Chapter 6: Halik sa ilong *edited*

848 22 5
                                    

"Okay pag kami nanalo, we go, nothing more, like nothing happened" paninigurado ko

"That's if you guys win? But then again alam kong kami mananalo. You. Will. Be. Mine." Talagang diniinan bawat salita. tsk ismeran ba naman ako? Gwapo mo tsong!

"Ang laki din ng pangangailangan mo no?"

Pero hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at hinarap na ang iba na halatang nakikinig sa mga pinag-uusapan namin dahil napaayos agad sila ng tayo mula ng lingunin ko sila.

"Ano? magkukwentuhan na lang ba tayo dito o gagawin natin yung dahilan kung bakit tayo andito?" Iritable kong sabi

"Kaya nga umpisahan na. I can't wait to see you later" naramdaman kong nilagay niya yung kamay niya sa beywang ko kasabay ng pagsilay sa akin.

"Ang presko mo tsong" tinulak ko siya palayo at tinaas niya yung dalawang kamay niya.

"Ron sigurado ka dito? Mukhang hindi na lang si Pen ah" narinig kong binulong ni Red sa akin at hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lang akong kinilabutan at tila nagsitaasan na lahat ng balahibo ko.

"Ano Captain magpapatalo na ba tayo?" Nakangising tanong ni Tim nung papunta na kami sa side namin ng court at parang awtomatiko akong napalingon sa kinaroroonan ng Mervin na yun.

Nakita ko siyang nakatingin din sa akin at saka ako kinindatan at nginitian. Tsk .

Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka bumalik na sa usapan namin.

"Si Pen ang tanungin niyo" Bulong ko habang dinidribble yung bola ng sobrang bagal.

Hindi ko naman namalayang nasa likuran lang pala siya nang bigla siyang magsalita.

"Gawin natin ang lahat para manalo. Ayokong matalo tayo" Biglang bumalik ang tapang sa pananalita niya at halatang desidido na manalo.

"Pero hindi ba gusto mo din yung Jake na yun?" halata kasi eh

"Hindi yun mahalaga. Ang importante mapangalagaan natin ang record ng grupo natin"

Hindi ako makapaniwala ngayon ngayon lang? Umamin ba talaga siya na may gusto siya sa lalaking yun?

"Kung gusto maraming paraan." pagpapatuloy pa niya.

Okay gets ko na.. (" —,—)

"Let's play ball!"

---—---—---—---—---—---—---—---—---

"Dikitan mo Red! Huwag mong palapitin sa ring! Aish!"

Masyadong dikit ang laban at hindi ko inaasahang magagaling pala ang grupo ng mokong na to

Una sila ang nakakuha ng bola. Shit that. Bat kasi pinanganak na mas matangkad tong Mervin na to kesa sa akin.

"Ano bilib ka na sa akin?" narinig kong sabi niya mula sa gilid. Napaayos naman ako ng tayo ng mapansing nakatayo na lamang siya sa may tabi, dalawang kamay asa bulsa ng pantalon niya.

"Anong bilib sayo?? Eh kanina ka pa walang ginagawa dyan. Sa jump ball ka lang naman magaling eh."

Andito kami ngayon sa gitnang court di kalayuan sa basket namin nag-uusap samantalang yung mga kasama namin hayun at nag-aagawan ng bola

"Di kaya?" Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng makarinig ako ng pagsigaw.

"Ronnie! Ano bang ginagawa mo! Bantayan mo si Mervin!" narinig kong sigaw ni Ken

at paglingon ko, napaatras na lang ako sa nangyari.

"Ron ano bang ginagawa mo!? Wala ka sa sarili mo!" saway sa akin ni Red ng makalapit siya sa akin.

Ako nakahawak lang ako sa may ilong ko at sa kaliwang dibdib ko.

Ang bilis ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang bilis din ng mga pangyayari.

                       

---

At paglingon ko, napaatras na lang ako sa nangyari.

Hinalikan niya ako sa ilong. Di kaya nadampi lang at hindi sinasadya?

Napahawak ako sa ilong ko habang nararamdaman ko pa yung lambot ng mga labi niya.

Hindi ko namalayan nakahawak na rin ako sa may kaliwang dibdib ko. Bat ang bilis ng tibok ng puso ko? Parang kakatapos ko lang tumakbo ng pagkalayo layo sa sobrang bilis.

"Ron ano bang ginagawa mo!? Wala ka sa sarili mo!" saway sa akin ni Red ng makalapit siya sa akin.

Bigla akong nagising ng marinig kong naghihiyawan sila Mervin sa gitna ng court

"What a dunk pare!" sabi ni Troy habang tinatapik tapik yung balikat ni Mervin

Biglang napalingon si Mervin sa direksyon ko. Ako naman parang estatwang nanigas sa kinatatayuan ko.

"Uy Ron, anyareh??" Bigla na lang lumitaw yung mukha ni Tim sa harapan ko dahilan para mapaatras ako ng unti

"Hala! Nakakatakot na ba yung mukha ko? Mukha kang nakakita ng multo Ronnie!" Sabi niya habang kinakapa kapa yung mukha niya.

"Nakakagulat ka kasi bigla ka na lang lumilitaw eh" tama nagulat lang ako. Natural lang na bumilis yung tibok ng puso ko. Tama. Yun lang wala ng iba.

"Eh bakit ka nagbablush?? Di ba dapat mamutla ka?"

"Mainit lang kasi kaya talagang mamumula yung mukha ko"

"Eh hindi naman mainit ahh"

"Tama na nga gusto ko ng umuwi. Tapusin na natin to."

"Okay sabi mo eh" pagkasabi niya nun abot tenga yung ngiti niya na halos mahati na sa dalawa yung mukha niya.

Hindi kaya nakita niya yung nangyari??

Umiling iling ako. Imposible.

"Ang haba ng patalastas niyo kanina ah" bungad niya agad nung makalapit siya sa akin. Bat ba kami ang nagbababantay sa isa't isa? Hindi ba pwedeng magswitch ng partner?

Saka di ba dapat dun siya sa ring nila? Labo pare.

"Manahimik ka na nga lang jan."

Nagkibit balikat lang siya at tumayo lang dun sa tabi. Pwede ba wala ba siyang masasabi tungkol sa nangyari kanina??

"Ron salo!" Amfufu. Muntikan na akong tamaan sa ulo.

"Wala ka sa sarili mo ah." Sabi ni Mervin

"Wala kang pake" dinidribble ko na ngayon yung bola at nakaharap sa basket.

Samantalang itong lalaking to lakas makatrip. Kung ano anong pinagsasabi.

"May sasabihin ako."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghanap ng mapapasukang butas para maishoot ko na tong pesteng bola na to.

Ayun. Drinibble ko pakanan at ipinasa sa kaliwang kamay ko. Umakto akong papasok sa kanan at nung sumabay siya sa galaw ko at nang mangyari yun umikot ako palabas pakaliwa at tumalon ako agad.

Naiwan ko siya sa baba na deretso ang tingin sa akin habang nakangiti.

Hindi ko siya pinansin at ipinasok ang bola.

3pts.

Pagkababa ko nakangiti pa rin siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo"

---

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon