Chapter 1

30 6 11
                                    

Chapter 1-  Memories of the Past

"Hoy, Alice ano tutunganga ka nalang ba dyan? Naku tumatakbo ang oras, halika't bilisan na natin at maiwan pa tayo ng bus.."

Rinig ko ang mga reklamo ni Auntie Mendes pero wala ang atensyon ko sakanya kundi sa malaking paaralan na nasa gilid ng hintayan ng bus. Kaya tuloy...

**paakkkkk***

"Awwww.... Auntie naman eh!!" Angal ko sabay himas ng ulo ko.

Sakit kaya manapok ni auntie . -__-

"Hala eh kung hindi pa kita nasapok diyan edi nagkaroon ka na ng stiff neck kakalingon sa dati mong paaralan?!"Singhal sakin ni Auntie sabay kaladkad sakin papunta sa bus.

Napayuko na lamang ako sa narinig.

"May mami-miss ka ano? Eh akala ko ba ikaw ang nagpilit sa mama mo na ilipat ka ng paaralan sa Manila agad-agad? Ba't parang nagsisisi ka ata?"sabi ni auntie sabay upo niya sa tabi ko. Nasa bintanang bahagi kasi ako ng bus nakaupo at hanggang ngayon tanaw ko parin ang paaralang iyon.

"Hay *sigh* hindi naman po sa ganoon. Wala po akong pinagsisisihan sa desisyon kong ito. Mixed emotions lang siguro" sabi ko sabay malungkot na tumingin sa labas ng bintana.

Wala nakong iba pang narinig na sinabi ni Auntie . Tumahimik na yata.

Muli kong tiningnan ang lugar kung saan nangyari ang lahat. Lugar kung saan ko siya minahal, unang pangyayari rin kung saan nasaktan ako ng todo-todo dahil sa pagmamahal na iyon. Ang tanong pinagsisisihan ko ba?

Flashback

Ang simoy ng hangin. Ang gan-

"Alice!"

Huh?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bigla nalang.............

May naramdamang nakayakap sa likod ko.

Dub dub dub dub dub

"Ren?" Tawag ko sabay tingin sa likod ko.

"hmmm?" Nanlamig ako ng maramdamn ko mainit na hininga niya sa tenga ko.

Shit. "Ah- wala." Napatahimik nalang ako.

"ano nga palang sasabihin mo saakin?" tanong ko sabay hiwalay sakanya

"Kami na" sabi nya saby ngiting-ngiti sa harap ko

napawi yung ngiti ko nang marinig ko yun

"Kami na ni Jasmine! Girlfriend ko na siya, whoo ang saya ko!!!" sigaw niya sabay yakap sakin, ramdam ko yung saya niya.

Huminga muna ko nang malalim bago nagsalita

"Masaya ko para sayo Ren, hehe sa tinagal-tagal mo siyang linigawan napasagot mo na rin siya" Sinubukan kong magmukhang masaya sa harap niya. Ganun naman talaga eh diba?

"Magkikita kami mamayang uwian. Sorry ha, hindi ako makakasabay ngayon sayo."sabi niya na parang hiyang-hiya.

Naiinis ako, masyado kasing clueless si Ren sa feelings ko para sakanya kaya nasasaktan ako ng sobra. Pero in the first place kasalanan ko rin naman to hindi ko sinabi sa kanya ng mas maaga.

"Ano ka ba, Ba't ka nagso-sorry? Eh dapat lang yun kasi kayo naman magboyfriend-girlfriend eh hindi naman tayo." Sabi ko sabay talikod pakiramdam ko kasi tutulo na luha ko.

"Hehe, oo nga naman"

Naiinis ako sa sarili ko, sa lahat-lahat ng tao, mahuhulog pa ang loob ko sa taong malapit sa akin at sa bestfriend ko pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon