7-Weird?¿?

46 3 3
                                    

**Cris**

"Daddy" napatingin ako kay Crisha.

"Yes, Baby?" nakangiting tanong ko sakanya.

"Ano na nga po palang sunod nangyari sa inyo Mommy noon?" tanong nya.

"Hanggang saan na ba nakwento sayo ng Mommy mo?" tanong ko..

"Nung nasa bahay na po kayo tas hindi nyo tinanggap yung offer ni Mommy" sagot nya.

"Ahh-" putol na sabi ko.

"Pero nakwento na rin sakin ni Tita Ayesh na Joke lang pala yun.. Haha, nakwento rin nga nya na may kaibigan kang dalawang bakla ehhh, totoo po ba yun?"

"Ahhh hahaha, oo sina Tito Nikko mo yun tsaka tito Raf. Alam ko di mo pa sila na memeet ehh. Diba?"

"Hindi pa nga po.."

"Hmm, sige next time. Papakilala ko sila sayo." at nginitian lang nya ako.

~

Kakapasok ko lang sa trabaho ko at agad kong nakita si Chelly.

"Uyy!" sabi nya sakin.

"Uyy, Goodmorning." nagkangiting sabi ko.

"Ayy? Ganda ata ng umaga mo ngayon? Anong meron, huh?" Pang-aasar nya sakin.

"Huh? Anong anong meron? " -ako

"Haha, wala! Oh, ang ganda ng ngiti oh!" sabi nya.

"Ewan."

Agad naman akong nag-umpisang magtrabaho...

Nang mapatingin ako sa pinto..

O.o

Hays, anong ginagawa nya dito?! Tskk, mang-gugulo na naman sya! Pumayag na nga ako ehhh, ano pang kailangan nya?!

Pumunta sya sakin at tinitigan ako. Tas Sa harap pa ng mga katrabaho ko! Tskk. At eto na naman yung.. Ano ba yan.

Okay. Gay mode, on. Tsss.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?!" tarantang tanong ko sakanya. Tapos, ewan ko ba! Bakit di ako makatingin sa mga mata nya.

"Sinusundo ka." plain na sabi nya.

"Huh?! Para saan na naman?! Dami mo na namang alam eh no?!" pasigaw na tanong ko sakanya. Kaya ayun, napatingin na rin samin yung ibang costumers.

"Tskk." tas umalis sa harap ko. At pumunta naman kay Sir Manager.

Kinausap nya ito saglit tas bumalik naman ako sa ginagawa ko.

Nagulat na lang ako nung lumapit sakin si Sir Manager..

"You may now go Cris." sabi nya.

"Huh? Tinatanggal nyo na po ba ako sir?" takang tanong ko. Maiiyak na talaga ako dito kapag sinabi nyang oo.

"No. Haha I mean, You're free now." Ahhhh! Yun naman pala.

"Ahhh, ok po?" takang sabi ko.. At umalis na sya.

Agad namang pumunta sakin si Shasha. Anong problema nito?!

"Halika na?" tanong nya habang nakatingin lang ng seryoso.

"Siraulo ka ba!? Ba't ako sasama sayo?! Baka mamaya kidnapin o reypin mo pa ko!" pasigaw na sabi ko. At sabay hawak sa buong katawan ko.

Wala na kong nagawa nung hinila nya yung braso ko at pinapunta nya ko sa labas ng cafeteria. Lakas nya ahh!

'Our Love Story'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon