Chapter 1 - Pt. 1 Hey Monday sa school

26 2 1
                                    

(Author: Cinderella wanna say Hi. Look at the right :) ) 

"Cinderella Villafuerteeeeeeeeee!" 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ugh, nice start para sa Monday.

Eto nanaman yung FC na hindi ko talaga hihilinging maging close. Si Andrea.

Bukod sa medyo OA sya, feeling famous sa campus, feeling maganda, feeler. Ayoko din ng tinatawag ako sa buo kong pangalan.

"Yes?"

"Pinapatanong kase ng editor-in-chief ng Cachet kung gusto mo daw masali sa staffs?" tanong nya with matching puppy eyes.

"Hmmm.. Not sure. I'm busy." Matipid na ngiti lang nakayanan kong ibigay sa kanya. Ilang beses ko ba kaseng kelangang ulitin?! Sana naman mahalata nya na for 15345634562354354 time, 'NO' ang sagot ko.

Una, ayokong mabawasan yung oras na nilalaan ko sa pagbabasa ko ng libro. Pangalawa, dahil lage nya akong tinatawag sa buo kong pangalan.

"Pero yung new poem mo na You and Me pwede ba naming i-publish?"

Yes. That poem I made 3 years ago. Mahabang kwento kung paano nila nadiscover yung gawa kong yun. It is for my past and last boyfriend. Kaya hindi yun 'New'

"I'll think about it pero thanks for the offer anyway. I'll have my next class. Excuse me."

Yun lang at nagmamadali na akong umalis. Ano bang problema nya at hindi nya magets na ayokong tinatawag ako sa buo kong pangalan? At ayoko sumali sa school paper.

Ella. Thats my nickname and mas sanay ako dun. Halos lahat din naman ng prof ko yun tawag sakin eh.

Hindi ako loner. In fact, I have 3 girl bestfriends. Bukod sa libro, sila yung iba ko pang kaibigan, halos kaibigan sa lahat ng kaibigan. At hindi ko alam kung saan parte ng campus sila nakatambay. Malamang nasa CR yun. Nag-aayos. Hinabol ko kase yung student council president, pinatawag ng last prof namin.

Adventurer ako. Sa panaginip. Sa real life, boring akong tao. Bahay-school. Hindi naman din ako nerd, hindi rin NBSB.

I had two ex-boyfriends at yung last nga, medyo hindi maganda yung ending. Tinalo pa namin yung ka-emohan sa mga dramarama. Pero mula nun, mga lalaking bida nalang sa libro yung pinagpapantasyahan ko. Boring siguro para sa iba, pero wala eh. Mas nag-eenjoy ako. Yung mga lalaki dun, hindi ako niloloko. Hindi ako pinapaasa sa wala (Segway! haha)

Finding Prince charming, este Nemo lang din ang peg. Pero hindi ko pa masimulan. Ang hirap ng nakasanayang sistema ko. Puro libro o numbers kaharap ko. BS-Math at graduating student. Konting gapang na lang nasa finish line na ako. Yehooooo!

Ten minutes left, may klase nanaman ako. Dun ko nalang abangan sa room yung mga lokaloka kong kaibigan.

 "Oh girl san ka galing?" Bungad sakin ni Sab (Sabrina Scott) Mula 1st yar college ako lagi ko na tong kasama.

Sya talaga yung unang una kong nakachikahan pagkapasok ko sa klase. Wala kase akong kakilala, di gaya nung iba, pati sya, may mga kakilala na sila. Kaklase or schoolmate noong highschool pa sila. Okay para sakin si Sab. Prangka gaya ko pero mas madaldal at mas determinado sa mga activities. Determinado ding isabak ako ng isabak. Well, mas okay na kong maging audience or supporter. Bandang huli, sya lang din ang sumasali.

"Hinabol ko si Max. Pinahanap ni Prof Reyes." Di na ko tumingin sa kanya. Dirediretso lang akong umpupo.

"Wow ha? Ang tagal naman ata?" Medyo ususera talaga to eh. Buti nalang sanay na ko.

"Ang liit kase ng Yale State University" Well, sarcasm is my language.

"Di ka tuloy nakasabay mag ice cream samin" Nakanguso nyang sagot. Alam nyang kahinaan ko yung ice cream. Anyway lahat ng malamig paborito ko. Kulang nalang lagyan mo ng asukal yung yelo mangangata ko na yun eh! Guiness ang peg. 

"Okay lang. Mag part 2 tayo mamaya. Asan sila Shane at Ish?" Pang iiba ko ng usapan. Basta, desidido ako, mag iice cream ako mamaya.

"Nag paiwan. Magpapaload lang daw saglit."

"Good afternoon class. Get one whole" Bungad ni Prof Corpuz. Saktong pasok rin nila Shane (Shane Scott, pinsan ni Sab) at Ish (Krishna Velasco). Ngiting ngiti yung dalawa.

Tiningnan ko sila ng anong-meron-bat-ngiting-bente-kayo? look. Umiling lang si Ish at umupo na sa tabi ko.

"Ha?"

"Sir?"

"Agad-agad?"

At iba't ibang uri ng reklamo pa sa mga kaklase ko.

Oo nga. Agad-agad? Sabagay, last year ganito din to. Halos araw-araw "Get one whole" panira nya ng araw namin. Pero wala to. Malamang magpapa essay lang.

"Joke lang! Sige may new student ba tayo?" Eh? Medyo corny yung joke. Ginawa nya na yan last year eh. Sana yung i-joke nya naman 'Magreretire na ko class'

"Wala po. Kung ganon, orientation nalang tayo. Introduction sa subject natin .."

At after one and a half hour na puro tango lang ginawa namin, lumabas din sya. Eto na last subject namin for today. Kaya nga medyo hindi ako bitter sa Monday ngayong first sem ng last year ko. Tatlo lang kase yung subjects. Pwede akong umuwi ng maaga at ituloy ang pagbabasa ng libro.

"Tara mall tayo!" Aya agad ni Ish pagkatapak na pagkatapak ng kanang paa ng prof namin sa labas ng room.

"Monday na monday mall agad?" Nakataas lang isang kilay ko. 

"As usual Hahahahahahaha sige na." Resbak naman ni Shane.

Oh well, hindi pa ba kami sanay sa isa't isa? Once a month ganito eksena namin. Mall Tayo! Monday na monday mall agad? As usual hahahahahahaha.

Parang video na ulit ulit pini-play.

At hindi parin nagbago ang mga linya namin. At gaya ng dati, susuko ako. Sasama ako sa mall. Kakain kami ng ice cream, paikot ikot para maghanap ng mabibili, pag medyo madilim na, uwian na.

Sige na nga. Once a month lang naman talaga ako magpunta ng mall, maliban nalang kung may importanteng bibilhin.

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon