Chapter Thirty | Immature One
Jin Revamonte's Point of ViewTumawa ako, "You can always explain Damn." sabi ko dito. Hindi ko alam pero ang tapang-tapang ko ngayon. Naloloka ako sa ugali ko. Sino ba naman diba? Sino naman ata ang hindi masasaktan? When you see someone you love, loving someone behind your back? PLAIN BULLSHIT.
Kasi ang sakit eh, ang sakit sa pakiramdam. Na tino-two-time ka ng taong kakasagot mo lang last May 8. Tapos two weeks palang kayo. Nakakahiya. Nakakatawa. Ang sarap ipa-police si Damn, pero hindi ko magawa sapagkat mahal ko siya. Kasi ano naman ang magagawa ng mga pulis sa kaniya?
But maybe, it's better this way, at least alam kong wala na akong tiwala sa lahat ng mga sinabi niya, kahit na alam kong may tiwala siya sa akin.
Si Theo? Wala lang sa kaniya. Ngumiti pa nga ito sa akin. Ako naman? Eh, ngumiti din sa kaniya. Tapos tingnan mo nga rin naman, pareho pa kami ng damit na binili.
"Alam mo Damn?" Mediyo napasinghap ako ng malakas, 'yong singhap na galing talaga mula sa tiyan ko. Kasi ang sikip-sikip ng dibdib ko eh. Ang bigat na niya, kaya wala na akong lakas para maghigop sa dibdib so sa tiyan na lamang ako kumuha.
"Teka Jin."
Oh, hindi na niya ako tinawag na Jin-Jin. Ang sakit.
"You can explain everything in the air. But not to me. Kasi, hindi na trusted lahat ng information mula sa'yo Damn. Hihingi ka ng second chance?" Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "This ain't popoy and basha love story." I added. Hinila niya ako palayo kay Theo at sa ibang tao. "Ano ka ba?" Sigaw ko dito, maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa.
"Alam mo, sawang-sawa na ako diyan sa ugali mo." Nangangalaiti nitong sinabi sa akin. Napataas na siya ng boses sa akin. Sinabunutan nito ang ulo niya.
"Ako din eh, sawang-sawa na rin ako sa mga pagsisinungaling mo Damn. Ba't mo 'to ginagawa sakin?" Mahinahon kong tinanong sa kaniya.
"Hindi ko alam Jin!" He yelled at me, trying to calm himself. Napapasabunot siya ng ulo atsaka nag ikot-ikot sa lugar.
"Akala ko niyaya mo ako magdate. Double date pala. Pero iba, kasi ikaw lang 'yong lalaki." Sabi ko dito.
"What are you trying to prove Jin? Na nagsisinungaling ako?" Asked Damn.
"Obvious bang hindi?" Tanong ko dito.
"You don't know the whole story Jin!" He yelled again.
"Paminsan kasi Damn, sawa na rin ako na magintindi eh." Parang bibiyak na ang eye socket ko dahil gusto ko nang umiyak.
"Ako rin Jin eh, sawa narin ako sa pagiging tanga mo."
Tanga?
Oo, nga Damn. Tanga nga ako kasi nagmahal ako ng taong may mahal din pala. Pero masama bang magmahal? Kasi lahat lang naman tayo ay naghahangad ng isang tao na magmamahal ng pabalik sa atin eh. Pero bakit iba kay Damn? Nagmamahal siya ng dalawa, Hindi pa ba siya kuntento sa isa?
"Damn, hinayaan kong mapalapit ka ulit kay Theo. bakit? Kasi mahal kita. Pero hindi ko inaakalang mamahalin mo siya."
"Sinabihan na kita noon pa na tanggapin mong, mahal ko pa din siya diba?"
"Pero hindi ganito Damn!" I retorted, still trying to maintain my composure. "Noon pa siya, ngayon ako na ang tangin minamahal mo—ang siya!" Dagdag ko pa habang tinuro ang sarili ko. Nagsimula nang magkumpulan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit mo pa ako minahal? Pinahulog sayo kung alam mo palang mahal mo parin si Theo?"
"Kaya nga Jin eh!"
"Hindi ka ba makakamove-on sa past mo? Please Damn, may present ka na oh. Andito ako." Nasasaktan kong sinabi sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko pero gusto kong ipahiwatig sa kaniya na andito ako. Nagiging martyr ulit.
Noon, nagiging martyr ako dahil sa pambubully niya. Ngayon dahil mahal ko siya. Pero masakit pala na masira ang tiwala mo sa isang tao. Ang sakit.
"Shut up!" Sigaw nito sa akin. "Immature." He added.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa gustong ipalabas, tumulo ito dahil sa sinabi niya sa akin, hindi ko maaakalang sasabihan niya ako ng ganito. Immature, 'yan pa naman ang kahinaan ko. Ang mapag-sabihan ng immature. Ang sakit Damn.
Biglaang tumulo talaga ang luha ko, hindi ko pala alam na humihikbi na ako. Pero nakatingin parin ako kay Damn. Walang bahid ng pagsisisi sa mukha niya, alam kong alam niya na palagi akong nasasaktan kapag pinagsasabihan ako ng Immature. Pero bakit ganito siya?
Dahan-dahan kong pinahiran ng mga kamay ko ang mga luha ko. Hindi na ako naghintay na dumami pa ang mga taong nakatingin sa aming dalawa, ako na mismo ang umalis atsaka naglakad palayo.
Todo parin naman ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa maramdaman kong may nabangga akong lalaki.
"Tito?"
© 050916
BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Novela JuvenilCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...