Chapter 56: Childhood Friends

110 5 0
                                    

Rebecca's POV

"Let's all welcome Mr. Blue Prince Torres and Mrs. Princess Torres!" Host

Nagpalakpakan kaming lahat sa pagpasok nila kuya sa reception.

Nasa reception na kami ngayon pagkatapos ng kasal nina kuya Blue at ate Princess.

Kitang-kita kay kuya na masaya siya. In love talaga kay ate Princess.

Pagkatapos ng kasal at salu-salo nila, pumunta na sila sa airport para sa byahe nila papuntang Singapore. Doon daw ang honeymoon nila.

Nasa bahay na ako at kakatapos ko lang magbihis ng pambahay.

Tumunog ang phone ko.

TJ calling...

Dali-dali kong sinagot ang tawag.

"Hello?" Ako

"I miss you, Ree!" TJ

Napangiti ako.

"Kamusta ka na jan?" Tanong ko

Nasa France si TJ ngayon. Matagal na siyang nasa France. Pagkauwi namin noon galing sa resort nila sa Tagaytay, may natanggap siyang email galing sa isang sikat na journalist sa France at pinapunta siya dun para magexhibit ng arts niya. Nagalingan kasi sa mga gawa ni TJ. Hindi naman maka-hindi si TJ kasi isa sa pangarap niya ang maging isang sikat na artist sa buong mundo at dahil sikat na siya sa Pilipinas, next country niya ang France.

Hindi rin siya nakapunta sa kasal ni kuya Blue at naintindihan naman yun ni kuya.

"Hindi ako okay." TJ

"Bakit naman? May problema ba jan? Hindi ba nila nagustuhan ang mga gawa mo?" Ako

"It's not about my work. Sobra na talaga kitang namiss eh." TJ

"Hahahaha.. Wag mo nga akong isipin masyado. Baka makasama sa trabaho mo." Ako

"Hinding-hindi ka makakasama sa trabaho ko. Alam mo yan kasi lagi ko yang inuulit sayo. Alam mong ikaw ang isa sa inspirasyon ko." TJ

Kinikilig na naman ako.

"Namumula ka na naman sa kilig." TJ

"Para namang nakikita mo ako noh?" Ako

"Ramdam ko. Hahahaha.. Wala namang nanliligaw sayo jan diba?" TJ

"TJ, wala nga sabi. Kakasabi ko lang sayo kahapon." Ako

"Mabuti na yung sigurado. Natanggap mo ba yung pinadala kong flowers at chocolates?" TJ

Nililigawan pa rin ako ni TJ at mas lalo akong naniniwala na totoo niya akong mahal. Ginagawa niya lahat, mapasaya lang ako.

"Oo. Thanks pala dito." Ako

"Yung stuff toy pala, natanggap mo rin ba?" TJ

"Walang stuff toy." Ako

"Hah? Bakit wala?" TJ

"Ewan ko." Ako

May kumatok sa kwarto ko.

Pagbukas ko, si mama, may dalang napakalaking stuff toy.

"Hinatid nina Kim at Ricco. Nakalimutan daw nilang ibigay kanina. Hindi na sila pumasok kasi may lakad daw sila. Galing daw yan kay TJ." Mama

"Salamat ma." Ako

"Sagutin mo na." Mama

Nginitian ko si mama at umalis na siya.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon