39th Chapter

175 18 0
                                    

[Pryztel]

"Pryzie may di ka ba sinasabi samin?"-iintrigahin na naman ako ng mga bruhang to.

"Yun ba?Tsk wala yun naninira lang"-kumuha ako ng tinidor saka tinikman ang niluto nila.

"Naninira?Si Jade?Aba ang desperado nya ah?Porket masaya ka na ngayon?Naiinsecure sya?Bakit ano bang sinabi?"-sabi ni Chammy.

" Sabi nya nakita nya raw na may kasamang babae si Kyu"-sabi ko at napakagat sa lower lip ko.

"Naniwala ka naman ba?"-akala ko magwawala sila pero kalmado lang so Hyui nang tanungin nya ako.

" Hindi .Sabi ni Kyu si Corrs daw ang kasama nya,sabay nadaw silang uuwi" -pagkabanggit ko ng pangalan ng kakambal ko saka lang sila nag iritan.

"Waaah dito sya kakain?OMG!Dapat sinarapan ko yung pagluluto!O ano?Okay ba?Okay ba yung itsura ko?"-di mapakaling tanong ni Chammy. Napaface palm nalang ako sa kanya. Babaeng to.

"Asa ka pa, kumain na sila kaya kumain na rin tayo"-sabi ko at padabog na kumuha ng kutsara at plato. Gutom na ako.

•••••

Nasa mini-library kami at nagpapakasasa sa pagbabasa ng mga librong makakatulong sa amin.

"Waaah wala talagang pumapasok sa utak ko"-sabi ni Chammy na mukhang aswang na nareyp sa sobrang gulo ng buhok nya.

"Can I help?"-napatingin kaming tatlo sa nagsalita sa may pintuan. Si Corrs pala.

"C-Corrs, omg! Nandito ka pala"-muntik ng lumuwa ang mata ni Cham at Hyui sa nakikita.

"Corrs,si Kyu?"-tanong ko. Napansin kong di sila magkasama. Kinabahan ako baka nagsisinungaling sakin si Zic.

"Magbibihis daw muna sya. Kakaakyat nya lang."-nakahinga ako ng malalim. Kung ganun magkasama nga sila.

"Ah, maiwan ko muna kayo dito. Ikaw na munang bahala sa dalawang to puntahan ko lang si Kyu"-tumango sya. Alam ko abot tenga na ang ngiti ng dalawang to.

Lumabas ako ng mini-library at umakyat na. Nasa tapat na ako ng pinto pero nagdadalawang isip ako na katukin. Pero Yuan, kailangan mong magsorry sa pang-iiwan mo sa kanya. Hay bahala na nga.

Kinatok ko ng ikatlong beses ang pinto nya sabay tawag sa pangalan nya. Walang sumagot,wala ring bumukas.

Kumatok ako ulit at tinawag sya ng ikalawang beses. Wala pa rin. Pinihit ko ang doorknob. Nakabukas yun.

Nandito na nga ba talaga sya?Bat ang tahimik? Sumilip ako sa loob. Walang tao. Naisipan kong pumasok para hanapin sya. Nag-ala ninja pa ako sa sobrang pag-iingat at dahan-dahan ko pang pinasok ang kwarto nya.

Teka para akong magnanakaw nito!Hayy umayos ka nga Yuan.

"Zic?Zic nanjan ka ba?"-wala talagang sumasagot. Pumunta ako sa higaan nya nakalatag sa sahig malapit dun ang piraso ng damit nya, ang iba naman ay nasa kama.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at...

O_______O>>>Sya

O//////////O>>>Ako

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!"-napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat ko ng makita ko syang kalalabas lang ng banyo at twalya lang ang nakatupis sa bewang nya.

"A-Anong ginagawa mo dito?! O____O"-napatalikod ako. Ay Dyos ko!Wala po akong nakita waaaah. Napataklob ako ng mukha sa sobrang hiya.

"K-Kasi kanina pa kita tinatawag. A-Ahm s-sorry"-nauutal kong sabi. Parang pinapakuluan ang buong katawan ko sa sobrang init ng dugo na dumadaloy sa pisngi ko.

"May sasabihin ka ba?"-di ko pa rin sya hinaharap.Ayoko pang magkasala.

"M-Meron pero m-magbihis ka muna"-bigla ko nalang naihakbang ang paa ko at bubuksan ko na sana ang pinto.

"Yuan"-napatigil ako nang bigla nya akong tawagin.

"B-Bakit?"-di ko sya tiningnan. Nanatili akong nakaharap sa pinto palabas.

"Wala kang nakita di ba?"-jusko bat ba nya tinatanong to?!

"W-Wala ah!"-lalong namumula ang pisngi ko sa sitwasyon na to.

"Talaga?Ibig sabihin nung nalunod ako nakapikit ka habang binibihisan mo ako?"-biglang nagflashback ang ala-ala ko ng panahong yun.

Waaaaah. Muntik na akong mangisay sa kahihiyan.

"H-Hindi!"-napapamura ako sa isip. Ayoko ng balikan ang moment na yun.Adrenaline rush ang tumulong sakin ng araw na yun.

"Hahaha,pero Yuan"-nakarinig ako ng footsteps papalapit sa akin. Oh no no no! "..ano bang sasabihin mo?"-tumigil ang yabag ng mga paa nya at sobrang lapit nalang ng boses nya.

Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang malalanding hormones ko sa katawan.

"Uhm, I just wanna say, sorry. Naiwan kita dun,sorry talaga,yung fans kasi---"-natigilan ako nang may basang katawan na dumikit sa likuran ko. Nakayakap ang mga braso nya sa akin at dahan-dahan nyang nilapit ang labi nya sa tenga ko.

Nagising ang katawang-lupa ko sa ginawa nya. Pati kaluluwa ko kumawala na sa katawan ko. Nanghihina ako at naubusan ako ng lakas. Ramdam ko pa rin ang init ng pisngi ko.

"Sssh,just promise me. Wag mo na akong iiwan ulit"-hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa to?Kagaya rin ba to ng paghalik nya sakin?!Anong nangyayari?Zic bat mo ako ginaganito?Rinig na rinig ko na ang lakas ng pagtibok ng puso ko.

Nagpapalpitate na yata ako. Binalot kami ng katahimikan hanggang sa marinig ko nalang ang sarili ko na sinasabing,

"Promise,I wont"-napangiti ako habang binibitawan ang mga salitang yun. Naging kumportable ako bigla sa yakap nya. Ang alam ko lang ayokong mawala sya sa tabi ko.Iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko kasama sya lagi. Para na akong mababaliw sa pag-aalala sa kanya pag wala sya.

Zic?Mahal na nga ba kita?

"Im glad to hear that. Hmm you may go"-niluwagan nya ang pagkakayakap sa akin. Makapigil-hininga ang pangyayaring yun at nagpapasalamat ako dahil natapos na. Nakahinga na ako ng maluwag.

Binuksan ko na ang pinto nang bigla akong napaatras dahil sumubsob sa sahig sina Chammy at Hyui. What the?! O____O

"HOY!ANONG GINAGAWA NYO DITO?!"-tumawa kunwari silang dalawa at mabilis na tumayo.Mga chismosa talaga!!

"Wala ah. Bye!"-nagtakbuhan sila paalis.Mga baliw.Napailing nalang ako ayyy nakakahiya!!!

••••
Hello guys. Dont forget to vote po. Salamat po talaga ng marami.

The girls on media
xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon