Chapter 34

984 46 3
                                    


Tokyo, Japan

Kerk's Residence

6:45 pm

Tumungo sa akin ang mga tauhan naming bilang paggalang sa akin. "Maligayang pagbabalik po, Master Kerk." Ngumiti lang ako sa kanila at nagtuloy sa pagpasok ng bahay at naabutan ko sila mama, papa at sesshi na nag-uusap sa living room.

Agad na nagtatakbo papalapit sa akin si Sesshi at niyakap ako. At nang umalis na siya sa pagkakayakap sa akin ay halos hindi na ako makatingin ng diretso kay mama.

"Salamat at nakabalik kana." Wika sa akin ni Mama atsaka niyakap ako at sa bawat paghaplos ng kanyang kamay sa aking likod ay ang sabik na sabik na mahagkan ako.

"Hindi namin nagustuhan ang biglang pagtalikod mo sa amin bilang magulang mo. Nagawa mo kaming ipagpalit sa isang babae. " Mangiyak-ngiyak at halatang may pagkatampo sa kanyang boses.

"Sorry, Ma. Kailangan ko po kasi siyang alagaan dahil ako ang dahilan ng pagkacomatose niya. Ipagpaumanhin niyo po ang pag talikod ko sa inyo. Sana po naiintindihan niyo ako.."

"Kerk..gusto ko mang intindihin subalit hindi lang ang babaeng iyon ang may kailangan ng pangangalaga mo. Kailangan ka ng pamilya natin, kailangan mong pangalagaan ang nasasakupan ng pamilya natin dahil ikaw lang ang inaasahan namin. Batid ko na alam mong nangnganib na tayo sa mga kalaban.." Sagot ni mama atsaka pinahid ang tumulong luha. Napatungo lang ako sa sinabi ni Mama.

Nalulungkot din ako sa mga panahong hindi ko na sila kasama pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang manatili sa tabi ni Terra. Napatingin ako kay papa na hindi man lang ako sinusulyapan.

"Kunin mo nga kerk ang tungkod ko." Utos ni papa. Binaba ko na ang aking mga gamit at sinunod ang utos niya. Pagkaabot ko sa kanya nun, bigla niya akong hinampas sa likod.

Masakit subalit pinili kong manahimik at hintayin ang susunod pa niyang paghampas.

"Bakit ngayon ka lang? Kay tagal kitang pinapauwi ngayon ka lang dumating. Wala kang kwenta. Walang nag-aasikaso dito kundi ako lang. Hindi mo man lang ako matulungan. Ang kapal ng mukha mong bumalik pa ditong hayop ka." Sigaw ni papa sa akin. Sa galit niya inutusan niya ang katulong na kunin ang latigo at..

"Lumuhod ka!" utos ni papa na siyang ginawa ko.

Sa bawat paghampas niya sakin ay para akong bumabalik sa unang beses na nagkakilala kami ni Terra. Hanggang sa maging katulong ko siya. Hanggang sa dumating sa mapoot na pangyayari. Hanggang sa magising siya. Hanggang sa pangyayaring ito. Parang bigla akong lumutang mula sa pagkalunod.

Tumutulo na ang dugo sa aking braso at hindi pa rin tumitigil ang aking ama. Nararapat lang itong parusang ito sa akin. Sa pang-iiwan ko sa kanila. Sa hindi ko pagbalik. Nararapat sa akin ang parusang ito.

"Pa, Tama na!" sigaw ng kapatid ko habang umiiyak. Niyakap ako ng kapatid ko na siyang sumalo sa sakit na hampas ng latigo.

"Umalis ka diyan. Hindi ko gusting masaktan ka ng dahil sakin. Umalis ka." Sabi ko sa aking kapatid at tinulak siya papalayo sa akin sa takot kong matamaan na naman siya ng latigo. Pinunasan ko ang dugong tumulo sa aking bibig.

"Sabihin mong hindi kana babalik sa Pilipinas, sa babaeng 'yon!" Galit na wika ni Papa

"Sabihin mo!"

Ayoko.

"Kuya, sabihin mo na para hindi kana masaktan." Tumutulo ang luha na wika ni Sesshi.

Pero matigas pa rin akong nakatingin sa ama kong patuloy ang paghampas sa akin. Kahit patayin mo ako ngayon, hindi ko susundin ang sinasabi mo.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon