Panaginip

41 1 0
                                    

Sa isang lugar sa pilipinas mayroong pamilya na naninirahan. Sila ay normal na pamilya. Araw-araw magkakasama, araw-araw nagkikita. Ngunit sa likod ng kanilang masayang pamilya mayroong tinatagong sikreto ang kanilang ilaw ng tahanan. Sa likod ng kanilang bahay mayroong punong kasing laki lamang ng pagkaraniwang tao at tila ba noong unang panahon pa ito. Ito ay kumikinang na parang mayroong palamuti.

Yiena's POV

"Hoy! Ate, kung ako sayo bumangon ka na kung ayaw mong ratratin ka na naman ni mama ng sermon kay aga-aga eh." Sigaw ng magaling kong kapatid sakin. Palagi kaming ganyan. Sigaw dito, sigawan doon.

Lagi kasi akong late magising. Kasalanan ko bang masarap matulog? Hindi naman diba? Hehe. Ganyan po talaga kami ng kapatid ko. Sigaw kung sigaw.

"Oo na! Oo na! Kaasar eh! Malapit ko ng makita ung muka nung nasa panaginip ko bigla ka namang sumigaw dyan!" Oo ang ganda na ng panahinip ko eh sobrang ganda na eh. Tapos biglang ganyan? WTF lang di ba?! Hays. Ano pang magagawa ko eh sa tuwing susubukan kong balikan ang aking panaginip ay hindi naman ako makatulog.

"Ano pa ginagawa mo jan? Bumangon kana kasi! Ang diwara mo kasi, Ate!" Sigaw ng sigaw pag ako na binge ipapasalvage ko to. Asar talaga. Ang aga-aga feeling ko tuloy nanay ko na din siya haha.

"Che! Bat kasi pinapakealaman moko? Hindi naman kita pinapakealaman ah!?" Sigaw ko rin sakanya nakakaasar na kasi eh lagi nalang ganyan sa umaga.

Makapaghanda na nga ng umagahan para matapos ng maaga at ng makapagbasa ako ng maraming story. Nyahahaha. Aba'y ang aga aga palang oh! 4:48 palang tapos manggigising na agad?! Kung alam ko lang na ganito, uunahan ko na ang tandang na tumilaok.

_____________________________

Shete! Tapos na kong maghanda ng pagkain. Tapos ko na ang dapat gawin paggising nila kakain na lang sila. Wala na silang gagawin. Hay nako naman! Konting tiis pa malapit naman na ang pasukan at matatapos din ang paghihirap mo, Yiena. Tiis tiis din pag may time. Huhuhu

Pahiga palang ako nung tinawag ako ni Mama.

"Yiena! Halika dito! Ikaw nga ang magdilig ng mga halaman sa labas hanggat maaga pa. Masakit kasi ang bewang ko. Mukang tumatanda na ako." Sigaw ni Mama sakin. Grabe sila papahiga palang ako tatawagin na naman. Hay. Pabayaan na nga! Exercise din to para pumayat. Hahahahahaha.

"Opo!" Lumapit na ko mamaya eh magalit nanaman sakin to.

"Ma, nga pala Happy Mother's Day." Sabi ko. Nyeta muntik ko ng makalimutan. Nyehehehe.

"Sige. Pagbutihan mo ang pagdidilig." Wahh! No reaction? Grabe talaga! Wala manlang 'Thank you'?

Lumabas na ko ng bahay bago pa ako utusan uli ni Mama ng kung ano. Ang laki kaya ng Garden kuno ni Mama tapos sakin lang din pala nya ipadidilig. Ang init na kaya abay mag seseven thirty na. At sa panahon ngayon mainit na yun. Hindi na uso ung may vitamins ang sinag ng araw pag ganyang oras? Hindi na totoo un iitim ka lang sinasabi ko sayo.

May isang bulaklak na nakakuha ng pansin ko. Sigurado ako na ito ung binigay sakin nung lalake dun sa panaginip ko. Sure ako! Paano nag karoon si Mama nito? Ano kayang tawag dito? Itatanong ko nga kay Mama mamaya.

Hay. Naalala ko nanaman ung panaginip ko kagabi. May lalaking nagbibigay sakin lagi ng bulaklak. Ang nakapagtataka lang ay iisa lang ang binibigay nyang bulaklak pero mayroon itong iba't ibang amoy. Nagsimula akong managinip ng ganito nung naglibot kami ng mga kaibigan ko sa probinsya ni Ara. Hindi ko alam pero may naramdaman na ko dun sa bahay palang nila. Feeling ko may nakatingin sakin na parang nakasunod lagi. Hindi ko masabi kay Ara dahil nakikituloy na nga lang kami sakanila mangbibintang pa ako na may manigno sakanila diba? Kaya pinanatili ko nalang ung sarili kong tahimik at walang pinagsabihan.

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon