Chapter 3
Dumbfounded
Yamdray Falcon POV
Hi minna/ everyone. I am Yamdray Falcon, obvious naman siguro dahil sa itaas? Btw, I'm 16 years old, maganda, average lang ang IQ ko, hot at higit sa lahat sexy. Package diba? Haha Gender? FMB, Female 25 %, Male 25 %, Barbie 50% in short bakla ang sister niyo. Madalas akong mapagkamalang guy alam niyo yun and it annoys me a lot. Sa ganda kong to? Pagkakamalan nila akong brother? Mygas i hate drugs! Hehe tama na ang self introduction baka madevelop ka masasaktan ka lang, taken na kasi tong heart ko. Sino? Secret, no clue. Hehe
Nandito ako ngayon sa mall nagpapalamig,hindi para magwindow shopping o magshopping mismo, hindi naman ako mahilig sa mga ganyang drama eh, mga babae lang- este ang mga cheap girls lang, yucks.
Palakad lakad lang ako nang merong froglet na bumangga sa malaAphrodite kong beauty, actually nanghiram lang ng beauty sa akin ang dyosang yun need niya kasi kaya pinagbigyan ko na. Haha
Mamalditahan ko nga tong bruhang bumanga sa akin, hindi niya siguro knows kung sino ako, makapagpakilala nga. Hmp.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo miss? "Tinaasan ko pa ng kilay at nagcrossed arms pako para bongga. Hindi siya nagsalita, nakayuko lang siya ni hindi siya nagbother tumayo wa poise to ano. "Anu?! " Naiirita na ako ah. Marunong bang magsalita to? Nag expect pa naman akong sasagot tong babae para instant scene dito. Fame whore? No, sadyang famous na ako.
Dahan dahan niya iniangat ang ulo niya, pasuspense pa kung hindi siya gorgeous like me susunggaban ko to ng uppercut!
At left hook na minana ko pa kay Pacquiao!Nung naangat niya ang ulo niya, nabato ako sa kinatatayuan ko. Umiiyak siya. Nasobrahan ba? Konti lang naman ang sinabi ko ah. Ang arte nito akala mo kagandahan. I fought the urge to roll my eyes at Lumuhod ako para maging kalevel ang mukha namin at para maambunan man lang ng ganda ko.
The moment I laid eyes to her eyes full of tears, i was dumbfounded. Literally, my world stops. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Kadalasan kasi pag nakakita ako ng girl na umiiyak sa harapan ko pinagtatawanan ko, pero itong babae to, hindi ko man lang maigalaw ang bibig ko instead niyakap ko nalang siya, nang mahigpit.
Wala akong pakialam kung nandito kami sa gitna ng daan sa mall ang nasaisip ko lang ay ang babaeng to. I don't know what got into me, basta ko nlang siyang niyapos. At parang gustong gusto ko siyang sabunotan, d jokey lang, gusto ko siyang icomfort.
Naramdaman kong bumalik siya ng yakap, ang sarap ng feeling ng yakap niya kaya hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya. Siya naman ay iyak lang
ng iyak. Mga babae talaga simpleng bagay iniiyakan, mabuti lang at half lang ako.Sa totoo lang para na kaming baliw dito at kalerke talaga. Baka ipabitbit nila ako sa mental, naku wag naman sana pagnagkataon eh mababawasan ang magagandang dilag
sa mundo. Paano na ang lahi namin? Hindi pa naman maasahan ang tatlo kong sisters."oy girl tignan mo oh. "
"ang alin girl? "
"yun oh, ang sweet ng guy"
Ako bang pinag-uusapan? Dahil kung ako, Gay po ako bakla bading, barbie, ms. Universe at kung ano pa."ay oo nga no?, siguro girlfriend niya yung girl na umiyak. "
What?! Hindi ako lesbiana! Mga uodlets na to. Wag kayong magchismisan sa lugar na kung saan ang pinagchichismisan niyo nakaka imbyerna! Nakakasira ng ganda.
Itinuon ko ang atensyon ko sa froglet na akap akap ko. Nagtagpo ang mga mata namin at sa di ko malamang dahilan parang nanuyo ang na naman ang lalamunan ko.
Ang ganda niya, parang anghel.
Pero mas maganda pa rin ako. Nagkatitigan lang kami dun na parang baliw, magandang baliw. I dunno kung gaano katagal basta natigil lang nung nagvibrate ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Forever
Teen FictionIlan na ba ang naloko ng salitang Forever? Takte di na ata mabilang eh. Sa milyon milyon ba naman na nagpapakatanga sa pag ibig. Kaso sa kasamaang palad, isa ako sa mga nalinlang, naloko, nagpakatanga't nasaktan. Mapagbiro talaga no? Pero kahit na i...