Chapter 26 (Youth Summit) *Day 1 pt. II*

136 5 2
                                    

Rain's POV

Fudge. Sobrang malas naman! Akala namin sa hotel na kami magsstay, hindi naman pala. Paasa! Bakit lahat na lang ng tao paasa?! Okay, huwag ka humugot Rain. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang malaking abandonadong bahay. Naoccupy na daw ng ibang grupo lahat ng vacant rooms sa hotel kaya dito ang bagsak namin! Isang oras din ang byahe namin papunta dito. 

"Okay guys! Ganun pa rin ha. Apat na tao pa rin sa isang kwarto" paalala ni Denise sa amin. "Iakyat niyo na ang mga gamit niyo. Unahan na lang sa pagpili ng kwarto. Go!" sigaw ni Denise at nagtakbuhan naman yung mga kasama namin. Okay, ngayon lang ba sila makakakita ng kwarto?

"Hehehe..hello Rain!" 

Napalundag ako sa sobrang gulat ko, si Michael lang pala. 

"M-Michael..bakit?" tanong ko. 

"Hehehe, sana m-malapit yung kwarto mo sa kwarto namin hehehe" sabi niya. Nagtaasan naman lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Myghad! Ano ba 'tong si Michael! Nakakakilabot, promise! 

"Sige pero ano kasi--"

"Hoy Michael!" tawag ni Drake kay Michael at inakbayan ito. Feeling ko mamamatay si Michael sa akbay ni Drake eh. Nauubo ubo na yung tao. Siraulo 'tong si Drake! 

"Bitawan mo nga siya!" sabi ko sa kanya at hinila si Michael paalis sa akbay ni Drake. Papatayin pa ata ni Drake yung tao, kawawa naman. 

"Hehehe..salamat, Rain!" sabi ni Michael at nginitian ko na lang siya. 

"Ako na magdadala ng gamit mo, Rain" sabi ni Drake at hinawakan yung bag ko pero inagaw ko agad yun sa kanya. Ayoko nga. Sabihin pa ng mga tao, ang bilis kong pinagpalit si Ethan. Don't get me wrong, ayoko lang na mas lalo pa akong pag-usapan. Tama na, please. Naiirita na kasi ako. 

"Ako na!" tinaas ko yung dalawa kong kamay. "May kamay din ako kaya ako na. Okay?" sabi ko kay Drake at nginitian ko siya. Ano kayang mangyayari kung nagpapanggap pa din kami ni Ethan hanggang ngayon? ERASE! ERASE! Nababaliw ka na naman, Rain! Kalimutan mo na nga 'yang hambog na 'yan! Sinaktan ka na nga iniisip mo pa! 

Hindi ko sinasadya pero napatingin ako sa kanya at kung mamalasin ka pa talaga, nakatingin din pala siya sa akin. Ang seryoso na naman ng tingin niya sa akin. Bakit ba? Ano naman kung nakakapit sa braso ko si Michael? Oo, nakakapit si Michael sa braso ko. Ewan ko ba dyan, iniintindi ko na lang. Nag-iwas ako ng tingin. Bwisit talaga! 

"Babe, carry my things please?" narinig kong sabi ni Nathalia. AT TALAGANG DITO PA KAYO SA HARAPAN KO NAGLANDIAN HA? Nakakainis! Sana naman nakikita niyong nandito ako. Pasintabi naman diba?! RESPETO naman diba?! Nakakaaburido eh. 

Binuhat ko na yung gamit ko habang nakakapit pa rin si Michael sa kabilang braso ko. Si Drake naman kasabay kong naglalakad at nakikipaglaban ng tingin kay Michael. Kung nakakapatay ang tingin, patay na si Michael hahaha! Si Denise naman, kinawayan na kami mula sa bintana ng napili niyang kwarto. Bago pa man kami makapasok, narinig ko ang usapan nila Ethan at Nathalia. 

"Hey babe! Carry my things!" sigaw ni Nathalia. BABE?! BIIK KA BA? LECHE! BABOY RAMO KA EH! 

"Wala ka bang kamay?" naiiritang tanong ni Ethan. Biglang nagwala yung puso ko sa sinabi niya. Bakit ba ang lakas ng epekto sa akin ng boses niya?! Arrrgh! At bakit ba ayaw niyang buhatin yung gamit ni baboy ramo? Akala ko gustong gusto niya ang babaeng 'yan. Kaya niya nga ako pinaglaruan diba? 

"What? Babe naman eh!" pacute na sabi ni Nathalia. BWISIT TALAGA!

"Sh*t. Get off me!" sabi ni Ethan. Hindi ko na narinig yung mga sumunod nilang usapan dahil umaakyat na kami ng hagdan. Walang elevator, shems. 

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon