I met this guy back when I was in third year high school. We had an almost-perfect-wattpad-love-story to tell...
~~~
After a leadership congress, may nagchat sakin. Mula sya sa school na naghost nung event. In-add ko kasi marami na rin namang mutual friends.
Tapos nagchat sya sakin. Tinanong nya number ko para daw sa research paper nya. Since I was a bitch, tinarayan ko muna sya bago ko binigay. For research purpose naman daw. I thought he was a gay, the way he select his words kasi kapag kinakausap nya ko, parang bakla pakinggan. Siguro impression ko lang talaga kasi noon sa mga lalaking nag-eenglish ay bakla agad. Kaya naman hindi na ko nagtaray.
And eventually I found myself sleeping at 4 in the morning just to continue our conversation; I found myself smiling.
I found my... "happiness"
My 11:11 wish...
Kaya naman pala sya nag-eenglish kasi valedictorian sya, may maipagmamalaki naman pala. Nung nalaman ko yun, kinabahan ako kasi kinakausap ko sya sa english at nagpapa-impress pero ako yung naimpress sa kaya.
'How could a boy be a genius as him' I thought while he was enumerating his academic achievements. 'My gosh turn on to!'
Ayoko sana, pero he keeps on making our conversation fruitful kaya hindi natatapos yung usapan namin. Minsan tutulugan nya ko at kinabukasan itutuloy namin yung usapan or minsan ako yung natutulog tapos ako rin ang magtutuloy ng usapan paggising.
Until it became a routine.
Until he became my kind of routine.
I was falling in love. Kaso plot twist ng love story namin, may ka-MU pala sya. Yung sakit na naramdaman ko nun, parang yung nangyari dati noong iniwanan ako ng lalaking pinaasa lang ako. Ang sakit kasi I'm almost there. Tapos biglang may kontra bida pala. Akala ko gusto rin nya ko.
So one night, nagsulat ako sa wattpad about our story. Yes writer talaga ako, lalo na kapag ang bigat ng nararamdaman ko. Sa pagsusulat ko dinadaan.
Dahil isa sya sa stalker ko, nakita pala nya na nagpublish ako ng story entitled "Nafriendzone si Ate"
Tapos tinawagan nya ko. For the first time, kinabahan ako ng sobra. For the first time in my life, I ignored a call. Hanggang umabot sa 37 missed called yung natanggap ko mula sa kanya at mga texts na sinasabing:
"Please answer. May sasabihin ako importante."
"Ako ba yung Shone dun sa sinulat mo sa wattpad?"
"Convo natin yun diba? Yung sinulat mo? Please sumagot ka :("
I have to be tough. Sinagot ko sya through text dahil hindi pa ko handa na kausapin sya sa phone.
"Hindi ikaw yun. Ginamit ko lang yung convo namin, fit kasi sa story."
Sent.
Pero hindi sya tumigil. Pinagpipilitan nyang malaman ang totoo. Siguro ganon sya katalino kaya alam nyang nagsisinungaling ako. After some sort of chasing... I give in. Nagrisk ako at nanligaw sya. Ang landi ko ba? Wala eh, nagmahal kasi ako.
Hanggang naging kami. Pinakilala nya ko sa parents nya, pinakilala ko sya sa parents ko and everything went well.
Nakakakilig na minsan pupunta sya sa school ko tapos aalis kami after class at magddate. Sa tuwing hawak ko yung kamay nya, feeling ko safe ako. Sa tuwing magkikita kami may kaba pa rin at kilig akong nararamdaman.
Hanggang sa nagtagal, may mga nagbago sa feelings namin. Umabot pa sa point na hindi na namin mahal yung isa't isa at nawalan na ng gana kaso ang nagpapakapit nalang samin, yung tagal na pinagsamahan namin.
Hindi madali ang isang nasa relationship.
Hindi laging puro saya at kilig. Minsan maraming rin sakit.
Kaso wala eh, mahal na mahal ko sya kaya okay lang lahat kahit ang sakit. Iniintindi ko nalang. Sinasabi ko nalang sa sarili ko, misunderstanding lang namin to kaya kami nagaway.
Pero alam ko naman mahal nya ko kasi hindi kami aabot ng tatlong taon kung hindi namin mahal isa't isa.
Nasasaktan ako kasi alam kong hindi ko naman deserve yung pagtrato nya sakin kasi dapat bilang girlfriend nya, ako yung inaalagaan nya.
Pero baliktad talaga kami. Ako ata yung lalaki sa relationship namin.
Hindi naman sya nambabae, loyal/faithful sya sakin. But there are times na he's taking me for granted. Alam kasi nyang nandyan ako at iniintindi sya kaya okay lang. Okay lang na ako yung maghahatid sa kanya. Ako yung laging pupunta sa kanya.
Kagabi, hinatid nya ko from a party. 12 am na non, naglalakad kami papunta sa bahay tapos di nya ko kinakausap. Nauuna syang maglakad sakin. Nasa likod lang nya ako. Medyo madilim yung lugar papunta sa bahay at medyo delikado. Pero ayun ako, naglalakad magisa habang nauuna yung boyfriend ko na dapat sinasabayan ako at binabantayan.
Naglalakad ako magisa tapos ang dami kong narealize. Sobrang nakakagag* talaga yung eksena na yon. Na ako lang nasa likod. Para akong bibigay na. Parang hindi ko na kaya, kasi ang sakit sakit na. Ang sakit na sya naglalakad magisa for the sake of "Nahatid kita hanggang sa bahay nyo" pero along the way pakiramdam ko ako lang magisa kasi iniiwan nya ko. Gusto ko syang sigawan pero hindi ko kaya. Iiniintindi ko nalang kasi baka pagod na sya. Nahihiya rin ako kasi ang layo ng bahay nya at kelangan pa nya kong ihatid kasi nga delikado pauwi.
I'm trying to be his girl na worthy para tawaging 'girlfriend'.
Pero what do i receive in return? Sakit?
Gusto ko nang bumitaw.
Kaya kong kumbinsihin ang sarili ko na okay lang sakin yun, pero nasasaktan ako. Sabi nya swerte syang ako naging girlfriend nya kasi girlfriend material daw ako.
Kaso bibigay na ko.
Sobrang saya kapag magkasama kami. Kaso kapag iba na yung sitwasyon, lahat ng binuo kong saya, guguho nalang bigla.
Kaya kong tiisin yung sakit kasi mahal na mahal kita.
Kapag nagmamakaawa ka na wag kitang iwan, hindi kita natitiis. I don't like seeing you begging me. Hindi naman ako santo para lumuhod ka pero ginagawa mo para lang di kita iwan. Alam ko naman na mahal na mahal mo ko at ayaw mo akong mawala. Pero baka hindi talaga ito yung tamang panahon para satin. Pwede naman diba na mahal mo sya kahit hindi na ganong kasaya?
Bilib na bilib yung iba, kasi akala nila perfect relationship kami kasi ang tagal na at ang tatag. Hindi naman nila naiintindihan yung nararamdaman ko bilang 'girlfriend'.
Hanggat kaya ko pa, hindi kita bibitawan. I'll hold you in my heart. Pero pag dumating yung araw na sobrang sakit na, please let go. Kasi di ko na kakayanin pa. Alam ko kung ano yung deserve ko. Pero mahal kita. Sobra.
I love him so much. So much.
Tama sila: lahat ng sobra, masama.
I'm sorry if I'm slowly giving up. Sorry if I'm slowly drifting away.
~~
I'm in his ocean of love, drowning and catching my own breath. Waiting someone to save me before i die in pain.
BINABASA MO ANG
Drifting Away (One Shot)
Short StoryWalking away, from what I thought would never end. Looking okay, but deep inside I'm lost in time. ~ How could a perfect relationship be this painful?