Kaninang recess inaya ako ni Jewel para sumama sa mga katropa niya. (Group of Swaggers lahat) kaya nagpasya akong wag na lang sumama. Kaso nagtampo siya kaya, yun natauhan ako.
Nakita ko si Aaron, halos di na maalis ang tingin ko sakanya.
Tinawag ni Jewel si Aaron kaso di niya ito pinansin at nag kunware-di-narinig effect pa, pero halata namang naririnig niya.
Gusto ko talaga maging close kami ni Aaron,
Pero di talaga mangyayari kahit ano gawin ko. Kaklase ko nga si aaron, may posibilidad na magkausap kami, kaso di talaga nangyare.
Mga kaibigan ko nga sa classroom close na close na sakanya, pano kaya ako?
Lantang tae lang sa tabi tabi!
Mahiyain kasi ako at Snobbero kasi siya.
Sa Araling panlipunan subject namin, hinahawakan ko ang aking palda, padulas dulas ang aking mga kamay dito. MASSAGE ang tawag ko sa manerism na 'to.Huh? may nakakapa ako sa palda ko , nung una akala ko balat ng kendi, kaya pinabayaan ko lang muna, nung kinapa ko ulit biglang gumalaw napatingin ako ngayun sa palda ko.
Isang centipede!
Sigaw ako ng sigaw, gumawa pa nga ako ng kung ano anong galaw. Tingin ko nakakahiya ako tingnan nun, nung nahulog na ang centipede sa palda ko. Kumalma ako ng sandali. "San kaya galing to?"
Nagsitawanan ang aking mga kaklase maski teacher ko natawa. Napahiya ako kay Aaron, pati na rin sa harap ng mga kaklase ko.
Hindi naman natawa si aaron pero nakita ko siya nakangiti, parang pinipigilan lang ba.
**********************************
Andito ako sa field, nakaupo, as usual, hinihintay ang labasan nila jewel. Nakita ako ng isa sa mga kaibigan ni Aaron, si Josh.
Tinawag niya ang aking pangalan.
"Nakakatawa ka kanina! san ba galing yung alupihan ?" (ano problema nito? ano sasabihin ko? dali dali, isip!)
"Ewan ko nga eh"
"Gusto kong makipag kaibigan sayo, ano?"
"Huh? Bakit mo naman naisipan yun? may iba pa dyan oh na pwede mong kaibiganin"
"hindi yun! alam ko kasi na may gusto ka kay aaron kaya baka maaaring makatulong ako sayo,tsaka gusto kong pag-aralan ang mga babae"
"Anong tingin mo saming mga babae?!! Mga experiment lang na pag nagfail itataboy na lang?sige wag na. Di ko rin naman crush si aaron eh"
"Hindi naman yun ang punto ko eh, gusto ko malaman kung pano ang response nila saming mga lalaki sa mga bagay bagay." (eh? ano iniisip nito? masyadong open magbigay ng impormasyon)
"Still no, ayoko, iba na lang. Case closed." sabay nagwalk-out na parang magandang babae na tinanggihan ang kanyang manliligaw.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tumagal na ng tumagal ang panahon pero di ko talaga siya naging kaclose, maski makausap lang man hindi.
2nd quarter na pero wala paring pinagbago.
Ibang grades ko palakol.
Sana nga pwedeng itaga yung grades kong palakol sa ulo ni aaron eh nang matauhan.
Naging magkaibigan na kami ni josh. Dun din pala ang kahahantungan ko. Naawa kasi ako sakanya at baka makatulong nga rin naman siya sakin kay aaron.
Close narin kami ng mga kaibigan ni Aaron dahil kay Josh pero si Aaron lang talaga ang di kumikirap sa pwesto.
Nung dismissal may sinabi sa akin si josh.
Tinanong niya daw kay aaron kung bakit hindi niya ako pinapansin.
"Tapos , ano sabi niya?"
"Ewan niya daw, pinipilit ko na siya pero yun lang talaga ang mga lumabas sa bibig niya"
"So yun lang?"
Tumango si Josh.Bakit ka ganun, Aaron. Bakit siya ganun? Bakit ayaw niya ko pansinin, wala naman akong ginawang masama.
BINABASA MO ANG
(Discontinued) Bakit ikaw ang crush ng crush ko?
Teen FictionMatagal nang naghahangad si Tesa na magkagusto sakanya ang taong "nagugustuhan" niya, pano kung nagustuhan ka nga niya, sapilitan lang pala? Ang kapalaran nga ba nila ay magtatagpo o lalagpasan lamang ang isa't isa? Si Theresa De Guzman, o Tesa, is...