Chapter 2

29 2 0
                                    

Jagger's POV

"Imba yung babae kanina pre. Chicks pa."

Napalingon ako kay Yuan na tinutukoy ang babaeng nambara sa'min kani-kanina lang.

"Hoy ungas! Kesa mamroblema ka dyan sa babae, mamroblema ka nalang muna kung anong ipapaliwanag natin kay Primo."

Sa bagay, imba naman talaga yung babae kanina. Biruin mo, perstaym may umisnob sa kagandahan ng pagkalalaki ko? Shyet lang. Na-challenge naman ako ng mga 0.001% haha.

"Sinong may sabing nagka-problema ako sa babae? Putspa pre. 'Di ako nauubusan ng supply 'nun. Baka gusto mo, mag-donate pa 'ko sa'yo."

Umakbay nalang siya bigla sa'kin saka ako kinindatan. Nyeta! Dali-dali kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Nakakasuka!

"Anak ng! Bakla ka ba?!" Singhal ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami dito sa mall.

"Ang sabihin mo, nababakla ka na sa'kin pre. Sows! Maka-deny ka rin eh no!"

Umiling nalang ako at 'di na siya pinatulan pa. May kalawang na yata isip nito kaya pagbigyan ko nalang. Tutal, pogi naman ako. Alam kong walang konek pero... pogi lang talaga ako.

"Manahimik ka na nga lang! Nga pala, ang engot mo rin Yuanito eh no! Ba't mo nga ba naisipang hanapin 'yung babae sa men's section kanina?!" Reklamo ko habang naglalakad at ginugulo ng bahagya ang perfectly waxed na buhok ko.

"Malay ko ba kung asan yun. Tsaka bibili rin sana ako ng boxers eh. Sorry naman, gwapo lang. Ba't di nalang kasi si Heath ang tinawagan. Tutal siya naman ang may pinaka-healthy na brain cells."

"Wala si Heath. Nagpapakalasing na yun sa mga librong binabasa niya." Paliwanag ko. Ewan ko nga ba dun kay Heath. Pagbabasa nalang lagi inaatupag. Kaya hindi gumagwapo eh pfft.

"Eh si Blaze at Racer? Petengene. Ba't tayo lang ang nandito?"

"Di ma-contact si Blaze. Malamang tulog na naman yung kutong lupa na yun," Tumigil muna 'ko sa paglalakad at kinuha ang soccer ball na naka-display dito sa may sports gear area, "Si Racer? May karera na naman yun panigurado. Kaya nagmumukhang kabayo eh haha."

Tumawa lang din naman si Yuan habang nilalaro-laro ko ang bola sa mga paa ko.

"Ano pre? Forever nalang tayo dito?"

Nilingon ko si Yuan kaya tumilapon ang bola sa kung saan. Ang malas talag nitong kausa eh.

Iniwan ko nalang siya at agad na sinundan ang direksyon kung saan papunta ang bola. Gumulong lang ito nang gumulong hanggang sa may umapak dahilan para mapahinto ito.

Sinundan ko ng tingin ang paa hanggang sa mapadpad na nga sa mukha.

Anak ng pitumpong tupa!

"Uy! K-Kieran! Primo! Musta? Hehe." Putakte! Nakakabakla talaga pag kaharap si Primo eh. Hoo!

"Hoy Jaguar! Sa'n ka pupunta-- ay hehe ge Jag! Una na'ko!" Bago pa man makatakas ng tuluyan si Yuan, hinila ko na agad yung likurang bahagi ng collar niya.

Hindi niya 'ko pwedeng iwan dito no! Delikado ang gwapong buhay ko pag nagkataon.

"Tss. Where is she? Did you guys find her?"

A Broken Vow [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon