Medyo nakakasilaw yung buwan pero ang ganda talaga ng langit. Parang ang dami daming bituin ngayon. Nasan na ba si Hara? Yung dragong yun talaga, kung magligalig kala mo kasing liit lang sya ng kuneho. Aantayin ko na lang syang bumalik para makauwi na kami.
Teka, ano yun? Parang unicorn yun oh! At wait. May knight. In shining armor! Oh my gulay. Parang ang pogi nya? Parang lang. Medyo madilim. Hindi ko maaninag pero surebol pogi to. Ako siguro hanap nito? Aba dapat lang. Ako lang naman prinsesa sa kahariang ito.
"Prinsesa Ella, maari ko bang hingiin ang kamay mo?" Tanong nya agad sakin. Hindi pa nga sya nakakababa ng unicorn nya eh. Excited much?
"Teka. Easy tiger lang ha? Ang bilis naman. Hindi pa kita kilala."
"Pero matagal na kitang tinatangi." Nakangiti sya. Hindi malinaw mukha nya pero alam ko nakangiti sya. At yung boses nya, ang sarap sa pandinig, para akong inaantok. Pero ows? Eh ngayon lang kami nagkita. Stalker este admirer ko sya?
Di bale na. Gusto ko sya. Gustong gusto. Moment of truth.
"Syempre naman O-------"
"Ate Ellaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
At Pooofffffff! Umepal nanaman ang boring at totoong mundo. Ilang beses ng naputol sa part na to yung panginip nito. Seven times? Eto na ang reality. Walang unicorn, walang dragon, walang Knight in shining armor at higit sa lahat, hindi ako prinsesa.
Ako si Cinderella, pang fairytale ang pangalan ko. Pero 19 years na ang nakalipas, pang nerd parin ang buhay ko.
Teka, dahil sa feeling prinsesa ako, baka naman may real life Prince Charming din ako?
BINABASA MO ANG
My Unfairytale Life
RomanceDi ba dapat kung kanino ka ipinangalan, halos kapareho mo din ng ugali at kapalaran yun? Medyo kabaliktaran lang naman kase yung kay Cinderella o 'Ella'. Sobrang irony. Adventurous at napakatapang nyang nilalang. Sa panaginip. Pero sa totoong buhay...