa loob ng ambulansya, nakahiga si Dustin, may dextrose na nakakonek. May isang nurse kaming kasama na busy sa pagcheck kay Dustin. At ako? Pwee kadiri nitong front view ko, si Ramon. "May problema ba, Nic?" tanong niya. "Hinostage kaya ako kanina, tas tatanungin mo ako kung okay ako? Langya." sabi ko. "I mean, sa'kin. May problema ka ba sa'kin? Para ka kasing umiiwas sa'kin eh." sabi niya. Aweee kawawa si manyak, manhid. Di niya ba talaga alam kung bakit ayaw ko sa kanya? Snobber na, malaki pa ang ulo tsaka napakafeeler pa.

Nakarating kami sa ospital at yun nga, as expected, sinugod siya. Tinawagan ko si Mama at sabi ko, okay lang ako, di na siya kailangan mag-alala.

Habang hinihintay kong lumabas ang doktor ni Dustin, umupo muna ako sa labas ng kwarto at nagmukmuk. Teka! Si Ayra pala. NAKALIMUTAN KOOOOOO.

"Parang ang laki ng problema mo Nic." sabi ng ugok, sinundan niya pala ako. "Baka sabihin mong stalker ako, inutusan lang po akong bantayan kayo." dagdag niya tas umupo sa tabi ko. Di na ako pumalag, wala akong time. Iniisip ko si Ayra.

Bestie, sana okay ka la—

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon