Bestfriends turned to Lovers?

76 3 0
                                    

Short story lang ang kaya ng powers ko ngayon, sorry. Pero ang story na to may katuluyan pa. Maybe itutuloy ko next month. Enjoy reading kahit super short lang :)

--

Hindi lang siguro talaga alam ng mga lalaki kung gaano kasaya ang mga babae pag nagkaroon sila ng lalaking bestfriend.

Siguro maraming lalaki rin ang nagtataka kung bakit kinakaibigan lang sila ng mga babae.

Karamihan kasi ng mga babae ang mas pinipili ang FRIENDSHIP kaysa RELATIONSHIP.

Kasi sa Friendship, pag nagaway pwede magbati agad. Sa Relationship, idadaan pa sa iyakan, dramahan sa text. Pero sa huli nagbebreak din. Pag Friends lang, kung magbabati kayo friends parin. Walang breakup. Walang sakitan. Walang commitment.

Pero paano nga ba kung. Na-fall ka na ng tuluyan sa bestfriend mo? Handa ka bang isugal ang Friendship niyo?

--

"Uy, teka! Saan ba tayo pupunta?"

"Basta sumama ka nalang!"

Hila hila ako ngayon ng bestfriend ko na si Carl palabas ng school. Uwian na namin, magpapaalam na sana ako sakanya dahil uuwi na ako pero bigla niya akong hinila. Sabi niya may pupuntahan daw kami. Importante lang daw. Ano nanaman bang trip ng bestfriend kong to? Actually... kinikilig ako. Teka ha? Singit singit, kwento muna ako.

Habang tumatagal ang pagiging magbestfriend namin, akala ko hanggang bestfriend lang talaga ang turing ko sakanya. Until such time I realized, unti unti na pala akong naiinlove pero pilit kong pinipigilan dahil alam kong imposibleng maging mutual ang feelings namin sa isat isa. Minsan nga akala niya masaya lang talaga ako, pero kinikilig talaga ako.

"Joyce, pikit ka muna."

"Ha? eh teka! Baka mamaya ihulog moko sa kanal? Ibitin sa puno ng patiwarik? Oh baka kung anong gawin mo???!?!!!!"

"Baliw ka palang bestfriend eh! May surprise lang ako."

"Eh sabi mo yan ah! Basta ba makakauwi ako ng buhay!"

Pinikit ko na mga mata ko at inalalayan naman ako sa paglakad ni Carl. Hanggang sa may narinig ako.

"July 15, 2012. When you promised to be my official bestfriend, Joyce Ann Dela Cruz."

Minulat ko ang mata ko, at nakita ko na nasa garden kami ng isang resto. Malapit lang din sa school. Tapos may mala-filmshowing na eksena sa bandang gilid. Nagtuloy tuloy yung video na nagpalay. Nagsasalita si Carl habang nagslideshow mga pictures namin. Nakalimutan ko. Oo nga.Ngayon yung 1st anniversary namin as bestfriends. Nagtuloy tuloy ako sa pakikinig.

"I would like to thank you for being my classmate, yaya, kaaway, kalaro, kakulitan, and my one and only bestfriend.. and I guess soon to be more than bestfriend"

Natigilan naman ako sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Napatingin naman ako sakanya. Nginitian lang niya ako at sinabing, " Makinig ka lang sa sinasabi ko."

Nagpatuloy yung video.

"Sa isang taon na magkasama tayo, nakilala ko ang tunay na ikaw. Masayahin, mapagkakatiwalaan. But I guess. May kulang sa buhay mo. At ako yun. HAHAHAHA Corny ba? Siguro minsan nagtataka ka kung bakit sweet ako sayo. Sorry pero torpe ako at di ko nasabi sayo to ng harap harapan. Atleast maririnig mo naman na kasama mo ako. Joyce, salamat sa pagiging bestfriend. Pero naaasar ako sayo kasiii.. Tuluyan akong nainlove sayo."

ANO DAW?!

" I Love You Joyce Ann Dela Cruz."

Humarap naman saakin si Carl, at sinabing..

"CAN I COURT YOU?"

I just can't believe na.. yung iniisip kong imposibleng mangyari eh nangyari na. Our feelings are mutual, aarte pa ba ako? I became speechless tuloy. I just hugged him. Ang alam ko lang ngayon eh.. Masaya ako. Kumain na kami dahil nakaserve narin ang pagkain. Grabeng effort ng bestfriend este manliligaw ko. Nagkwentuhan lang kami saglit tapos hinatid na niya ako pauwi.

July 15, 2014

1year na rin nanliligaw si Carl. Ganun parin kami, parang magbestfriend parin. Walang pinagbago.

"Joyce, isang taon na ako nanliligaw ah. Wala ka bang balak sagutin ako?"

"Paano kita sasagutin eh di ka naman nagtatanong?"

"Eh yun lang pala hinihintay mo eh. Joyce Ann Dela Cruz, will you be my girl?"

"Ofcourse, Carl John Carpizo. Basta ba ipangako mo ako lang, FOREVER."

"Forever and Always, Mahal na mahal kita"

" Mahal na mahal din kita. To infinity and beyond."

We both hugged each other.

And that ends our Friendship.

But marks the beginning of our Relationship.

-THE END

Bestfriends turned to Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon