Chapter 31 - Kin

1.6K 108 7
                                    

Chapter Thirty One | Kin
Jin Revamonte's Point of View

[041420] JUSKO HAPPY 50k READS!


"Panahon na rin naman Jin para makilala mo ang Lolo mo." Sabi sa akin ni Tito habang nagdadrive ng sasakyan nito. Nakaupo ako sa front seat ng kaniyang sasakyan habang nagmamasid sa bintana nito, namiss ko din 'to si Tito eh, kahit na alam ko naman hindi naman ako siguradong Tito ko siya. Deep inside, tinatrato ko siyang isang pamilya. Kasi naging parte na rin siya ng buhay ko.

Hindi ko nga alam kung magiging masaya ba ako o hindi dahil finally makikita ko na ang tanging taong nagbubuhay sa akin. Ang taong may malaking utang na loob ako.

Masaya dapat. Syempre. Dahil noon ko pa 'to inaasam-asam na makita si Lolo. Kahit na alam kong kaka-break up ko lang kay Damn kanina. (Break up ba 'yon? Ewan ko nga.) I am still trying to make myself happy. Putting on a smile and thinking of happy thoughts, diyan ako magaling. Magtago ng dinaramdam.

But my specialty? Hindi natatablan si Tito ng ganito. Kahit na isang taon lang siyang namalagi para alagaan ako, alam na niya kung ano akong klaseng tao. "Jin. 'Wag mo na akong utu-utuin." Sabi niya sa akin nang makita niya akong nakangiti, plastically. So ayun nga napasimangot ako habang tinuon nalang ang tingin sa himpapawid.

"Don't worry. Dadating din ang panahon Jin na magkaka-ayos kayo nun. May mga bagay talaga na hindi pa ma-eexplain sa ngayon pero alam mo?" Tumingin si Tito sa akin.

"Someday, maybe someday. Dadating din ang sagot para diyan." Ngumiti siya sa akin. The sincere one.

"Ikaw talaga Tito," I pouted. "Palagi mong pinapagaan ang loob ko." Dagdag ko pa.


"That's my job." sagot nito sa akin at tinuon ang atensyon sa pagda-drive.

Nakarating kami ni Tito sa isang malayong lugar, hindi ko nga alam eh kasi nakatulog ako sa buong byahe basta pag-gising ko hindi na pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin. Maraming mga puno, puro nga kakahuyan eh, feeling ko nga sa loob na ng gubat 'to.

May nakita naman akong usok sa 'di kalayuan at may naririnig akong tunog ng nagwawalis na tao. Tapos may nakita din akong usok kaya't tumingala ako para sundan ang usok.

Sumunod na ito sa hangin at nawala.

Biglang hininto ni Tito ang sasakyan niya sa harap ng isang malaking mansyon. Grabe, isang mansyon sa loob ng gubat? Nakakabilib naman. Siguro, nandito nakatira si Lolo?

Bumaba ako ng front seat at nakita kong lumapit ang matandang lalaking nagwawalis ng bakuran. Tantiya kong nasa early seventy na ang edad nito. Lumapit ito sa akin at nabigla naman ako nang yakapin niya ako. "Jin!" Sigaw nito sa akin. Na parang may sunog, nabingi nga ata ako eh.

Hindi ko alam kung sino 'to. "Sino po kayo?" Tanong ko dito.

"Hindi mo ba alam Jin? Lolo mo 'yan." Sabi ni Tito sa akin na ikinabigla ko naman.

Nagpanic ako na magmano sa kaniya. "S-sorry po." Hindi ko kasi aakalain na ganito ka-klase ang Lolo ko, kasi naman eh. Nakatira siya sa mansyon tapos ganito ang mukha niya? Syempre nagimagine naman ako na baka kung ano ang mukha niya ano. Baka napakalinis niya tapos nakasuot ng Americano o business attire man lang. Pero tingnan mo nga, parang 'di siya ang may ari ng bahay na'to eh.

"Ano ka ba Iho?" Sabi nito sa akin. Kahit na kulubot na ang mukha nito at parang isang sipa lang ay matutumba na pero napakabibo parin ni Lolo. Napakamot naman ako ng batok ko.


"Hay naku, hali na kayong dalawa, nagpahanda ako ng makakain kay Griselda." Sabi nito sa aming dalawa ni Tito atsaka naunang pumasok sa loob.

Pagpasok ko, ang laki-laki ng laman ng mansyon. High ceiling ang living room nito pati narin ang hallway. Sa hallway ay puro mga nakasabit na mga litrato. Tiningnan ko bawat isa, may diyan na litratong kamukha ni Tito, nakasuot ito ng formal na damit at may kasama pa siya na isa pang lalaki, at alam ko na kung sino, si Papa. Ang bata-bata pa ng mga mukha nilang dalawa. Nakatayo silang dalawa sa tabi ni Lolo na nakaupo naman sa isang magarang upuan. I wonder? Walang kasamang babae si Lolo? Baka dedo na noong time na nagpapicture sila?

Wait— kamukha ni Tito talaga eh. Don't tell me, magkapatid sila ni Papa? I shrugged the thought off atsaka nagmasid-masid na lamang.

May nakita naman akong picture, si Papa at si Mama, nakatayo sila sa labas ng bahay namin na nasunog. At may dala-dala namang bata si Mama, I'm pretty sure na sila mama at papa 'to pero hindi ko naman natatandaan na may picture kami na ganito ah?

I must be ulyanin na.

Narinig kong tinawag ako ni Tito kaya naman sumunod ako sa kaniya papunta sa Dining room siguro. Pero ang laki naman ata para maging Dining room diba?

Pinaupo ako ng isang babae sa upuan exactly sa gilid ni Lolo. Nilagyan nila ako ng pagkain, hindi ko nga alam kung pyesta ba dito o ano. Dahil ang daming mga handa! "Dad, ang dami naman ata ng mga pinaluto mo." Biglang sambit ni Tito kay Lolo.

Whut?

Dad?

"Teka—" panimula ko. Naintriga ako sa sinabi ni Tito, Dad?

"Tama ka ng hula Jin-iho." Sabi ni Lolo sa akin. Ngumiti ito sa akin. Hindi makita ang mga mata niya.

"So, that means?" Nakataas kilay kong tinanong sa kanilang dalawa.

"Tama ka ng hula Jin. Tito mo nga talaga ako." Tito answered. "And my name is Leandro Revamonte."

Hindi nga talaga ako nagkakamali na kamukha niya 'yong kasama ni Papa sa picture na 'yon. Kapatid pala talaga siya ni Papa.

"Pero, Tito bakit mo 'di man lang sinabi sa akin noon pa na Tito talaga kita?" Pagmamaktol ko pa kay Tito Leandro.

He sighed, "Itanong mo kay Dad." Utos nito sa akin.

Tumawa si Lolo. "Gusto ko kasing surprise!" Sigaw ni Lolo sa akin na parang isang bata na makwela.

"Ikaw talaga Lolo."

"Dad! 'Yon lang pala ang rason mo?" Nangangalaiting sinabi ni Tito kay Lolo. Natawa ako kasi parang baliw lang si Lolo na tumawa.

"Ano ka ba Leandro? Joke lang 'yon."

"Akala ko kung joke lang eh, sana noon ko pa inaming tiyohin ako ni Jin." Sabi naman ni Tito Leandro.

"Kain na nga." Sabi ni Lolo sa amin. Trying to avoid Tito Leandro. Mediyo naintriga ulit ako, parang may tinatago kasi ito sa akin eh.

Ano kaya 'yon?

Well, bahala na diyan. Atleast, nagkita na kami ni Lolo. Nakakatawa nga eh, kasi nga Tiyohin ko pala na tunay ang nag-alaga sa akin noong namatay sina Mama at Papa.


© 051016

DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon