CHAPTER 12

55 5 6
                                    

No surprise


"Ang init."

I said to myself, habang ipinatong ang pangatlong bote ng tubig sa table na nasa harap ko. Grabe. Nakakatatlong tubig na ako pero ang init parin sa pakiramdam.

"But look at the view, ain't it beautiful?"

Isang boses ng babae na nagmumula sa likod ko ang nag salita.
Rosie.

"Yeah.", I said while my lips curved into a smile.

Tinapik ni Rosie ang balikat ko at umupo sa tabi ko.
Nasa ilalim kami ng malaking puno kung saan ang resting area. Kumuha siya ng tubig at tumingin sa paligid.

"This is the perfect spot for confessing. Right, director?", she said while elbowing me.

"Haha. Come on Rosie, you know this isn't the time for that.", I said while still looking far away.

"The weather is good, the scenery is perfect, you look good, she's there. I mean, it could be like a movie scene.", she replied while pointing to the surroundings, me and to the girl sitting beside the piano.

"No no no. I can't."

"Hey, what's holding you back? Did something happen?"

"Ehhhhh."

"What eh?

I turned to my left and looked at her. What would I say? Sabihin ko ba?

Nagkibit balikat ako at tumingin sa paahan ko at tinititigan ang malilit na damo na sumasabay sa ihip ng hangin.

"What do you mean by that? Oh my God. You already confessed to her?!", tumaas ang boses ni Rosie at hinampas ang braso ko.

"Aray! Ano ba yan, masakit yon ha! Hindi. Hindi yon.", napahawak ako sa braso ko at hinamas to.

"Then what is it?!", she exclaimed.

"She's.. I think, well.. she's inlove with someone else or haven't moved on or, I'm not sure. I.. I really don't want to think about it."

Silence filled the air.

Base sa reaksyon ni Rosie ay naramdaman niyang nasasaktan ako. Damn right it hurts, but it's no surprise to me at all.

Noong sa Japan ko na ulit nakita si Mavis e napansin ko na ang kakaibang ngiti nito. Ang bigla biglang pagiging tulala nito. Ang biglang pagiging malungkot. Ang biglang pagyayayang uminom.

Akala ko noon e, dahil namatay ang kuya niya na si Edward. Pero habang tumatagal na sinamahan niya ko sa mga late night trippings ko sa Japan, mas napansin ko na may mas malalim na dahilan pa sa mga kinikilos niya.

Minsan nga noong nag roadtrip kami, bigla nalang siyang umimik ng 'Photography is MC'. Tinanong ko siya kung anong sinabi niya pero hindi na niya ito inulit uli at pumilit ngumiti.

Ngayon napag dugtong ko na ang mga kilos at sinabi niya noon, sa mga nangyayari ngayon.

Maaring noong mga panahon na iyon ay iniisip niya si Matt, na kaparehas niya ng nickname, ang MC na ang passion ay photography.

Isn't it ironic? Ang taong nilalaman ng puso ko ay nag-ngangalang MC, while hers is too. Ako lang ang iba ang pangalan, kung initials e JC.

Halatang paningit lang ako kung iba-base sa pangalan, ako kasi ang naiiba. Sana naging MC nalang din ako.

Haha! How stupid. Enough with the melodramatic mood you're in Jad, Mavis needs you more now, as her friend.

Friend.

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon